Share

Chapter 14

HINDI mapawi ang ngiti ni Camilla habang nakaharap sa salamin. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok habang nagsusuklay. Bahagya pa siyang nairita nang sumasabit ang ilang hibla ng buhok  dito. Hindi na niya maalala kung kelan siya huling nagsuklay ng maayos, nasanay kasi siyang matapos maligo, konting suklay ay agad niya na itong pinupusod. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkainggit sa magandang buhok ng matalik na kaibigan. Animo isang modelo ng shampoo, itim na itim at tuwid na tila palaging ginagamitan ng hair iron. Napasimangot  pa siya ng mapansing nagiging buhaghag na ang sariling buhok.

" Ay, butiking kalbo!" bulalas niya ng walang ano-ano ay  biglang pumasok si Athena. 

Katabi lang kasi ng pintuan nila ang vanity mirror kung saan siya nakapwesto.

" Hi, Besty! Dali 'lika na, magbreakfast na tayo!"

" Wow, nagmamadali, may lakad?"

" Nakalimutan mo na ba 'yung napag-usapan natin? Dali tayo na diyan!"

Hinila siya nito sa kamay at tinungo nila ang lamesa para mag-agahan.

" Hi, Tita, aalis po kami ni Camilla ngayon,ah?" pagpapaalam nito sa kaniyang Ina.

" At saan na naman kayo pupunta,ha? Mga bata kayo talaga palagi kayong nasa galaan."

" Basta, Tita thank me later na lang, ha?" nangingiti nitong sagot.

Tuluyan na siyang napasimangot,malamang ay magkikita na naman sila ng nobyo nito. Napahinga na lang siyan ng malalim habang tinutusok-tusok na lang ng tinidor ang hotdog na nasa plato. 

Pamaya-maya ay nag-aya na rin ito at sa unang pagkakataon ay hindi nito nagawang sitahin ang kaniyang suot ng araw na iyon. May tinawagan muna ito sa cellphone habang nasa loob na sila ng sasakyan.

" Yes, papunta na kami. Ikaw na bahala sa kaniya,ha? I trust you!" rinig pa niyang wika nito.

Maya-maya ay tila kinilig ito at tuwang-tuwa sa kausap. Napapailing na lang siya sa ikinikilos nito.

Kaka-kita lang nila kagabi, ah? Grabe, walang kasawa-sawa!" inis niyang turan sa sarili.

Akala niya ay makakapagpahinga siya ng buong araw. Gusto niya sana munang magrelax,pero eto siya ngayon makikipagkita na naman sa alagad ng kadiliman. Nai-imagine niya na naman ang nakangising mukha ni Damon.

" So, Bes, ano? Kumusta kayo kagabi ni Mico?" nangingiti nitong tanong sa kaniya.

" Ayos lang,"tipid niyang sagot at naghikab.

Kiniliti siya nito tagiliran kaya napakislot siya.

" Ano ba namang sagot iyan? Ikaw, ah, naglilihim ka na sa akin," may pagtatampong turan nito.

Sa totoo lang ay wala siya sa mood ng araw na iyon para magkwento kay Athena ng nangyari kagabi sa kanila ni Mico. Bigla kasing nasira ang mood niya ng araw na ' yun.

" Bilib din naman ako kay Mico,ah. Until now, patay na patay pa rin sa'yo 'yung tao. And i'm sure lalo siyang maiinlove after ng gagawin ko sa'yo!" 

Kapansin-pansin ang excitement sa itsura ni Athena. Kunot-noo siyang napatingin dito.

" Anong ibig mong sabihin?"

Ngumiti lang ang kaibigan bilang tugon sa kaniya. Maya-maya lang ay huminto ang kotse sa isang Beauty Salon. Napaawang ang bibig niya, mukhang alam niya na ang ibig sabihin ng nito. Tinotoo nito ang sinabi kahapon na imi-make-over siya. Hindi agad siya bumaba ng kotse.

" Bes, dali baba na, naghihintay na 'yung magmi-make-over sa'yo!"

Napailing-iling siya ngunit hinila na siya ng kaibigan.

" Kainis ka, hindi mo man lang sinabi sa akin na dito pala tayo pupunta!" reklamo niya.

" I already told you, nakalimutan mo na?"

Alumpihit siyang kumilos habang hila ng kaibigan. Agad na sumalubong ang receptionist ng botique at binati sila.

" Good morning, Maam!"magiliw nitonh wika.

Ngumiti ang kaibigan bilang tugon habang siya naman ay hindi mailarawan ang mukha. Hindi niya talaga nagugustuhan ang mga nangyayari.

