Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
”Gabi na. Matulog ka na.”Biglang ginising ng malalim at malamig na boses ng isang lalaki si Cordelia Jenner mula sa kanyang pag-iisip. Noong tumingin siya sa taas at nagtagpo ang kanilang mga mata, may nakita siyang emosyon sa mga mata ng lalaki na hindi niya matukoy.Kabado siyang humawak sa laylayan ng kanyang damit at hindi niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Mula nang pumasok siya sa kwarto, nakaupo na siya sa gilid ng kama. Sa sobrang tagal niyang nanatili sa posisyon na ito ay namanhid ang kanyang likod mula sa pagiging tensyonado at pag-upo ng tuwid. Ni hindi pa nga niya hinuhubad ang kanyang damit pangkasal.Natauhan lamang siya noong makatapos maligo ang lalaki at lumabas ng banyo. Matutulog siya ngayong gabi kasama ang lalaking ito bilang mga bagong kasal. Subalit, hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan ang lalaki. Higit pa dito, ikinasal siya bilang kapalit ng kanyang ate.Siya ang anak sa labas ng isang mayamang pamilya, kaya pinakasalan niya
Nablanko ang isipan ni Cordelia. Naramdaman niya ang mainit na dibdib ng lalaki na dumikit sa kanyang likod. Naririnig din niya ang malakas na tunog ng pagtibok ng puso ng lalaki. Hinawakan siyang maigi ng lalaking nasa ibabaw niya, at sinubukan niyang huminga ng malalim ngunit hindi pa rin niya maiunat ang naninigas niyang mga braso. Biglang huminto ang lalaki. "Alam mo ba kung sino ako?" Napahinto si Cordelia.Gustong sabihin ng lalaki na siya ang asawa niya at ito ang gabi ng kanilang kasal. Walang masama na gawin nila ito bilang mag-asawa. Sa kabila nito, niliteral ni Cordelia ang kanyang tanong at nahihiyang sumagot, "Oo… Ikaw si Marcus Grist."Naningkit ang mga mata ng lalaki at ngumisi siya. Marcus Grist… Hah, dapat ba siyang matuwa na alam niya ang pangalan na 'yun? Pasensya na lang sa kanya hindi siya si Marcus Grist—at hindi siya si Yelena Jenner. Mula noong pumasok siya sa pinto na iyon, alam na niya agad na isa lang siyang substitute. Hindi niya alam kung bakit,
Nagtapis si Cordelia at lumabas siya sa harap ng bahay, kung saan nageehersisyo si Marcus.Walang suot na pang-itaas si Marcus habang hawak niya ang dalawang dumbbell sa magkabila niyang kamay. Nang masikatan ng araw ang kanyang mga muscle, nagmistula siyang si Helios, na bumaba mula sa kalangitan. Bahagyang namula ang mga pisngi ni Cordelia habang binabati niya siya. "Ang aga mong nagising!" Lumingon si Marcus sa kanya. Pinagmasdan ni Cordelia ang kanyang paligid. Hindi gaanong malawak ang harap ng bahay. Sa halip ay magulo ito, at may mga sandbag, boxing gloves, baseball bats, weights, at iba pang mga bagay na nagkalat sa paligid. Sumikip ang kanyang dibdib. Hindi siya nangahas na sabihin na totoo ang mga balita, ngunit marahil ay madalas mapaaway si Marcus. Napaisip siya tungkol sa pasensya ng lalaki. Narinig niya na ang mga tao sa lugar na ito ay mga masokista at karaniwan na para sa mga nalalasing na lalaki na bugbugin ang kanilang mga asawa.Kinagat ni Cordelia ang kany
