Share

Chapter 13

NANG makarating sila sa resthouse  ay agad  nilang naamoy ang mabangong putahe na alam nilang nanggagaling sa kusina.

" Shit! That smell i'm craving for!" bulalas ni Athena na sumisinghot pa.

Maski siya ay biglang nagutom ng maamoy iyon. Agad nilang tinungo ang kusina na kung saan ay abala si Damon sa pagluluto. Nakasuot ito ng apron na bumagay sa kakisigan ng binata. Ngunit hindi iyon ang nakapukaw sa kaniyang atensyon kundi iyong niluluto ng binata.

" Wow, Hon, thank's sakto gutom na ako." 

Bakit ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang magluto? Malayo sa personality niya,ah!" aniya sa sarili.

" Okay, i'm done let's eat! Sakto lang ang dating niyo,ah."

" Wow! May dessert pa, love you Hon!" tuwang-tuwang wika ni Athena.

Napakunot ang noo niya sa tingin niya kasi ay tila naging OA ang kaibigan. Ordinaryong recipe lang naman ang niluto ng lalaki ngunit parang batang natutuwa at natatakam na agad ang kaibigan. Ganon talaga siguro ang pag-ibig. 

Hmp! Masarap naman kaya? Baka kasi tsamba lang 'yung  pinatikim niya sa akin kanina sa bahay nila."

" 'Lika na, Besty pag natikman mo 'to sigurado akong makakalimutan mo ang pangalan mo." Pag-aya pa ni Athena sa kaniya

" Anyway, Hon natikman niya na talaga ang luto ko kanina, naging speechless siya sa sarap!" 

Natawa naman si Athena ng dahil doon. Napapailing na lang siya sa kayabangan ng dalawa.

" Ayieeh! Kaya love kita,eh!" 

Pinisil pa ni Athena ang pisngi ng binata. Napahagikhik naman ang huli na tila kiniliti sa singit.

Hala! Ang o-OA, talagang sa harapan ko pa nagharutan?" inis niyang usal sa sarili.

Nagsimula siyang maglagay ng pagkain sa kaniyang plato habang si Athena naman ay dumampot agad ng ulam na nakalagay sa bowl.

" Hmm, grabe Hon ang sarap!" ani ni Athena matapos tikman ang beefsteak.

Naiirita niyang pinagmasdan ang kaibigan na mukhang kinain na yata ng sistema sa ka OA-han. Napahinga  na lang siya ng malalim para maibsan ang inis sa dibdib. Ngunit natigilan siya ng matikman ang ulam na niluto ng binata. Kaiba ito sa lahat ng mga natikman niya, parang may kakaiba itong sangkap na nilagay para mas maging malasa ang putahe. Napatingin siya sa dalawa ngunit hindi siya nagpahalatang sarap na sarap din siya.  Napaka tender ng karne at sauce pa lang nito ay ulam na. Aaminin niya,nasukol ni Damon ang kahinaan niya. Nakakahiya mang aminin pero kahinaan niya talaga ang pagkain. Sinulyapan niya ang bowl  ng mapansing konti na lang pala ang natira,mukhang mabibitin pa yata siya. Pasimple niya 'yung kinuha habang abala ang dalawa sa pagkukwentuhan. Sinalin niya lahat sa kaniyang plato, pati ang sauce ay sinimot niya. Hindi pa siya nasiyahan, naglagay siya ng kaunting kanin para masimot talaga ang  tirang sauce na nasa bowl. Ganado siyang kumain pati ang white onions ay nilantakan niya. Natigilan siya ng mapansing may nakamasid sa kaniya. Si Damon na nangingiting nakatitig sa kaniya pati na rin si Athena na pigil ang tawa.

" Bes, gutom na gutom ka ba?" 

Tinulak pa ni Damon ang isang bowl na naglalaman ng dessert.

" Panghimagas gusto mo? Masarap din iyan," alok pa nito sa kaniya.

" Masarap 'no? I told you, magaling talaga siyang cook, gwapong cook" kinikilig pang wika ni Athena.

" Ayos lang, gutom kasi ako kaya kahit ordinaryo lang ang lasa,eh,  kinakain ko," kunwa ay malamig niyang tugon.

" Gutom ka na naman?" tanong ni Damon. " Ang dami mo na ngang kinain kanina sa bahay,eh. Ang payat-payat mo pero ang takaw mo,saan mo ba nilalagay 'yang mga kinakain mo?" nang-iinis pa nitong wika na sinadyang inilapit pa ang mukha sa kaniya.