" Andiyan na ba si Mamu?" 

" Ah, yes po! Actually kanina pa kayo hinihintay,eh. Wait lang po at tatawagin ko." 

Namangha siya ng makapasok sila sa loob dahil sa lawak ng lugar. Iba't ibang staff ang namataan niya na may kaniya-kaniyang costumer na binibigyan ng serbisyo. Isa pang receptionist ang lumapit sa kanila at sinamhan silang maupo. 

" Do you need anything Miss Athena?" 

" Later na lang hinihintay lang namin si Mamu."

" Okay, Maam. Tawagin niyo na lang ako pag may kailangan kayo." Tumalikod na ito at iniwan sila.

" Next time na lang kaya, Bes? Uwi na tayo?"

" Nandito na tayo ikaw talaga!" Kampante itong umupo  sa isang swivel chair.

Napalinga naman siya sa paligid kung saan may mangilan-ngilang  ring kabataan na tulad nila ang naroon. Mga taong gumagastos ng malaking halaga para magpaganda. At isa na rin si Athena doon na tingin niya ay regular costumer na.

" Hi, Mamu!"

Narinig pa niyang bulalas ni Athena. Isang medyo may edad na kung hindi pa nagsalita ay hindi niya aakalaing isa pa lang beki dahil sa kasuotan  nito.

" Hello, Iha! Kanina ko pa kayo hinihintay,ah!" nakipag beso-beso ito sa kaibigan.

" Sorry, Mamu medyo tinanghali ng gising,eh. Siyanga pala, this is my bestfriend, siya 'yung tinutukoy ko," pakilala nito sa kaniya.

Kinilatis siya ng beki,tinignan siya mula ulo hanggang paa at tumaas ang kilay.

" Ano, Mamu, keri ba?" 

" Oo naman, ako pa ba?" 

Lumapit ito sa kaniya at pinaikutan siya. 

Napangiwi pa siya ng hawakan nito ang chin niya at kinilatis ang mukha niya.

" Grabe, te napaka-oily ng face mo at ang putla mo," turan nito sa kaniya. " Pero in-fairness, cute ka!" 

" So, ikaw na bahala sa kaniya,ha? I-make-over mo siya ng bonggang-bongga!" 

" Don't worry, dear. Leave it to me!"

Napabuntong-hininga na lang siya at nagpaubaya sa gusto ng kaibigan. Wala na 'tong atrasan, bahala na kung ano ang magiging kalalabasan.

" Bes, iwan na muna kita,ah! Magrerelax lang  ako, gusto kong magpa massage."

Tumango lang siya sa kaibigan bilang tugon. Inaya na siya ng  bakla sa isang upuan kung saan may malaking salamin. Ito mismo ang magbibigay ng serbisyo  sa kaniya. Tumawag pa ito ng isang assistant na makakatulong.

" Ano kayang uunahin ko sa'yo? Ah okay, unahin natin 'tong buhok mo." 

Tinanggal nito mula sa pagkakapusod ang buhok niya.

" Bakit? Ano pong gagawin niyo sa buhok ko?"kinakabahang tanong niya. Ayaw niya kasing ipaputol ang mahaba ng buhok. Hindi nya na kasi ito magagawa pang ipusod pag maikli na.

" Ano pa ba? Syempre ire-rebond natin!"

" Ha? Naku baka masira 'tong buhok ko!" reklamo pa niya.

" Seryoso ka, Day? Tingin mo may isisira pa 'tong buhok mong parang walis tambo sa kunat? Ay, ano ba 'to ang tigas, kelan ka ba huling nagsuklay?"

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o mahihiya sa reaksyong ng bakla tungkol sa buhok niya. Pinili niya na lang ang manahimik at ipagkatiwala dito ang lahat. Expert naman ito sa ganoong larangan kaya magpapatangay  na lang siya sa agos. Tumawag rin ito ng manicurist na mag-aayos na man ng kaniyang mga kuko

Matagal din ang kaniyang hinintay, nanakit na ang kaniyang pwet sa matagal na pagkakaupo, pero okay lang tiis ganda 'ika nga. Namataan pa niya ang kaibigan na kasalukuyang nasa hair spa, may katawagan ito at tingin  niya ay si Damon dahil sa  makikitang saya sa mukha nito. At hindi nga siya nagkamali mga ilang oras din ay dumating nga ang lalaki. Kapansin-pansin naman ang bulungan ng mga kababaihan na tila kinikilig sa pagdating ni Damon. 

