Share

Kabanata 41.1

“Hoy Girl, tulala ka diyan?” pumitik pa si Stella sa harapan ni Mia. Nabalik naman siya sa wisyo, may naalala lang siya. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan niya ang sinabi sa kaniya ni Aiden. Masyado kasing nakakagulat. Nagmamadali ba siya? Pero kung sabagay handa naman na siya sa bagay na yun. Magkaroon ng sariling pamilya kasama ng taong mahal niya pero bakit may pangamba sa puso niya?

Bakit nag-aalinlangan siya at bakit natatakot siya?

Napabuntong hininga na lang si Mia.

“May problema ka ba?” muling tanong ni Stella pero umiling naman si Mia.

“Wala naman, may mga bagay lang akong iniisip. Ikaw ba? handa ka na bang magkaroon ng sarili mong pamilya?” bigla niyang tanong dito.

“Hoy ano ka ba? Ni wala nga akong boyfriend eh tapos pamilya kaagad saka alam mo namang dalawa pang kapatid ko ang nag-aaral, patatapusin ko na muna sila bago ko isipin ang bagay na yun.”

“Baka maging matandang dalaga ka niyan? Nasa high school pa lang yung bunso niyo tapos wala ka pang boyfriend, baka maging ti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status