Sa inis niya ay hinampas niya ito ng kutsara sa ulo.

" Hmp! Pakialamerong bullfrog 'to!" kapagkuwan ay wika niya.

" Ouch!" d***g ni Damon habang tutop ang ulo.

Medyo malalim na ang gabi nang makauwi sila. Ginising na lang siya ni Athena nang makarating na sila sa mansion. Naghihikab pa siya ng makalabas ng kotse ngunit agad niyang tinikom ang bibig  ng mamataan si Mico. Matiim itong nakatitig sa kaniya habang nakasandig at nakahalukipkip sa sarili nitong kotse.

" Mi-mico?" tawag niya sa pangalan  nito.

" Oh, Mico,anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" Si Athena na nagulat din.

Ngumiti lang si Mico at muling ibinalik ang tingin sa kaniya. Tinapunan din nito ng tingin si Damon na tila ba nababadtrip.

" Ah, okay gets ko na, sige maiwan ko na kayo ni Camilla." 

Pagkasabi nun ay agad na itong tumalikod. 

" Oh, Totoy gabi na,uwi na," nakangisi namang wika ni Damon.

Pinanlakihan niya ito ng mata at sinenyasang umuwi na. Sa tingin niya kasi ay hindi ito ang oras para biruin si Mico. Masyado itong seryoso at bakas sa mukha ang pagka badtrip. Napakamot naman ng ulo si Damon at pinaandar na ang kotse para umalis.

" Sabi mo sa akin hindi mo siya boyfriend pero palagi naman kayong magkasama," may himig na pagtatampo nitong wika.

" Hindi ko siya boyfriend, okay? Saka gabi na,ah? Ano bang ginagawa mo rito?"

" Hindi mo siya boyfriend? Eh, bakit hindi 'yun ang nakikita ko?" sa halip ay muling usisa nito sa kaniya. 

Bakas sa mukha nito ang labis na pagdaramdam at paninibugho.

" Saka 'di ba sinabi ko  na ako ang maghahatid  sa'yo? Pero tinakasan mo ako para lang sumama sa kaniya? Damn it!"

" Bakit pa? Eh, 'di ba may Rochelle ka na?! Siya na lang ang sunduin mo at ligawan tutal mas bagay naman kayo 'di ba?!" hindi niya napigilang bulyaw dito.

" What?!" kunot-noong tanong nito sa kaniya.

" Kunwari ka pa, kanina nga tuwang-tuwa ka habang magkausap kayo!  Isa pa, hindi  ka na mahihirapang ligawan siya kasi may gusto naman siya sa'yo, okay bye!"

Aalis na sana siya ngunit hinawakan siya nito sa braso.

" Wait,  i don't get it! Pinagtutulakan mo'ko kay Rochelle? God, kakikilala ko lang dun sa tao!" bulalas ng binata. 

" Eh, ano naman?  Kaya nga ang suggestion ko, kilalanin mo siya. Makipagdate ka sa kaniya!"

" I won't do that! Hindi siya ang gusto ko!" mabilis nitong tugon.

Napatitig siya sa binata. Sinusuri niya kung nagsasabi ba ito ng totoo o ginugoodtime lang siya. Imposible kasi na hindi nito ito magustuhan. 

" Huwag ka ngang ano diyan, kunwari ka pa! Abot-tenga nga ang ngiti mo habang kausap siya na  para bang kayo lang dalawa ang tao at hindi mo na ako naalala, huwag ka nang magsinungaling, okay bye!"

Muli sana siyang tatalikod ngunit muli siya nitong pinigilan sa braso.

" Teka nga lang! Nagseselos ka ba?" Sumilay ang mga ngiti nito sa labi na halos ikalaglag ng panty niya.

Napakurap-kurap siya at umiling.

" Hindi 'no? 'Wag ka ngang assuming,feeling ka,ha!" Asik niya rito.

" E, bat namumula ka? Nagseselos ka, eh," muling usisa nito.

" Seryoso ako, Mico. Mula ngayon tigilan mo na ako, mas maganda siya kumpara naman sa akin. Tignan mo nga ang itsura ko? Mas mukha akong lalaki sa'yo. At saka-" 

" I don't fucking care! Mahal kita,Camilla! I love you!" madamdaming turan nito.

Natahimik siya at muling napatitig sa gwapong mukha ng binata. Nangungusap ang mga mata nito na nakatitig sa kaniya.

" S-seryoso ka ba? Mahal mo ako k-kahit hindi ako maganda tulad ng iba?"

