Share

Chapter 3

Hannah's POV

Nandito kami ngayon nila Mommy at daddy sa loob ng bahay ni Andrew Valencia. Samut saring emotions ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero natatawa din dahil ang itsura ni Andrew, hindi maipinta na akala mo nakakita ng pulubi sa kalsada kung mandiri sa itsura ko. Nagsalubong ang mga makakapal niya kilay na parang sinasabi niya na "No way, Disgusting". Hindi maipinta ang mukha niya. Kahit na hindi niya sabihin ay nandidiri siya sa akin. Pakiwari ko ay hindi niya matanggap na ako ang magiging asawa niya. Kaharap namin ang isang judge para gawing legal ang pagiging mag asawa namin. Ayoko naman maikasal sa simbahan dahil hindi ko naman mahal ang lalaking kaharap ko. Kaya mas pinili ko na sa Judge na lang kami ikasal.

"Hi I'm Hannah Fuentes. The one and only Beautiful Daughter of Mr. Terence Fuentes my dad and Melody Fuentes my mom." pagpapakilala ko sa aking sarili. Lahad ko sa aking kamay kay Andrew. Mas ngumiwi pa ang itsura ni Andrew dahil sa binanggit kong beautiful. Natatawa ako sa reaction niya. Samantalang sila daddy ay kulang na lang itatwa nila ako bilang isang anak dahil sa kahibangan ko. At ang judge naman ay mataman lang akong tinignan, tumingin naman siya kay Andrew kung ano ang magiging reaction niya kung itutuloy niya ba itong kasalan na ito o hindi na. Tumikhim ako para naman kumurap naman sila dahil na sa akin lahat ng atensyon nila at kay Andrew. Parang awkward tuloy ang sitwasyon namin. Tumingin naman ako sa kamay ko na kanina pa nakalahad sa harap ni Andrew saka ko ibinalik ang tingin ko sa mukha niya. Mukhang ayaw pa niyang abutin ang kamay ko pero ako na ang kumuha sa kamay niya at nakipag shake hands. Agad niya ring kinuha ang kanyang kamay. Wari'y nandidiri siya sa paghawak ko sa kamay niya.

"Pagpasensyahan niyo na ang anak ko dahil simula pa noong bata siya ay nasa bahay lang siya. Sa bahay lang din siya nag aral. Mukhang na adik na yata ang anak ko sa palabas na "Dora the Explorer" kaya ganyan ang ayos niyan. Wala din kasi siyang alam sa fashion kaya pasensya na. Siguro kapag nasanay na siyang lumabas ay baka mag iba ang fashion taste niya." Paliwanag ng aking ina sa aking itsura. Palihim niya rin akong kinurot sa aking tagiliran.

" Why mom? may mali po ba sa itsura ko? " maarte kong sabi na para akong childish magsalita.

" Hannah behave okay."saway naman sa akin ni daddy.

Nakita kong nagtaas baba ang adams apple ni Andrew tila naasiwa na sa kaganapan dito.

" By the way Attorney Ramos please start. I have many things to do. I don't have enough time with this." Sabi ni Andrew na tila nagmamadali na parang may pupuntahan.

Nakaisip na naman ako ng kapilyuhan na kahit kailan hindi ko pa naiisip. Parang ang sarap lang niyang asarin sa itsura niya.

"Saan ka naman pupunta. Magpapabook ka ba para sa honeymoon natin. Saan mo ba gustong maghoneymoon?" Painosente kong sabi.

Tila nandidiri naman niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. Nakasuot kasi ako ng kargo shorts na parang kay Dora at pink din na Tshirt katulad ni dora. Kulang na lang yung bagpack ay talagang dorang dora na ang itsura ko.

" Hannah!" Suway sa akin ni daddy.

Samantalang tila naiinip na si Andrew.

"Nasaan na ang pipirmahan at pipirmahan ko na. Bago pa magbago ang isip ko."naiinip niyang turan.

Ibinigay naman ni Atty. Ramos ang dapat niyang pirmahan at pinirmahan na niya. Pagkatapos niyang pinirmahan ay tinawag niya ang isang kasambahay niya para ituro sa akin ang magiging kwarto ko. Tumayo na siya at iniwan na kami nila daddy dito sa bahay niya. Hindi ko alam pero parang nahihiya tuloy ako sa inasal ko. Wala na din akong magagawa dahil inumpisahan ko na ang kalokohan ko kaya wala ng atrasan pa. Nagpaalam na din ang Atty. Ramos na sa amin para maiproseso ang kasal para maging legal na mag asawa na kami ni Andrew.

