Share

Chapter 10.2 - When Past meets the Present cont.

Ako ay isa talaga na loka-loka para pumayag sa deal na iyon ni Wyatt. Parang nahipnotismo ako sa lalaking ito at walang pagdadalawang-isip na umayon sa kan'ya. Kaya heto kami ngayon, palabas at papunta sa parkingan upang alamin kung totoo ang sinasabi niya.

Nanggigigil din ako kay Mikel na bigla na lamang din nawala sa loob. Dahil kung hindi dahil sa kan’ya ay hindi ko kinakailangan na gawin ito. At oras na mapatunayan ko talaga na tama ang sinasabi ni Wyatt ay humanda talaga siya sa akin.

"Paano ba ‘yan? Talo ka na sa deal natin." Nakaturo ang kamay niya sa dalawang tao na nag-uusap malapit sa kotse ni Mikel. At sigurado na sigurado ako na ang asawa ko iyon base sa postura at damit na suot nito. "Gusto mo ba na puntahan pa natin para marinig mo ang pinag-uusapan nila?"

Kumakabog ang dibdib ko sa hindi malaman na dahilan. Nagngingitngit talaga ako sa Mikel na ito na makasabi pa na bawal na makipagrelasyon sa iba at putulin ang ano man na ugnayan na mayro'n hangga't nasa kontrata pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status