" Stop comparing yourself to others. Wala akong pakialam sa itsura mo, for me maganda ka, Camilla. Ikaw ang  dreamgirl ko na gusto kong pakasalan."

Napalunok siya ng maraming laway. Pinigilan niya ang sariling mapangiti sa kilig.

" Please tell me, do you love me too?" 

Tumalikod siya rito dahil hindi niya napigilan ang mapangiti sa kilig. Wala, marupok talaga siya pag ganito na ang eksena.

" Gusto ka diyan! Paano 'yan, hindi tayo pareho ng nararamdaman?  Tsaka mga bata pa tayo, ayoko munang pumasok sa isang relasyon," nangingiti niyang tugon dito.

" I'm willing to wait!" mabilis namang tugon ng lalaki.

Hinawakan siya nito sa braso upang iharap. Hinawakan ang mga kamay niya at masuyo itong h******n na hindi niya naman tinutulan.

" Promise, i will wait. Nagawa ko ngang maghintay ng ilang taon 'di ba ngayon pa kaya?"

" Willing to wait pero nakahalik ka na sa kamay ko, ayos ka rin, eh, 'no?" 

Agad naman itong nabitawan ng binata napakamot ito sa ulo.

" Sorry, na carried away lang," nangingiti nitong turan. "Teka, bakit nga pala ganyan ang amoy ng kamay mo, amoy sibuyas?"

" Ha?!"gulat nyang tanong.

Agad niyang inamoy ang sariling kamay at amoy sibuyas nga. Naalala niya, nilantakan nga niya pala ang sibuyas na nasa beefsteak at nakalimutan niyang maghugas ng kamay. Siya naman ang napakamot ng ulo sa hiyang naramdaman.

"  Sorry, kumain akong sibuyas,eh." 

" Onions? Are you serious?" nagtataka pang tanong nito.

" Oo, masarap kaya 'yun!" 

Natawa na lang ang lalaki na tila hindi makapaniwala.

" Basta, wash your hands bago matulog, ah?"

" Sige, uwi ka na gabi na,eh."

" So, okay na tayo? I mean, nagkakaintindihan na tayo,ah?"

Muli niyang pinigil ang mapangiti.

" Na ano? Saka na lang tayo mag-usap ulit inaantok na ako."

"Sa tingin mo ba makakatulog ako,after this? Please give me an assurance before i go." Muli ay sumeryoso ang mukha nito.

" Anong assurance ba?" Hindi niya na napigilan ang mapangiti sa kilig na nararamdaman.

" That you are mine already. Kahit hindi pa ngayon, i just want to make sure na magiging akin ka after all this."

Tumalikod na siya sa lalaki ngunit hindi pa rin naaalis ang mga ngiti sa labi.

" Camilla!" tawag nito sa kaniya.

" Oo na,sige na uwi na," tugon niya naman.

" Anong oo na? Mean, okay na tayo?" 

Muli ay narinig niyang usisa pa rin nito, ngunit hindi niya na ito nagawang sagutin pa. Napapangiti siyang pumasok ng mansion. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman, hindi siya sigurado kung may nararamdaman na ba siya para sa binata ang alam niya lang ay masaya siya sa mga ipinagtapat nito.

Naging maganda ang gising niya kinabukasan. At dahil sabado  wala silang  pasok hinayaan niya muna ang sarili na magbabad sa kama. Muli siyang napangiti ng maalala ang naging usapan nila ni Mico kagabi. Hindi niya akalaing ganoon pala ito kaseryoso sa kaniya at kinikilig siya dahil doon. 

" Anak,bakit nakahiga ka pa diyan tanghali na,ah? Siya nga pala, pumunta si Mico dito kagabi, nagkausap ba kayo?" 

" Opo, nagkita kami kagabi." 

" Boyfriend mo na ba 'yun? Napakaswerte mo anak kung sakali, sagutin mo na kaya?"pabirong turan ng Ina.

" Ma, naman atat ka yatang magka boyfriend ako?"

" Kung siya lang naman,walang problema sa akin, bukod sa mabait at magalang, gwapo at mayaman pa!" nangingiting turan pa nito.

Tumalikod siya sa Ina para maitago ang ngiti na sumilay sa kaniyang labi. Ayaw niyang pasukin ang isang bagay na hindi siya sigurado. Sa ngayon ay  kailangan niya munang pakiramdaman ang sarili kung may nararamdaman nga ba talaga siya para sa binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status