Pagkatapos ay malinaw na narinig ni Lina na sabihin ng isang boses sa kabilang linya na, “Bed 35, Melissa Jones, oras na para sa gamot mo!”Agad na ibinaba ni Jesse ang tawag.Hawak ni Lina ang kanyang phone, tinititigan niya ang madilim na screen. Pakiramdam niya ay maiiyak siya, at tumulo ang mga luha pababa ng kanyang mukha.-Natapilok si Abigail sa set ngunit tiniis niya ang sakit hanggang sa huling eksena upang hindi maantala ang filming progress. Noong sumigaw ng “Cut” ang direktor, namamaga na ang kanyang paa, at hindi siya nangahas na humakbang.Naawa si Jackie kay Abigail at nakipagtalo siya sa crew, sinabi niya na hindi nila inalagaan ng mabuti ang pinakamamahal niyang artist.Hinila siya ni Abigail. “Ang sakit-sakit na ng paa ko, tapos gusto mo pang pasakitin ang ulo ko?”Agad na lumapit si Jackie upang alalayan siya at tinulungan niya siyang maglakad paalis ng set.Sa kasamaang palad, naka-schedule para sa maintenance ang kotse ngayong araw.Nauubos na ang pasensy
”Anong problema?” Napansin ni Jacob na may mali kay Abigail. Noong papaandarin na niya ang sasakyan, huminto siya at kabado siyang tumingin kay Abigail.‘Hindi ba komportable ang upuan? Masikip ba? Siguro hindi pasok sa standards niya ang kotse ko…”Maraming manliligaw si Abigail, lalo na ang mga mayayamang tagapagmana na hindi magdadalawang-isip na gumastos para sa kanya.Pinanghinaan ng loob si Jacob.Pagkatapos, noong sandaling iyon, napansin niya na hindi sinuot ni Abigail ang kanyang seatbelt. Nagkaroon siya ng ideya. Iyon kaya ang problema?Agad siyang lumapit at inabot niya si Abigail upang isuot ang kanyang seatbelt.Nabigla si Abigail, at kinabahan siya. Noong sandaling iyon, habang malapit sa kanya si Jacob, nalanghap niya ang preskong amoy ni Jacob na parang lavender at napansin niya ang kulay pulang bakas sa puting damit ni Jacob sa ilalim ng sikat ng araw.Noong inangat niya ang kanyang tingin at ngumiti siya pagkatapos niyang ayusin ang seatbelt ni Abigail, pakiram
Ngumiti si Jacob, natuwa siya sa itsura ni Abigail, wala siyang kaalam-alam sa sakit na nararamdaman ni Abigail.“Hindi natin dapat balewalain ang sprain na ‘to. Kailangan nating pumunta sa ospital ngayon,” ang marahan niyang sinabi ngunit mayroong awtoridad ang kanyang tono. “Makinig ka sa’kin. Sasamahan kita!”Tumango si Abigail, ngumiti siya ng matamis habang nakasandal siya sa kanyang upuan. Pakiramdam niya ay nakalubog siya sa isang lalagyan na puno ng matamis na honey.-Kinagabihan, umuwi si Linda at agad na napansin ang problemadong ekspresyon ni Evelyn.“Anong nangyari?” Nadurog ang puso ni Linda. “Si Pammy ba?”Tumingin sa kanya si Evelyn at tumango. “Nalaman niya na may cancer si Mrs. Jenner, at…”Naalarma si Linda, tatakbo na sana siya paakyat ng hagdan, ngunit pinigilan siya ni Evelyn. “Madam, totoo ba ‘yun?”Nanatiling tahimik si Linda ng ilang sandali bago siya sumagot, “Oo.”“Sa tingin… medyo komplikado ‘to.” Kumunot ang noo ni Evelyn. “Pag-uwi niya, nagkulong
Natulala sandali sila Linda at Lina, sabay na bumaling ang atensyon nila sa pinto.Nakatayo doon si Nicholas, na may suot na hindi nakakapinsalang ngiti. Kanina pa siya tumatakbo sa labas ng kwarto ng kanyang anak, bago pa man dinala ni Linda ang tray sa itaas. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak na babae ay hindi kumain at nasa masamang kalooban. Ang takot na mawala ang anak na babae na pinaghirapan nilang hanapin ang sumasagi sa kanya.Gayunpaman, hindi niya alam kung paano siya lalapitan. Siya ay isang ama, isang lalaki, at may ilang mga bagay na maaaring hindi gustong pag-usapan ng mga babae sa isang lalaki.Habang nagdadalawang isip siya ay nakita niyang paakyat na si Linda kaya mabilis siyang nagtago sa gilid. Matapos kumatok si Linda sa pinto at pumasok, inilabas niya ang kalahati ng kanyang katawan at sumilip sa loob, pinipilit ang kanyang tenga sa pakikinig.Pero habang nakikinig siya, parang may kakaiba. Bakit umiiyak ang dalawang ito?Sa pagkabalisa, kumatok si Nicho
