" Okay, we're here!"
Excited siyang bumaba sa kotse at kinatok ang salamin kung saan nakapewesto si Camilla na tila hindi yata siya narinig. Nagulat pa ang dalaga ng gawin niya 'yun na kasalukuyan yatang naglalakbay pa ang isip. Sabik na kasi siyang ipatikim dito ang kaniyang recipe para naman kahit paano ay maiba ang tingin nito sa kaniya. Mula sa pagiging playboy ay magtransform bilang isang talented na cook.
Nagtatakang iginala ni Camilla ang paningin sa paligid.
" Asan na tayo?"tanong nito na may bahid na inis sa boses.
" Nasa bahay ko!" nakangisi niyang tugon.
" Bahay mo? E, anong ginagawa natin dito sa bahay mo?!"nanlalaki ang mga matang bulalas nito.
Natapik niya ang noo dahil doon. Nagtransform na naman kasi ang dalaga mula sa maamong kuting kanina ngayon ay tila tigre na gusto siyang lapain anumang oras.
" Akala ko ba ayos lang sa'yo na dito muna tayo dumiretso kasi magmemeryenda tayo?"
Lalong nainis ang dalaga sa tinuran niya. Namumula na namam ito sa inis.
" Wala kang sinasabing ganon, Demon! At bakit naman ako sasama sa'yo dito sa bahay mo, ha?! Loko ka talaga ginu-goodtime mo na naman ako,eh!" nanggagalaiti nitong hiyaw at sumugod sa kaniya upang sapakin siya.
" Oy,oy! Teka, ang init na naman ng ulo mo, eh!" pag iwas niya rito ngunit hinahabol pa rin siya nito kaya nagpaikot-ikot sila sa kotse.
Nakita niya pang may pinulot itong kahoy at ibabato sana sa kaniya.
" Hoy, 'wag iyan,ah, masakit iyan!" hiyaw pa niya.
" Anong gagawin mo sa anak ko,ha?!"
Kapwa sila napalingon sa pinagmulan ng boses. Nakatayo ang Mommy niya sa di kalayuan at nakapameywang. Agad namang nabitawan ni Camilla ang hawak na kahoy na ihahampas sana sa kaniya.
" Who the hell are you and what are you doing here?" tanong ni Mrs. Villaruiz
" Ah, Mom? Hindi mo ba siya naaalala? Siya si Camilla,remember?" Turan niya at nilapitan ito.
Tinitigan ito ng mabuti ni Mrs. Villaruiz na wari kinikilala.
" Hi po, Tita," bati ni Camilla dito.
" Oh, hi iha, yes i remember you, pasensya ka na,ha? Nagulat lang kasi ako, eh," nakangiti ng sambit nito. " Oh, by the way bakit ka nandito? Damon, don't tell me siya na ngayon ang bago mong girlfriend how about Athena?"
" Ah, hindi po, actually paalis na rin po kami, 'di ba Damon?" baling nito sa kaniya at pinandilatan pa siya.
" Aalis na tayo? Kumain muna kaya tayo, sakto may niluto akong meryenda," tugon niya habang himas ang tiyan.
" Oo nga, iha tara na tamang-tama kumakain kami sabayan niyo na kami."
" Ay, hindi na po, 'di ba busog naman tayo,Damon?" nakangiting sambit ni Camilla ngunit pinanlalakihan siya ng mata.
" Huwag ka na mahiya, halika na sa loob," sa halip ay aya dito ng matanda.
Wala na itong nagawa ng hawakan ito sa kamay para papasukin sa loob. Hinawakan niya naman ito sa magkabilang balikat at bahagyang tinutulak.Napaigtad pa siya ng pa simpleng kurutin ni Camilla ang kaniyang tagiliran.
Sa kusina sila dumiretso at nakita niyang nakahain ang mga pagkaing niluto niya. Kasama ang katulong na hindi magkandatuto sa pagsubo ng baked mac cheese.
" Sir ang sarap talaga ng luto niyo, the best talaga kayo," wika pa nito na namumungalan pa.
" Uy, 'wag mo ubusin 'yan! Kumuha ka ng plato at may bisita tayo," utos dito ni Mrs. Villaruiz.
