Narinig ang tawa ni Mollie nang nagsalita siya. “Narinig kong nagmula sa mayamang pamilya ang boyfriend mo? Pwes, kung hindi siya mayaman, mas magandang makipaghiwalay ka sa kanya! Mga baguhan ang mga Thompson sa lungsod na'to, pero ang big boss nating si Mr. Thompson ay may malakas na koneksyon sa four major families ng Centrolis! Lalo na sa mga Hamerton…“Kung kaya mong makuha ang isa sa mga tagapagmana ng mga Hamerton, mabubuhay ka nang marangya habangbuhay!”Hindi napigilang maalala ni Gia ang nakakatakot na mukha ni Zuko at ang mga kamao niyang para bang delikado. Huminga siya nang malalim, pinilit na ngumiti, at sumagot, “Maganda ang relasyon ko sa boyfriend ko…”Suminghal si Mollie na tumingin sa kanya. Hindi niya inisip na kakayanin ito Gia—isang mangmang na dalaga mula sa maliit na bayan na hindi pa nakikita ang mundo. “Sige, bumalik ka na sa trabaho! Pag-uusapan natin ang mga bagay tungkol sa trabaho at mga relasyon sa nang tao sa hinaharap.”“Sige,” nangiwi si Gia. “Sa
”Ms. Chapman, narinig ko ang buod ng sitwasyon sa pintuan ngayon lang,” inosenteng sabi ni Gia nang may mahinhing ngiti. Gayunpaman, may aninong lumitaw sa mga mata ni Lina. Tinitigan ang kakaiba ni Mollie si Gia, inayos ang salamin niya, at tinitigan siya nang istrikto na para bang nagsasabing, “Anong nangyayari? Kumakampi ka ba sa ibang tao?”Nagpanggap si Gia na hindi ito naintindihan at nagpatuloy na makiusap para sa dalawang intern. “Gusto lang nilang hanapin ang design sketches ni Mr. Sam para pag-aralan. Ang ganitong interes sa kaalaman ay dapat nating hangaang lahat! Ms. Chapman, hindi mo dapat sila pagalitan at tanggalan ng bonus!”Natulala si Mollie sa mga salita niya. Ito ang unang beses na may nakasalubong siyang kumampi sa ibang tao!Pagkatapos mag-isip sandali, napansin ni Mollie na bago pa si Gia at kailangan niyang makuha ang loob ng iba. Ang dalawang mahirap na estudyanteng ito ang naging pangunahing pakay niya. Kahit na hindi sila masyadong gusto ni Mollie
Nabigla si Lina nang nakita niya ang matangkad at makisig na lawyer na lumapit sa kanya nang may masiglang ngiti. Bumagsak ang puso niya sa eksenang ito. Sumandal si Gia sa balikat ni Jacob at nagpakita ng tamis at bakas ng kayabangan. Huminga nang malalim si Lina. Kailangan niya nang ilang sandali para masanay sa biglaang pagbabagong ito.“Hello,” binati siya ni Jacob. “Ako si Jacob Welsh. Nagkita na tayo noon sa Jangasas, at…”Huminto siya, sabay ngumiti nang malumanay. “Siguro nabanggit na niya ako sa'yo, tama?”Nag-alangan si Lina sabay pinilit na ngumiti. “Oo, naaalala ko.”“Nalinawan na ang lahat ng hindi pagkakaunawaan noon, tama?”“Huh?” Nabigla na naman si Lina. Napagtanto niyang noong hindi niya alam ang pagkatao ni Zuko, inisip niyang si Jacob, ang gwapong abogadong naghahanap sa kanya, ay sangkot sa isang espesyal na propesyon. Inisip pa niyang gustong i-recruit ni Jacob si Zuko. Hindi napigilang matawa ni Lina. “Ngayong wala na ang mga maskara, kilalanin natin
“Pinuntahan ni Jacob si Gia kanina. “Siya ang boyfriend ni Gia!“Niloloko niya ba siya? Siguro may ibang motibo si Gia sa pakikipagrelasyon niya sa kanya!“Kailangan mo siyang pakiusapan nang maayos, wag mo siyang hahayaang mahulog nang mas malalim at mawala sa sarili. Masasaktan siya nang sobra!"Zuko?"Nawala sa pagkakatulala si Zuko at tumingin kay Lina nang may bakas ng pagrereklamo sa mga mata niya. Kumaway si Lina sa harapan niya. “Anong problema?”Hinawakan niya ang kamay niya at hinaplos ito, habang nagsalita siya nang may malalim at malungkot na boses. “Buong gabi ka nang nagkukwento tungkol kay Jacob…”Nabigla si Lina. “Huh?”“Pwede ba wag na natin siyang banggitin?”“Zuko, ikaw—”“Hindi ako makapaniwalang nag-aalala ka pa ring baka masaktan siya. Habang patuloy kang nagkukwento tungkol sa ibang lalaki sa harapan ko, ako ang pinakanasasaktan!”Nanlaki ang mga mata ni Lina sa inis. “Zuko!” Sinuntok niya siya nang mahina. “Kung hindi mo lang siya best friend, hi
