Share

Chapter 11 - Hiding the Truth from Him

I made it. Hindi ko alam kung paano pero nagawa ko na patatagin ang sarili ko sa harap ng kaalaman na ang tatay ni Mikel at ang matanda na bilyonaryo na bumili sa akin kay Chad ay iisa lamang. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang muli kami na magkaharap.

Nang ipakilala siya sa akin na hindi ko na nga matandaan ang pangalan niya ay hindi ko talaga kinaya ang mga paraan ng pagtitig niya sa akin. Kaya sa sobrang takot na bumalot sa akin ay agad-agad ako na nag-empake at lumayas sa amin.

Ngayon ang tinataguan ko ay unti-unti na bumabalik, at ang nakaraan na pilit ko na tinatakasan ay muli na nabubuhay upang guluhin ako. Napakamalas ko lang ba talaga na sa dami ng tao sa mundo ay naikasal pa ako sa anak ng lalaki na bumili sa akin?

Nakahinga ako ng maluwag nang agad din na nagpaalam si Chad at ang ama ni Mikel. Mabuti na rin lamang talaga na nakaramdam si Chad na hindi siya talaga welcome sa pagtitipon na ito.

Malaki rin ang pasasalamat ko sa ina ni Mikel na nang maabutan at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status