Share

Kabanata Sesenta y siete

NAGMAMANEHO na pauwi si Luna nang tumawag si Liliane upang ipaalam na babalik na ang mga ito at ipagpapatuloy na lamang ang therapy sa mansyon dahil pinayagan na ng doctor na sa bahay na lamang magpagaling si Fausto.

Natuwa naman si Luna dahil namimiss na rin niya nang husto ang mga magulang. Natanong din ni Liliane kung kailan makakabalik ng bansa si Marcus.

Nang malaman kasi ng mga ito ang nangyari ay nag-alala rin sila para sa manugang. Kaya minarapat ng mag-asawa na umuwi na lamang talaga para samahan ang anak habang naghihintay sa pagbabalik ni Marcus.

Pagdating sa mansyon ay sumalubong si Myrna upang ibalita na darating bukas ng umaga si Liliane at Fausto.

“Tumawag si Mommy to inform.”

Bakas ang tuwa sa mukha ng Mayordoma. “Ipapaayos ko ang kwarto,” aniya kahit araw-araw namang nililinis.

Tumango si Luna saka nagpaalam na aakyat patungo sa kwarto upang makapagpahinga na.

“Hindi ka ba kakain muna?”

“Wala akong gana.”

Kumunot ang noo ni Myrna. Mabilis na nilapat ang kamay sa leeg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status