Agad naman tumalima ang katulong at bantulot na umupo si Camilla. Napatingin 'to sa kaniya ng masama na tila ba gusto siya nitong sampingilin.
" Ah, siya nga pala, saan ba sana kayo pupunta bakit kayo magkasamang dalawa?"
Nagkatinginan sila ni Camilla na tila hindi alam ang isasagot.
" Pupuntahan kasi sana namin si Athena, Mom."
" Pupuntahan? E, bakit dito kayo dumiretso?" nalilitong tanong pa ng kaniyang Ina.
" Ah, Ma ano masarap ba 'yung niluto ko, mukhang naubos niyo na,ah?" pag-iba niya sa usapan.
Hindi niya puwedeng sabihin dito ang tunay nilang sitwasyon na tatlo. Napatingin siya kay Camilla na nakasimangot pa rin, nagawa pa siya nitong sipain sa ilalim ng lamesa buti na lang at nakapantalon siya kaya hindi siya gaanong nasaktan.
" Ang haba naman ng paa nito?" aniya pa sa sarili
" Si Manang kasi ang lakas kumain, eh. Sige na, Iha kumain ka na."
" Let's see kung magalit ka pa pag natikman mo 'yang luto ko!"
Bantulot na kumilos si Camilla. Tulad ng inaasahan ay nagbago nga ang expression ng mukha nito,tila hindi ito makapaniwala at sunod-sunod na pagsubo ang ginawa, napapangiti naman siya dahil doon.
" Ano masarap ba? Specialty 'yan ni Damon. Nag-aral din kasi siya ng culinary school sa Amerika dati," pagmamalaking kwento pa ng Mommy niya.
Napapangiti lang si Camilla sa kuwento ng kaniyang Ina habang patuloy namang sumusubo.
" Tss! Marunong din pala siyang ngumiti?"
Napatingin sa kaniya si Camilla, ngumisi siya rito ngunit inirapan lang siya, kapansin-pansin naman na nasasarapan talaga ito sa kinakain.
Nang matapos ay agad na rin silang nagpaalam sa Ina para dumiretso sa resthouse. Nakatanggap na rin kasi siya ng text mula kay Athena na papunta na ito.
Habang nasa biyahe ay muli na namang natahimik ang dalaga na tila nakalimutan na yata ang kasalanan niya o sadyang busog lang ito kaya nanahimik na lang. Napapangiti naman siya habang pinagmamasdan lang ito. Muli na naman niyang napansin ang malungkot nitong itsura.
Agad silang sinalubong ng nobya na nauna na pa lang dumating. Sabik itong yumakap sa kaniya.
" Bakit ang tagal niyo? Kanina pa kaya ako dito," nagmamaktol nitong wika.
" Sorry, Hon. Dumaan pa kasi kami sa bahay,eh, para kumain."
" Napapayag mo si Camilla na pumunta sa bahay niyo? Whoa!" nangingiti nitong turan.
Ngunit nanatiling blangko ang expression ng mukha ng dalaga.
" Sige, diyan na muna kayo. Maglalakad-lakad lang ako doon sa tabing dagat."
" Okay, best. Huwag ka masyado magtatagal,ah?"
Hindi na 'to sumagot at tumalikod na. Hatid niya ito ng tanaw habang papalayo. Mukhang may mabigat talaga itong problema na dinadala.
Nang makapasok sila sa loob ay agad na naging agresibo si Athena. Hinalikan siya nito sa labi na ginantihan niya rin naman ng mainit na halik. Nabitin pa siya ng bigla itong bumitiw sa pagkakahalik. Hinila siya nito sa kamay at tinungo nila ang kuwarto. Doon ay muling nagsanib ang kanilang mga labi na tila ba sabik na sabik sa isa't-isa. Naramdaman pa niya na isa-isang tinanggal ng dalaga ang butones ng kaniyang polo. Nang tuluyang matanggal ay naramdaman niya ang mainit na kamay nito na humahaplos sa kaniyang katawan na lalong nagpainit sa kaniyang pakiramdam.Gumapang ang mga labi niya sa leeg ng nobya na napapaungol pa. Ngunit natigilan siya ng maramdaman niyang huhubarin na ng nobya ang sarili nitong damit.
