Nagpakasal si Cordelia Jenner sa isang sanggano kapalit ng kapatid niya at namuhay siya ng mahirap habangbihay… O 'di nga ba? Sa isang iglap, ang asawa niya ay naging isang lihim na bilyonaryo na may taglay na kapangyarihan at impluwensya… Imposible 'yun! Tumakbo si Cordelia pabalik sa kanilang munting bahay at papunta sa mga bisig ng kanyang asawa. "Sinasabi nila na ikaw daw si Mr. Hamerton. Totoo ba 'yun?" Hinaplos ng lalaki ang kanyang buhok. "Kamukha ko lang yung lalaking 'yun." Sumimangot si Cordelia. "Nakakainis yung lalaking 'yun. Pinipilit niya na ako ang asawa niya. Bugbugin mo siya!" Kinabukasan, ang Mr. Hamerton na 'yun ay ngumiti at nagpakita sa publiko—bugbog at sugatan. "Mr. Hamerton, anong nangyari?" Ngumisi ang lalaki. "Nagkatotoo ang hiling ng asawa ko. Kailangan kong pangatawanan 'to."
View MoreNgumiti si Zuko, “Tiyak na mangyayari yun.”“Sige, tama na ang kadramahan niyong dalawa,” tumawa si Toph at tumuro sa isang direksyon kung saan lumipat ang atensyon nila. “Tignan niyo, sinong naroon?”Sinundan ni Lina ang daliri ni Toph at lumapag ang tingin niya sa dalawang medyo may-edad na taong naglakad papunta sa kanila. Nawiwindang at maingat ang mga hakbang nila. Medyo napatid pa sila sa baku-bakong lapag na piyer, pero nanatiling matibay ang determinasyon nilang makita ang anak nila. Sumikip ang dibdib ni Lina at sandali siyang hindi nakakilos. Inobserbahan niya ang kabang nakaukit sa mga mukha nila at ang maingat na pananabik sa mga mata nila. Sa kabila ng sosyal na kasuotan nila na malaki ang pinagkaiba sa mga tao sa paligid, para bang gumigiwang at magulo ang mga kilos nila. Nakasara ang kamao ni Lina sa tabi niya at para bang tatalon sa lalamunan niya ang puso niya. Habang sinusuportahan ang isa't-isa, binilisan nina Nicholas at Linda ang lakas nila hanggang sa naka
Sa importanteng sandaling iyon, may yumakap kay Lina mula sa likuran. Binalot ng mainit at malumanay na mga kamay ang malamig at nanginginig niyang mga kamay na nagpawala sa kaba niya. Nang tumingala siya, sumalubong kay Lina ang determinadong mga mata ni Zuko. Nanigas siya nang hinawakan niya ang kamay niya, tinulungan siyang tumutok, at nagsalita nang may mahina at kalmadong boses. “Iputok mo!”Nang walang pag-aalangan, kinalabit ni Lina ang gatilyo. Umalingawngaw ang tunog ng baril na nagpamanhid sa braso niya mula sa recoil ng maliit na pistol. Tumama ang bala sa binti ni Justin. Nalaglag siya mula sa deck at nag-iwan ng maraming dugo. Mabilis na inaresto ng pulis ang gang ng mga kriminal. Sa sandaling iyon, naging blangko ang utak ni Lina. Maingay ang tibok ng puso niya sa tainga niya at lumamig ang mga kamay at paa niya. Nang hindi na niya kayang suportahan ang sarili niya, nagsimula siyang matumba, ngunit sinalo siya ni Zuko, niyakap siya nang malumanay sa mga bisig niy
Huminto si Toph nang nagtaka siya. “Alitaptap? Anong ibig sabihin nun?”Naningkit ang mga mata ni Zuko at nag-isip nang malalim. Ang paglitaw ng location tracking at ang signal na pinadala ay nangangahulugang hindi masyadong delikado ang kasalukuyang sitwasyon ni Lina. At ang salitang “alitaptap”...Isang kampanteng ngiti ang lumitaw sa mukha ni Zuko. “Nasa Southeast Aciatic sila!” “Ano?” Nabiglang sigaw ni Toph. “Sigurado ka diyan base lang sa isang salita?”Tumango si Zuko. “Hindi ako nagkakamali. Siguradong sa Southeast Aciatic yun! Kahit na hindi sabihin ni Melvin kay Tito Nicholas, mahahanap natin sila!”Nawala ang pagtataka ni Toph nang tinapik siya ni Zuko sa balikat at ngumiti. “Kung gusto mo nang makita si Renee, mag-impake ka na at sumama ka sa'kin!”“Sige…”Kalmadong naghanda si Zuko sabay kinausap si Tito Nicholas. “Wag mo munang iaatras ang mga tao mo. Maghihiwalay tayo sa dalawang grupo. Magpapatuloy ang team mo sa paghahanap dito habang aalis kami kaagad ni Toph.