"Nilabhan ko 'to!" Ang agad na sinabi ni Cordelia. "Pangako, malinis 'to! Walang problema dito!" "Hah, nilabhan mo 'to?" Suminghal ang sales assistant. "Miss, bakit mo 'to nilabhan kung isang araw mo lang 'tong nirentahan? Nirentahan mo 'to para magpakasal, hindi para magsaka, tama?" Namula si Cordelia sa sobrang hiya. Sa katunayan, hindi gaanong nalalayo sa isang taniman ang kondisyon ng paligid noong kinasal siya. Nilakad niya ang maputik na daan sa nayon sa gitna ng ulan, nadungisan ang kanyang puting wedding dress at sapatos, at nagasgas din ang kanyang mga paa. Paulit-ulit na inangat ng sales assistant ang palda ng wedding dress at tumingin siya ng masama kay Cordelia. "Miss, kahit na labhan mo pa 'tong wedding dress na 'to, dry clean lang dapat 'to! "Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng dry cleaning?" Sinadya siyang insultuhin ng sales assistant nang makita kung gaano siya kainosente. "Hayy, sunud-sunod na nabenta ang mga wedding gown namin mula noong nagbukas kami
Biglang nanahimik ang buong boutique. Naawa ang iba sa sales assistant habang sumimangot naman ang huli. Sa kabila nito, tinitigan siya ng dumating na manager, inudyukan siya nito na gawin ang gusto ng customer. Kung sabagay, isa itong mamahaling wedding gown. Mahinahon si Marcus, at hindi umaabot sa kanyang mga mata ang ngiti sa kanyang masungit na mukha. Hindi mapigilan ni Cordelia na humigpit ang kanyang hawak sa kamay ni Marcus. "Hayaan mo na, huwag na nating bilhin 'yan," ang sabi niya kay Marcus. "Napakamahal ng wedding gown na 'to, at hindi naman natin 'to magagamit…""I-swipe mo na ang card." Malamig ang tono ng boses ni Marcus. "Sa huli, ang manager ng boutique at ang designer ang namagitan sa sitwasyon. Tumayo si Marcus sa may pinto at nanigarilyo habang sinusukatan si Cordelia sa loob ng boutique. Sa pagkakataong ito, walang sinuman ang nangahas na insultuhin siya. Tumayo sa isang tabi ang sales assistant pagkatapos siyang sermonan ng manager, at paulit-ulit na pi
Kinurot ni Marcus ang pagitan ng kanyang mga kilay at mukhang mas malagim ang kanyang ekspresyon bago siya huminga ng malalim at binaba ang tawag. Babalik siya sa Centrolis—pero hindi pa ngayon. Aalertuhin lamang niya ang mga tao na nag-aakala na namatay siya sa plane crash at muli silang gagawa ng plano at hahanap sila ng mas masamang paraan upang patayin siya! "Boba o grass jelly? Alin dito ang gusto mo?" Nagising si Marcus sa kanyang pag-iisip dahil sa tanong na 'yun, at sumalubong sa kanya ang makislap at malalaking mata ni Cordelia. Nginitian siya ni Cordelia, ng kasing tamis ng milk tea na hawak niya. "Anong nangyari sa'yo?" Tumingin sa kanya si Cordelia. "Mukhang hindi maganda ang…""Ayos lang ako." Hindi niya gusto na may taong kayang bumasa sa kanya. Malamig ang boses ni Marcus noong lumingon siya sa kanya. "Inumin mo na lang yung isa. Ayaw ko ng matatamis."Nanigas si Cordelia sa kinatatayuan niya, habang hawak ang dalawang baso ng milk tea. Ilang sandali ang lumipa
Pagkatapos niya itong hulaan, sinabi ni Marcus na, “Puntahan mo yung drawer sa kwarto. May kahon sa loob. Dalhin mo yung kahon dito.”Ginawa ni Cordelia ang sinabi sa kanya ni Marcus, nahanap niya ang isang kahon na gawa sa kahoy sa pinakamalalim na parte ng drawer. Napakaganda ng pattern na nakaukit sa kahon, habang may mabangong amoy na nagmumula sa box.Kinuha ni Marcus ang kahon mula kay Cordelia at binuksan niya ito, at makikita ang ilang piraso ng gintong alahas sa loob nito: isang kwintas, isang pares ng kwintas, isang singsing, at isang pulseras. Ang pulseras ang pinakanatatangi sa lahat, dahil gawa ito sa ginto at jade. Matingkad ang kulay ng jade na nakabaon sa ginto at malamig ito sa pakiramdam.Nanlaki ang mga mata ni Cordelia habang takang-taka siyang nakatingin sa lalaki.“Ano ‘to…”“Hindi pa kita nabigyan ng magandang regalo para sa kasal natin,” ang sabi ni Marcus habang dinadampot niya ang mga alahas at tinitingnan ang mga ito.”“Ituring mo itong isang regalo mul