Biglang may dahan-dahang lumabas mula sa mga anino. Natulala si Zuko at nautal pagkatapos ng mahabang sandali, “Ah… Tito Nicholas?”Nasa likuran ni Nicholas ang mga kamay niya nang naglakad siya papunta sa kanila habang nakatitig ang mga mata niya kay Zuko. Nakayakap pa rin ang mga binti ni Lina sa baywang ni Zuko, ang mga braso niya sa leeg niya, at nakakapit sa kanya. Malinaw na naramdaman ni Zuko… ang intensyong pumatay mula sa mga mata ni Tito Nicholas! Napatalon siya at mabilis na binaba si Lina habang ngumiwi sa harapan ng matandang lalaki. “Um… Magandang gabi, Tito Nicholas. Gising ka pa pala? Inihatid ko si Lina pauwi… Heh…”Mukhang strikto si Nicholas at tumusok sa kanya ang masamang titig niya. Kahit na alam niyang ang anak niya at ang binatang ito ay ipinangako sa isa't-isa simula pagkabata—na itinadhanang magsama balang-araw—at magandang malapit sila sa isa't-isa, ang malamang nasa isang romantikong relasyon ang anak niya at ang makita ito sa sariling niyang mga m
Tumingin si Linda sa anak niya, pinigilan ang paghinga niya sa kaba, at halos bumulong, “Anong… Anong tinawag mo sa'min?”“Sinusubukan niyo ko, ha?” Pinigilan ni Lina ang mga luha niya dahil gusto niyang pagaanin ang nakakaiyak na ere. Ngumiti siya at nagsabing, “Syempre, mama at papa! Mama, di naman siguro isang taon pa rin ang tingin mo sa'kin, di ba?”Natulala si Linda bago biglang tumulo ang mga luha sa mukha niya. “P-Pwede mo ba kong tawagin niyan nang isa pang beses?”Humikbi si Lina nang tinawag niya siya, “Mama.”“Gusto ko ulit marinig…”“Mama!”Iniunat ni Linda ang mga braso niya at niyakap nang mahigpit ang anak niya habang humahagulgol ng iyak. Naiiyak din si Nicholas, pinigilan ang mga luha niya, at lumapit para yakapin ang asawa at anak niya. “Sige, wag ka nang umiyak.” Ngumiti siya kahit na naluluha. “Isa tong masayang sandali! Tatawagin na tayong mama at papa ni Lina mula ngayon… Maririnig natin to araw-araw!”Luhaang nagtanong si Linda, “Nicholas, masyadong
Naghanda si Cordelia ng rose jelly dessert para mismo kay Zephyr. Paanong magagawa ni Zephyr na ibahagi ito?Kumuha rin si Zuko ng isang mangkok ng dessert para sa nakababata niyang kapatid. Inilapag ni Toph ang phone niya, kinuha ang pagkain, at kinain ito kasama ng kuya niya nang may kuntentong mukha. Nagsalita si Cordelia habang nakatingin kay Zuko, “Gabing-gabi ka na nakauwi. Inihatid mo ba si Lina pauwi?”“Oo,” sagot ni Zuko, sabay huminto para pag-isipan ang ekspresyon ni Nicholas. Ginawa niya itong biro at ikinuwento sa mga magulang niya. Ngumiti si Cordelia at tumingin kay Zephyr. Biglang naalala ni Zephyr kung paano siya tignan ni Rowan noon. Para bang lahat ng father-in-law ay pareho ng pakiramdam…Mabuti na lang at wala siyang anak na babae. Kung mayroon, tiyak na magdurusa ang son-in-law niya. Mula sa pananaw ng anak niya, nagkaideya si Zephyr….Ngumisi si Zephyr, umupo sa tabi ni Zuko, at marahang hinawakan ang balikat niya. Bumulong siya, “Medyo maramot si Nic
“Talaga?” Ngumiti si Cordelia na sobrang natuwa. Umupo ulit ang pamilya sa sofa. Habang naglalaro ng video game, nagsalita si Toph, “Napakaepektibo talaga ng gamot ni Tita Dennis. Mas maganda na ang kondisyon ng nanay ni Renee ngayon kumpara noon. Basta't magpapatuloy siyang uminom ng gamot at magpahinga, hindi magiging problemang panatilihin ang kasalukuyang sitwasyon.”“Narinig kong isa nang positibong pagbabago sa kondisyon niya ang panatilihin ang kasalukuyang sitwasyon.” Tumawa si Zephyr. “Pwede na ba siyang lumabas sa ospital ngayon?”“Oo, pwede na!” Tinaas ni Toph ang isang kilay niya. “Naghanda ako ng lugar na tutuluyan niya at kumuha ng taong mag-aalaga sa kanya. Lilipat na si Renee Mila sa mga Thompson at titira kasama ng nanay niya. Pero ang bagong bahay ay malapit sa mga Thompson kaya magiging madali para sa kanyang bisitahin sina Tito Nicholas at Tita Linda.”“Mabuting bata si Renee.” Tumingin si Cordelia sa anak niya. “Dapat tratuhin mo siya nang mabuti. Napakarami