" Wait, Hon," bulong niya rito.
" Why?" nangungusap ang matang tanong nito sa kaniya.
" Huwag muna ngayon."
" Bakit nga? Don't tell me, tinatanggihan mo na ako? Hindi mo ba ako na-miss?" may himig na pagtatampo na tanong nito.
" Hindi sa ganoon, i mean, hindi lang ako komportable na gawin 'to. Lalo't nandiyan lang ang kaibigan mo sa paligid."
" Hmp! Firtst time yata na tumanggi ka? Saka wala naman dito si Camilla,eh!"
Napatitig siya sa dalaga na tila napahiya yata sa ginawa niyang pagtanggi.Niyakap niya ito ng patalikod sa kaniya at dinampian ng halik sa pisngi ang nagtatampong nobya. Ayaw niyang abusuhin ang nobya na tuwing magkikita sila ay kailangan laging may mangyari. Isa pa ay hindi talaga siya komportable na nasa paligid lang ang kaibigan nito.
" Baka naman may iba na kaya ayaw mo na sa akin?"
" Ofcourse not,ikaw lang ang one and only princess ko!"lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa nobya.
" Sus, bola!" natatawa ng sambit ng dalaga.
" Isa pa, ayoko namang nagpapakasaya tayo habang ang kaibigan mo-"
Hindi niya tinuloy ang sasabihin pa sana dahil nakita niya ang pagtataka sa mukha nito.
" What about her?"
" I think she has a problem?"
" Anong problema niya? Inasar mo na naman siguro 'no?"
" No! I think better to ask her."
Nagpasya silang sundan nga ito sa tabing dagat. Naabutan nila itong nagpapalakad-lakad lang. Dumadampot ng bato at hinahagis sa gitna ng dagat. Napalingon 'to ng tawagin ng nobya.
" Oh? Bakit niyo ko sinundan dito? Uuwi na ba tayo?" tanong ni Camilla.
Hinawakan 'to sa kamay ni Athena at naglakad sila habang nasa likod lang siya ng mga ito.
" Na-miss lang kita ka bonding, Bestie. These past few weeks naging busy na tayo pareho, hindi na tayo nakakapagkwentuhan," malambing nitong sambit sa kaibigan.
Napangiti naman si Damon. Talagang pagdating kay Camilla ay napaka maalalahanin nito, very supportive friend. Mabait at malambing sa kabila ng katayuan nito sa buhay ay hindi inisip na mas mataas ito kanino man.Isa sa mga katangian ng nobya kaya niya minahal at nais na pakasalan balang araw. Nagpaalam siya sa mga ito upang bumalik sa resthouse,ipagluluto niya na lang ang dalawa para sa kanilang hapunan. Tutal ay wala naman pasok kinabukasan kaya ayos lang kung gabihin sila ng uwi. At dahil beef lang ang nandoon ay gagawa nalang siya ng beefsteak with a twist para sa kanilang hapunan. Mabuti at naisipan nilang mag stock ng pagkain sa refrigerator para sa mga ganitong sitwasyon. Pasipol-sipol pa siya habang ginagawa ang pagluluto. Namana niya ang galing sa pagluluto sa kaniyang Ama. Bata pa lang siya madalas na sila nitong ipagluto ng mga masasarap na pagkain. Noong mga panahong buo at masayang pamilya pa sila. Naisipan rin niyang gumawa ng yogurt fruit salad para sa kanilang panghimagas. Lumabas muna siya sandali para bumili ng ilang kakailanganing sangkap para sa pagluluto.
***
" Kumusta na kayo ni Mico, Besty?" tanong sa kaniya ni Athena habang nakaupo sila sa may buhanginan.
" O-okay lang kami, ganon pa rin," tipid niyang sagot dito.
" I mean, kumusta na ang status niyo?" may himig na panunuksong usisa pa nito.
Nakuha agad niya ang ibig sabihin ng kaibigan, muli siyang tumamlay sa hindi malamang dahilan.
" Sinagot mo na ba?"
