Napapahilot na lang si Davina sa noo niya dahil ramdam niya ang pagkahilo niya. Kumain naman siya ng umagahan pero pakiramdam niya ay nahihilo siya. Humugot siya ng malalim na buntong hininga at inayos ang sarili dahil baka nahihilo lang siya dahil sa puyat.Hindi siya pwedeng magkaganito habang nasa trabaho dahil isang mahalagang tao sa bansa ang binabantayan nila. May press conference ito ngayon kaya nakabantay lang sila sa paligid.Napaduwal na lang si Davina nang may maamoy siyang kakaiba sa pang-amoy niya. Nilingon siya ni Jillian.“Are you okay?” tanong niya sa kaibigan. Marami pa namang tao sa paligid nila kaya pinipigilan ni Davina ang pagkakaduwal niya. Iba na talaga ang hilo niya, pakiramdam niya ay nabonogan na siya kung sino man ang nasa loob ng kwarto.“Sa cr lang muna ako.” saad niya kay Jillian na ikinatango na lang ni Jillian, sinundan niya ng tingin ang kaibigan, nagtataka sa ikinikilos nito. Maging si Kenzo na nasa kabilang side ay napatingin sa pag-alis ni Davina sa
Salubong lang ang mga kilay ni Caspian na nakatingin kay Davina, nagdadalawang isip siya kung hihilain niya ba ito palabas ng hotel pero hindi niya naman pwedeng iwan ang babaeng kasama niya ngayon. Inis na ginulo ni Caspian ang buhok niya. Hindi niya inaasahan na makita si Davina rito.“Davina, it’s not what you think.” Seryoso niyang wika pero tipid lang na ngumiti si Davina. Pakiramdam ni Davina ay unti-unting pinipiga ang puso niya. Ayaw niya na lang marinig kahit na ano mula kay Caspian dahil sapat na kung anong nakita niya ngayong gabi.Humugot siya ng malalim na buntong hininga saka muling pinalis ang mga luha niyang hindi na yata tumutigil sa pagtulo.“It’s fine, you don’t need to explain.” Tatango-tango pa niyang aniya at bahagyang tumawa. Napalunok na lang si Caspian at naikuyom ang mga kamao niya. Blangko lang ang mukha niyang nakatingin kay Davina na para ng baliw dahil umiiyak siya pero tumatawa.“Babe, let’s go, sino ba yan? Alam mo namang aalis na rin ako mamaya eh.” Ma
Lumipas pa ang mga araw at sinubukang ituon ni Davina ang atensyon niya sa trabaho niya. Nagtataka ang mga kasama niya kung anong nangyari, naging blangko at seryoso ang mukha ni Davina. Masyado ring malamig ang tinig niya.Masaya sila dahil pakiramdam nila ay bumalik na ang tunay na Davina na nakasama nila pero masyado silang nagbabago. Masyado siyang tahimik nitong mga nakaraang linggo pero ngayon sobrang seryoso niya na at halos bilang na lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.“Naninibago ako, kapag kinakausap natin siya parang pinakamahaba na sa kaniya ang sampung salita na lalabas sa bibig niya.” nagtatakang saad ni Rose habang nakatingin sila kay Davina na seryoso lang ang mukha niyang nakikipag-usap sa ama niya.“Do you know what happened Jill? Mas malapit ka sa kaniya.” sabat na rin ni Mateo pero katulad nila ay walang alam si Jillian.“I don’t know too what happened baka nagpapakaprofessional lang siya sa trabaho natin, yun naman kasi ang dapat. Kapag oras ng trabaho
Nilihim ni Davina ang pagbubuntis niya, alam niya namang hindi rin magtatagal ay mahahalata ang tiyan niya pero mukha namang maliit ang tiyan niya kaya pwede pa niya itong itago hanggang 5 months. Gusto niya munang gawin ang trabaho niya, ayaw niyang umamin sa ama dahil alam niyang ikukulong lang siya nito sa bahay nila or worst baka ipaabort pa nito ang bata which is ayaw mangyari ni Davina.Diretso ang tayo niya habang nagbabantay siya sa labas ng office ng presidente. Mabuti na lamang at tuwing umaga lang siya nakakaramdam ng hilo at pagkasuka huwag lang talaga siyang makakaamoy ng ayaw niya.Napatakip na lang siya sa bibig niya nang humikab siya. Hindi niya talaga mapipigilan ang antok niya lalo na sa kalagayan niya.“Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi? Para kang puyat na puyat.” Wika sa kaniya ni Jillian na katabi niya lang.“Nakakaantok lang talaga ang ganitong oras.” Tugon ni Davina pero tinaasan siya ng kilay ni Jillian.“Sa pagkakaalam ko, hindi ka antukin Davina. Halos a