Makisig ang dating ng lalaki kahit  naka tshirt at short  lamang ang suot nito. Namumutok ang muscle nito sa braso at kapansin-pansin ang malapad nitong dibdib na bumabakat sa suot nitong t-shirt. Napansin niya rin ang malaking tattoo nito sa braso na nakasulat ang pangalan ni Athena. Agad itong sinalubong ni Athena.

" Hon, wait lang,ah. We're not done yet." narinig niyang wika ng kaibigan. 

Nabaling sa kaniya ang tingin ng lalaki at sumilay ang pilyong ngiti nito ngunit inirapan niya lang ito.

" It's okay, hon. Actually, gusto ko ring pabawasan 'tong buhok ko."

" Miss Athena how to be you? Ang swerte mo kasi ang hot ng boyfriend mo, pwede bang mahiram?" hirit ng isang beki na staff rin sa salon.

Natawa siya ng mapakla nang marinig iyon. Tanging ngiti lang ang naisagot ng kaibigan.

" Ambisyosang baklang 'to. Ang dami mo na ngang fafa,eh!" turan naman ng isang  babae  na lumapit sa binata para i-assist.

" Kahit isang araw lang, 'to naman," pabirong hirit ulit ng bakla.

" Sorry, he's exclusively mine!" pabirong tugon naman ni Athena.

" Okay, sir 'wag mo ng pansinin 'yang bakla na iyan, sa akin ka lang tumingin, este ang ibig kong sabihin anong style ba ang gusto mong gawin ko sa buhok mo?"

" Ay, naku! Ikaw rin pala!  Athena,oh!" muling hirit ng bakla.

"Mga baklitang 'to ang haharot! Pinapapak niyo na si Damon," hirit naman ni Mamu na siyang may ari ng salon. 

Natawa lang ang kaibigan sa kulitan ng mga staff habang si Damon naman ay hindi maalis-alis ang mga ngiti nito sa labi. Mukhang kapalagayan na talaga ng loob ni Athena ang mga staff. 

Naupo na rin si Damon at tinanggal ang buhok mula sa pagkakatali. Inisip niya  na tuluyan ng ipapaputol ng binata ang mahaba nitong buhok ngunit pinabawasan lamang nito ng kaunti. 

Ilang oras rin ang lumipas sa wakas ay natapos na rin si Camilla. Hindi siya makapaniwala sa nakikita sa salamin. Bagsak na bagsak ang buhok niya na naka highlight na bumagay sa maputi niyang balat. Maging si Athena ay natutop ang bibig ng makita siya. Bumagay rin sa maamo niyang mukha ang natural make-up na ini-apply sa kaniya.

" Bes, ang ganda ganda mo!" kinikilig na bulalas ni Athena.

" Talaga ba? Thank's," nahihiya niyang tugon.

" Mamu, you're the best talaga!"

" Ofcourse!" may pagmamalaking sagot naman  ng beki. " Basta sa kasal mo,ako ang mag aayos sa'yo,ah."

" Syempre naman! And i'll be the most beautiful bride," sambit nito na tila nangangarap.

" Naku, sa kasal na napunta ang usapan," aniya sa sarili.

Naabutan nila si Damon habang nasa labas ng salon. Napahinto ito sa paninigarilyo ng makita siya. Hindi naitago sa itsura nito ang paghanga ng makita ang itsura niya.

" What do you think, hon? 'Di ba she's so pretty?" Excited na tanong ng dalaga sa nobyo.

Hindi agad nakapagsalita si Damon at tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nakasimangot siyang nakatingin dito at hinintay ang pang-aasar ng lalaki.

" Sabi ko na nga ba babae ka,eh. Bat ngayon ko lang napansin iyon?" Humalakhak pa ito ng malakas, gusto niya itong sungalngalin dahil sa inis.

Kung bakit naman kasi bigla na lang lumitaw ang lalaki sa lugar na iyon.

" Nakakainis ka naman,eh!" nakasimangot na wika ni Athena.

Ano pa bang aasahan niya sa lalaki? Kahit kelan naman ay hindi ito nakausap ng matino. Inaya niya na ang kaibigan para umuwi ngunit nag-aya muna ito sa mall para mag shopping. Iniwan nito ang sariling kotse kaya kay Damon ang ginamit nila. Ayaw niya na sanang sumama ngunit mapilit ang kaibigan, balak siya nitong ipamili ng mga bagong damit na siyang babagay  sa bago niyang looks.

Samleig G.

Hello, readers! I'm new writer here in Goodnovel. I hope na magustuhan niyo ang story ko, feel free to commenr☺️

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status