" H-hindi!" mabilis niyang pagtanggi. " Ang ibig kong sabihin, wala, kasi may iba na siyang nagugustuhan,eh!"
" Ano?" gulat nitong tanong. " May iba agad siyang nagugustuhan,are you kidding? nanlalaki ang mga matang bulalas pa nito.
Naisipan niya na lang ikuwento rito ang buong detalye ng nangyari kanina. Ngunit tinawanan lang siya nito.
" Besty, naman! Nag assume ka na ba agad na may gusto si Mico sa classmate mo?"
" Bakit naman hindi? Maganda siya at mayaman pa. Ang alam ko uncle niya 'yung Dean sa school, eh, kaya mas bagay sila!" nakanguso niyang turan.
" Naku, nagseselos siya, inlove na ang Besty ko!" kinikilig nitong wika.
" Hindi, 'no! Wala akong gusto sa kaniya. At isa pa, malayong tanggihan ni Mico, 'yun, magandang palay na ang lumalapit, kumpara naman sa itsura ko!" namumula ang mukha niyang sambit.
" Ang liit ng tingin mo sa sarili mo, very wrong 'yan, Best! Maganda ka 'no!"nakairap nitong saad.
" Inside?"
" Inside and outside, best! Kulang ka lang kasi sa confident,eh! Hayaan mo bukas na bukas rin palalakasin ko ang confident mo, imi-make-over kita. Huwag kang kokontra, this time ako ang masusunod,okay?!"
Hindi niya alam kung seryoso ba ang kaibigan sa sinabi o nagbibiro lang. Basta ang alam niya hindi niya nagugustuhan ang make-over na sinasabi nito. Baka kasi kung ano na naman ang ipasuot nito sa kaniya. Pamaya-maya ay nag-aya na rin ito na bumalik ng resthouse dahil nakaramdam ng gutom.
NANG makarating sila sa resthouse ay agad nilang naamoy ang mabangong putahe na alam nilang nanggagaling sa kusina." Shit! That smell i'm craving for!" bulalas ni Athena na sumisinghot pa.Maski siya ay biglang nagutom ng maamoy iyon. Agad nilang tinungo ang kusina na kung saan ay abala si Damon sa pagluluto. Nakasuot ito ng apron na bumagay sa kakisigan ng binata. Ngunit hindi iyon ang nakapukaw sa kaniyang atensyon kundi iyong niluluto ng binata." Wow, Hon, thank's sakto gutom na ako.""Bakit ngayon ko lang nalaman na magaling pala siyang magluto? Malayo sa personality niya,ah!"aniya sa sarili."Okay, i'm done let's eat! Sakto lang a
HINDI mapawi ang ngiti ni Camilla habang nakaharap sa salamin. Nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok habang nagsusuklay. Bahagya pa siyang nairita nang sumasabit ang ilang hibla ng buhok dito. Hindi na niya maalala kung kelan siya huling nagsuklay ng maayos, nasanay kasi siyang matapos maligo, konting suklay ay agad niya na itong pinupusod. Bigla ay nakaramdam siya ng pagkainggit sa magandang buhok ng matalik na kaibigan. Animo isang modelo ng shampoo, itim na itim at tuwid na tila palaging ginagamitan ng hair iron. Napasimangot pa siya ng mapansing nagiging buhaghag na ang sariling buhok." Ay, butiking kalbo!" bulalas niya ng walang ano-ano ay biglang pumasok si Athena.Katabi lang kasi ng pintuan nila ang vanity mirror kung saan siya nakapwesto.&
HALOS malula si Camilla nang makita ang presyo ng mga damit na pinili sa kaniya ng kaibigan. Isang sleeve-less casual dress ang pinili nito para isukat niya ngunit mukha siyang nahilo sa presyo ng makita niya." Bes, 'wag 'to masyadong mahal tsaka ayokong mag dress!" naiinis niyang reklamo." Sige na, isukat mo na please? Ako naman ang magbabayad niyan don't worry!"Ngingiti-ngiting nakamasid lang sa kanila ang binata. Wala na siyang nagawa ng papasukin siya nito sa fitting room. Hinubad niya ang suot na t-shirt pati na ang tokong na suot. Nang maisuot niya ay namangha siya sa kaniyang itsura sa salamin. Animo siya isang diwata sa kagandahan. Lumitaw ang hubog ng kaniyang katawan na matagal na niyang itinatago. Lumuwang ang ngiti ng kaibigan ng makita siya. Napansin niya naman na nati