”Gabi na. Matulog ka na.”Biglang ginising ng malalim at malamig na boses ng isang lalaki si Cordelia Jenner mula sa kanyang pag-iisip. Noong tumingin siya sa taas at nagtagpo ang kanilang mga mata, may nakita siyang emosyon sa mga mata ng lalaki na hindi niya matukoy.Kabado siyang humawak sa laylayan ng kanyang damit at hindi niya napigilan ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Mula nang pumasok siya sa kwarto, nakaupo na siya sa gilid ng kama. Sa sobrang tagal niyang nanatili sa posisyon na ito ay namanhid ang kanyang likod mula sa pagiging tensyonado at pag-upo ng tuwid. Ni hindi pa nga niya hinuhubad ang kanyang damit pangkasal.Natauhan lamang siya noong makatapos maligo ang lalaki at lumabas ng banyo. Matutulog siya ngayong gabi kasama ang lalaking ito bilang mga bagong kasal. Subalit, hindi niya alam kung paano niya pakikitunguhan ang lalaki. Higit pa dito, ikinasal siya bilang kapalit ng kanyang ate.Siya ang anak sa labas ng isang mayamang pamilya, kaya pinakasalan niya
Nablanko ang isipan ni Cordelia. Naramdaman niya ang mainit na dibdib ng lalaki na dumikit sa kanyang likod. Naririnig din niya ang malakas na tunog ng pagtibok ng puso ng lalaki. Hinawakan siyang maigi ng lalaking nasa ibabaw niya, at sinubukan niyang huminga ng malalim ngunit hindi pa rin niya maiunat ang naninigas niyang mga braso. Biglang huminto ang lalaki. "Alam mo ba kung sino ako?" Napahinto si Cordelia.Gustong sabihin ng lalaki na siya ang asawa niya at ito ang gabi ng kanilang kasal. Walang masama na gawin nila ito bilang mag-asawa. Sa kabila nito, niliteral ni Cordelia ang kanyang tanong at nahihiyang sumagot, "Oo… Ikaw si Marcus Grist."Naningkit ang mga mata ng lalaki at ngumisi siya. Marcus Grist… Hah, dapat ba siyang matuwa na alam niya ang pangalan na 'yun? Pasensya na lang sa kanya hindi siya si Marcus Grist—at hindi siya si Yelena Jenner. Mula noong pumasok siya sa pinto na iyon, alam na niya agad na isa lang siyang substitute. Hindi niya alam kung bakit,
Nagtapis si Cordelia at lumabas siya sa harap ng bahay, kung saan nageehersisyo si Marcus.Walang suot na pang-itaas si Marcus habang hawak niya ang dalawang dumbbell sa magkabila niyang kamay. Nang masikatan ng araw ang kanyang mga muscle, nagmistula siyang si Helios, na bumaba mula sa kalangitan. Bahagyang namula ang mga pisngi ni Cordelia habang binabati niya siya. "Ang aga mong nagising!" Lumingon si Marcus sa kanya. Pinagmasdan ni Cordelia ang kanyang paligid. Hindi gaanong malawak ang harap ng bahay. Sa halip ay magulo ito, at may mga sandbag, boxing gloves, baseball bats, weights, at iba pang mga bagay na nagkalat sa paligid. Sumikip ang kanyang dibdib. Hindi siya nangahas na sabihin na totoo ang mga balita, ngunit marahil ay madalas mapaaway si Marcus. Napaisip siya tungkol sa pasensya ng lalaki. Narinig niya na ang mga tao sa lugar na ito ay mga masokista at karaniwan na para sa mga nalalasing na lalaki na bugbugin ang kanilang mga asawa.Kinagat ni Cordelia ang kany
"Nilabhan ko 'to!" Ang agad na sinabi ni Cordelia. "Pangako, malinis 'to! Walang problema dito!" "Hah, nilabhan mo 'to?" Suminghal ang sales assistant. "Miss, bakit mo 'to nilabhan kung isang araw mo lang 'tong nirentahan? Nirentahan mo 'to para magpakasal, hindi para magsaka, tama?" Namula si Cordelia sa sobrang hiya. Sa katunayan, hindi gaanong nalalayo sa isang taniman ang kondisyon ng paligid noong kinasal siya. Nilakad niya ang maputik na daan sa nayon sa gitna ng ulan, nadungisan ang kanyang puting wedding dress at sapatos, at nagasgas din ang kanyang mga paa. Paulit-ulit na inangat ng sales assistant ang palda ng wedding dress at tumingin siya ng masama kay Cordelia. "Miss, kahit na labhan mo pa 'tong wedding dress na 'to, dry clean lang dapat 'to! "Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng dry cleaning?" Sinadya siyang insultuhin ng sales assistant nang makita kung gaano siya kainosente. "Hayy, sunud-sunod na nabenta ang mga wedding gown namin mula noong nagbukas kami