Samantala, nanood si Nicholas nang malamig at walang pakialam. Puno ng nagliliyab na galit ang mga madidilim na mata niya.Kahit na puno siya ng sugat, nagpatuloy si Melvin na galitin si Nicholas gamit ng mga bastos na salita. Determinado siyang makakuha ng reaksyon sa kanya. “Sinasabi ko sa'yo… Nagsasaya na siguro ang anak mo kasama ng ibang lalaki ngayon! Hahaha… Zuko Hamerton! Binabati kita! Kahit na mahanap mo si Lina, isa lang siyang walang kwentang p*ta na ginalaw ng mga lalaki! Hahaha…” “Tama na ang kalokohan mo! Tabi!”Ilang gwardya ang namagitan at sapilitang kinaladkad si Melvin habang dahan-dahang sumara ang bakal na pinto na nagpahina sa mga sigaw ni Melvin. Tumunog ulit ang phone ni Zuko at pinutol ang mabigat na ere. “Zeke?” Narinig ang natatarantang boses ni Melissa. “A-Anong nangyari? Sino yung sumisigaw? May kinalaman ba ito kay Lina?”Hinilot ni Zuko ang sentido niya para subukang pakalmahin ang isipan niya, pagkatapos ay mahinang sumagot, “Ma'am, wag kang
Bigla na lang, tumunog ang phone ni Zuko. Napagaan ang sipa niya sa kaunting gulat nang nakita niya sa screen ang pangalang pinakapinag-aalala niyang makita nitong nagdaang ilang araw—si Melissa. Huminga nang malalim si Zuko at naglakad palabas ng kwarto para sagutin ang tawag. Binati niya si Melissa nang may kalmadong tono, “Ma'am.”Natawag siyang “Zeke” ni Melissa pero mabilis niyang tinama ang sarili niya at naging maingat at mahinhin. “Mr… Mr. Hamerton, kumusta.”“Ma'am, di niyo kailangang maging pormal sa'kin. Tawagin mo na lang akong Zeke. Bakit di kayo nagpaalam sa'kin noong umalis kayo ng Centrolis?”“Oh…” Pinilit na ngumiti ni Melissa at nagsabing, “Hindi ka namin gustong abalahin. Kaya pa naman namin… Ano… Si Lina… Ayos lang ba siya?”Nag-alangan siya bago nakapagtanong sa wakas. …Ang totoo, sa nagdaang dalawang araw, pinag-isipan niyang mabuti ang tawag na ito. Sa sandaling nalaman niyang si Lina ang nag-iisang anak ng mga Thompson, isang tunay na tagapagmana, alam
Higit pa roon, naintindihan ni Krystal na ang mga usapin sa underworld ay hindi isang bagay na mauunawaan ng isang inosenteng babae kagaya ni Lina. Naalala niya kung paano siya iniligtas ni Nicholas noong nasa bingit siya ng kamatayan. Isa itong simpleng kabutihan para kay Krystal, pero sa bata at mapagpasalamat na si Krystal, si Nicholas ay isang bayaning para bang bumaba mula sa langit. Matagal na niyang gustong makabawi sa kanya, pero sa halip, hindi niya sinasadyang natulungan ang mga kalaban dalawampung taon ang nakaraan. Ginambala siya ng pagsisisi simula noon. Sa wakas, mayroon na siyang pagakakataon ngayon…Ngumisi si Krystal at tumingin kay Lina na handa nang magsalita, ngunit nagpatuloy si Krystal bago siya makapagtanong ng kahit na ano. “Siya mga pala, ipaalam ko kay Nicholas na pakiramdam ni Krys ay nadismaya niya siya. Sa kabila ng lahat, sangkot pa rin ako sa maduming trabahong to sa halip na maglakad sa daang makatarungan.”Huminto sandali si Lina, pinakalma ang isip