"What have you done Hannah. Mukhang napipikon na si Andrew sa mga kabaliwan mo. Hindi ko alam kung kaya pa ba namin ng mommy mo na iwan ka dito. Labis na kahihiyan ang ginawa mo. Parang pati kami ng mommy ininsulto mo." sermon sa akin ng aking ama.

" Dad don't worry about me. You know what dad, you don't know how I enjoyed the view earlier. Grabe yung mukha niya hahaha. Gusto ko na nga sanang bumunghalit ng tawa kanina hahaha." Napaupo ako sa sofa sa kakatawa ko. Sumasakit na nga ang tiyan ko kakatawa. Pero ang mukha nila mommy hindi maipinta. Nang makita ko na salubong na ang kilay nilang dalawa kaya tumigil na ako sa kakatawa.

"Sorry po mom dad."

" Fix yourself okay. I don't want to see that face again."galit niyang tugon ng aking ama.

" But dad."

" No more buts."

" I'm sorry dad but I already started this game. I will continue it no matter what. I'm his wife now so, I want to know his true color." matigas kong tugon.

" Paano kung mapapahamak ka naman sa itsura mong yan. Hindi malabong lalaitin ka ng asawa mo." nag aalalang sabi ni mommy.

" Don't worry mom, I can handle myself."

"Mag iingat ka sweetie. Tandaan mo kapag may problema ka, tawagan mo lang si mommy okay." Hinahaplos naman ni mommy ang likod ko.

"Opo mommy, promise po tatawag po ako pero hindi po palagi hehe."

Pagkatapos ng pag uusap namin ni mommy and daddy ay nagpaalam na din sila dahil pagod na daw sila.

Naiwan naman akong mag isa dito sa mansion ni Andrew. Kanina pa pala naghihintay sa akin ang maid na tinawag ni Andrew pa i guide ako kung saan ang magiging kwarto ko. Itinuro naman sa akin ng maid kung saan ang kwarto ko. Magkatabi kami ng kwarto ni Andrew. Siguro maganda na maghiwalay muna kami ng kwarto para magkakilala muna kami ng maayos. One point siya sa akin dun.

Pumasok na ako sa kwarto ko para iayos ang mga gamit ko. Malaki din ang kwarto ko. White and Brown ang combination ng pintura. Maaliwalas sa mata. Buti naman at mayroon vanity sa kwarto ko. Buti dala ko ang gamit ko na pang detect kung may camera sa paligid ko. Gumagawa din kasi ako ng ibat ibang mga camera voice changer at kung ano ano pang mga gadget pag bored ako sa bahay. Nang masuri ko ang akong kwarto ay nasimula na akong maglipit. Pero biglang tumunog ang detector ko nang inilipag ko sa higaan ko ang detector ko. Tinignan ko kung nasaan nakatago ang device na yun at nahanap ko ang isang audio recorder. Nakaisip na naman ako ng kababalaghan. Kinuha mo yung voice changer ko at itinapat sa audio recorder niya. Nagsalita ako ng parang multo.

"Huwag mong gagamitin ang kwartong ito. Pag aari ko ito. Huwag mong gagamitin ang kwartong ito. Pag aari ko ito. "Kinopya ko ang boses ni Ashley para naman kapakapaniwala at makonsensya siya na ako ang kanyang naging asawa. Pero pagtapos ng ilang segundo ay Sisigaw ako ng "Its a prank, akala mo maiisahan mo ako. nagkakamali ka che!"

Pagkatapos kong ginawa ang kababalaghan na yon ay isinalansan ko na ang aking mga damit dito sa walk in closet ko.

Andrew Point of View

Hindi ko inaasahan na ang pangit pangit ng asawa ko. Dumeretso ako sa hospital para dalawin ang girlfriend ko. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ipapakita sa kanya dahil sa tinagal tagal ng ang aming relasyon ay nagawa ko siyang pagtaksilan. Tinignan ko ang maamo niyang mukha para naman mabawasan ang inis sa babaeng nakaharap ko kanina. Si Ashley ay may mala diyosang kagandahan samantalang si Hannah ay parang napulot sa basurahan. Nakakadiri siyang tignan kahit saan banda. Hindi ko maatim na siya ang napangasawa ko. Kung hindi sa kay Mr. Fuentes at sa kumpanya ko at naipot sa si ay hindi ko papakasalan ang babaeng iyon. Kahit pa kaming dalawa na lang ang matira dito sa mundong ibabaw ay hinding hindi ko papangarapin na siya ang maging asawa ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status