“What do you think you are doing?” salubong pa rin ang mga kilay ni Davina, iniwas niya ang paningin kay Kenzo. Alam ni Kenzo kung anong nangyari nitong mga nakalipas na linggo kay Davina pero hindi niya maintindihan kung bakit gusto siya nitong tulungan gayong dapat siya ang nagpipigil kay Davina na huwag puntahan si Caspian.Tipid lang namang ngumiti si Kenzo.“Dahil alam ko ang pakiramdam na yan, nakakabaliw Davina. Remember when you left me in the church? Nung nalaman kong ikinasal ka ng araw na dapat ay ikakasal din tayo. Ang dami kong tanong sa isip ko.”“Pero wala kang masyadong tinanong sa’kin para masagot ko ang lahat ng mga gumugulo sa isipan mo.” tugon naman ni Davina, tipid na ngumiti si Kenzo.“Dahil wala naman akong puwang sa puso mo Davina. Ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa pero ikaw at si Caspian, you both love each other kaya mas mabuti sigurong mag-usap kayong dalawa para malinawan kayong pareho lalo ka na.” umiling naman si Davina, hindi niya alam kung kaya ba
Nanlaki na rin ang mga mata ni Davina dahil hindi niya inaasahan na gagawin ito sa kaniya ng Presidente.“Relax lang po kayo Mr. President, huwag kayong magpadalo-dalos sa mga desisyon niyo.” Wika ni Davina pero mas idiniin ng Presidente ang nguso ng baril sa sintido ni Davina.“Huwag kang maingay, manahimik ka dahil wala kang alam.” May diing wika ng Presidente.Nakatingin naman ang nakaitim na lalaki kay Davina habang salubong ang mga kilay niya.Hindi pwedeng magpadalos-dalos si Davina sa kilos niya dahil may bata sa sinapupunan niya. Kailangan niyang limitahan ang kilos niya kung ayaw niyang sa hospital na ang gising niya. Napalunok na lang siya at tinitingnan ang lalaking nasa harapan nila.“Huwag mong susubukang lumapit dahil papatayin ko ang babaeng ito.” pagbabanta ng Presidente.“Davina,” mahinang wika ni Caspian, ang lalaking nasa likod ng mask. Napahigpit na lang ang hawak niya sa baril niya dahil natatakot siyang may mangyari kay Davina. Isang maling galaw niya lang maaari
Nailipat na sa ibang kwarto si Davina, si Kenzo at Jillian pa rin ang nagbabantay sa kaniya dahil busy pa rin ang mga iba nilang kasamahan.Parehong tahimik si Jillian at Kenzo habang hinihintay ang paggising ni Davina.Maya-maya ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Mrs. Flores, ang ina ni Davina.“How is she? Is she okay now? Oh my God, my daughter.” Nag-aalala niyang tanong kay Kenzo, sinalubong naman siya ni Kenzo at Jillian.“Okay naman na po siya sabi ng Doctor. Hihintayin na lang po natin kung kailan siya magigising Tita.” sagot ni Kenzo.“Jusko, ano bang nangyayari sa bansa natin? Hindi ko na maintindihan ang mga kaguluhan sa bansang ito pero bakit kailangan pa nilang idamay ang anak ko?!” galit na galit niyang saad. Nang marinig ni Ms. Ava ang tungkol sa Presidente ay hindi niya lang yun pinagtuunan ng pansin pero nang malaman niyang si Davina ang tinutukoy sa bodyguard ng Presidente na nabaril ay nagmadali na siyang pumunta ng hospital.Nagkatinginan si Kenzo at Jilli
Naupo si Jillian sa tabi ni Davina ganun na rin si Kenzo na tahimik pa rin. Hindi alam ni Jillian kung anong laman ng isipan nito dahil simula ng malaman nilang buntis si Davina, hindi na siya umimik.Halos nagmamakaawa ang mga mata ni Davina kay Jillian para lang sabihin nitong maayos lang ang Baby niya.“Ang sabi ng Doctor delikado talaga para sa inyong dalawa lalo na at nagkaroon ka ng bleeding pero mukhang gusto naman ng Baby mong manatili sayo kaya kahit na inoperahan ka himalang nakaligtas siya sa sinapupunan mo. Medyo risk lang talaga pero maayos naman siya, healthy ang baby mo kaya magpagaling ka.” nakangiting wika ni Jillian.Nakahinga naman ng maayos si Davina dahil dun. Hindi niya talaga alam ang gagawin niya kapag may nangyari sa baby niya. Tiningnan ni Davina si Kenzo pero tipid lang na ngumiti si Kenzo sa kaniya at iniyuko niya na uli ang ulo niya.“Are you mad because I’m pregnant?” mahinang tanong ni Davina sa kaniya. Maiintindihan yun ni Davina dahil kapag siya rin a