Huminga nang mabilis si Lina at namanhid ang binti niya sa pagtatago. Nagawa niyang suportahan ang sarili niya at tumayo, ngunit dumilim ang paningin niya nang bumagsak ang blood pressure niya at muntik na siyang bumagsak sa lapag. "Lina..."Mabilis na tumayo si Renee para suportahan siya ngunit nahilo siya pagkatapos umupo nang matagal. Pagkatapos, isang kamay ang sumuporta sa kanilang dalawa. Tumingala sina Lina at Renee at tumawag nang may nanginginig na boses, “Madame Krys.”Pinagpatong ni Krystal ang mga braso niya sa harapan ng dibdib niya. May halong galit at tawa sa ekspresyon niya. Nakasuot pa rin siya ng madilim na hapit na bestida. Bahagyang nakabukas ang kwelyo nito kung saan nakikita ang maputi niyang leeg at magandang collarbone. Tumingin siya sa kanila at siminghal. “Sumama kayo sa'kin.”Sumunod ang dalawang babae sa kanya at sinabayan ang mga hakbang niya. Nanghina ang mga binti ni Lina ngunit tumatakbo nang mabilis ang isipan niya. Kahit na maikling lakad
Sa sandaling iyon, napagtanto ni Lina na mukhang may sama siya ng loob tungkol kay Gia noon. Tinignan sandali ni Renee ang kwintas at mabilis itong ibinalik kay Lina. “Ang ganda talaga nito,” sabi niya nang nakangiti at inulit, “At hugis bituin ito. Talagang napakabuti ni Zuko sa'yo!”“Kapag hiningan mo si Toph, bibigyan ka rin niya.”“Hindi, hindi, ayaw ko ng sobrang mamahalin!” Mabilis na kumaway si Renee. “Ano palang gusto mo?” tanong ni Lina. Nag-isip sandali si Renee at matapat na sumagot, “Basta't kasama ko siya, wala akong ibang gusto!”Nagngitian ang dalawang dalaga sa isa't-isa nang may kumikinang na mga mata habang pinag-uusapan nila ang mga taong gusto nila. Pinaglaruan ni Lina ang kwintas habang nakatingala sa langit. Ngayong gabi, bilog ang buwan at walang nakikitang bituin sa langit. Nang itinaas niya ang kwintas, nangibabaw ang star pendant sa madilim na asul na langit at kuminang kasama ng buwan na para bang magkaisa ang mga bituin at buwan. “Sabi ni Zuko
Sinamantala nina Lina at Renee ang pagpapalit ng shift sa communication room at maraming beses silang pumuslit doon. Hindi sila masyadong nagtagal doon, sandali lang para maging pamilyar sila sa kagamitan o naghahanap sila ng manual. Nakaramdam sila ng takot at kaba sa bawat isang beses, pero ang kakaiba roon, hindi sila kailanman nahuli. Kahit nang narinig nila ang papalapit na mga yabag, nagawa nilang makaiwas sa panaginip na para bang may hindi nakikitang pwersang gumagabay sa kanila. May magandang pag-unawa si Lina sa layout ng barko habang natural na magaling si Renee sa numero. Sa pagtutulungan nila, madali silang nakakuha ng sapat na impormasyon tungkol sa communication room pagkatapos ng maraming subok. Sa gabing ito, nakita nila ang mga sarili nila sa deck ng malaking barko at dahan-dahang umusad sa malawak na asul na karagatan. Inilawan ng buwan ang madilim na langit nang parang isang walang kupas na perlas at malagkit sa pakiramdam ang maalat na simoy ng dagat. Naghi
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.