PANAY ang hikab ni Damon sa pwesto habang nakasandal sa sariling kotse. Bitbit ang boquet of flowers and chocolate na siyang ihinabilin ng nobya na bilhin at ibigay kay Camilla. Hindi niya maintindihan ito kung bakit kaylangan pang bigyan si Camilla ng flowers baka nga ibalibag lang sa kaniya ito ng dalaga. Ngunit kaylangan niyang sundin ito mahirap na. Nagkaroon na rin kasi siya ng trauma mula noong mag attempt ito na magpakamatay. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon na nagdulot sa kaniya ng matinding takot. Ang makita na ang babaeng mahal niya ay halos wala ng buhay.Ipinilig niya ang ulo upang alisin sa isipan ang nangyari ng araw na iyon. Muli siyang sumulyap sa wristwatch, mukhang napaaga yata siya ng dating. Sumipol-sipol siya upang aliwin ang sarili. Naritong lumundag-lumundag siya at binabanat ang sariling katawan.
Hindi niya ganap na maintindihan ang sarili sa ginawang desisyon na biglaang pagsagot sa binata. Nalilito pa siya sa nararamdaman kung pagmamahal na nga ba ang nararamdaman niya para rito. Marahil dahil sa natikmang halik mula sa binata, ganon ba talaga siya karupok?" Aaminin ko sa'yo, Mico. Hindi ko pa rin alam kung pagmamahal na ba 'tong nararamdaman ko para sa'yo," nahihiya niyang turan dito.Kasalukuyan silang nasa bakanteng upuan na bahagi ng parke na madalas nilang tambayan. Hindi maalis-alis ang ngiti ni Mico na tila hindi yata nakakaramdam ng pangangalay." It's okay, i'm still willing to wait about your feelings. Girlfriend na kita at masaya na ko don."Napangiti siya sa sinabi nito. Nararamdaman naman niyang masaya ta
MALAYA niyang pinagmasdan ang gwapong mukha ng nobyo. Mula sa matangos na ilong,makapal na kilay at manipis na mamula-mulang labi. Ang dimple nito na lumilitaw kahit nagsasalita lang. Napansin niya ang paghinga nito ng malalim at paghigpit ng paghawak nito sa kaniyang mga kamay. Habang pinagmamasdan niya ito ay bigla naman itong dumilat, pumwesto ito ng upo at nakangiting pinagmamasdan siya. Titig na titig ito na tila sinusuri kung totoo siya." Tigilan mo nga 'yang ginagawa mo," naiilang niyang saway dito, hinawi pa niya ang mukha ng lalaki." I just want to make sure that i'm not dreaming na sa akin ka na talaga." Hinagkan siya nito sa noo at inakbayan.Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa sobrang sayang nararamdaman ng mga oras na iyon. Humilig siya sa balikat nito at pinagm
NAALIMPUNGATAN siya ng maramdaman ang sunod-sunod na pagkalabit sa kanya." Hoy, Camilla, gising! Grabe ka naman matulog, nakanganga ka pa, tinuluan mo na yata ng laway 'yang sandalan ng kotse ko,eh." Rinig niyang reklamo pa ng lalaki.Papungas-pungas siya ng imulat ang mata at naiiritang tumingin sa lalaki." Saang marathon ka ba galing at mukhang pagod na pagod ka?" nakangisi nitong tanong.Hindi niya ito sinagot at lumabas na siya ng kotse. Ngunit nagulat siya dahil nasa isang mall sila." Anong ginagawa natin dito?"" Tumawag kasi si Athena, nagpapabili ng pagkain."
NATUTOP ni Camilla ang bibig sa sobrang pagkabigla sa nasaksihan. Hawak ni Athena ang namumulang pisngi gawa ng pagkakasampal dito ng sariling ina nang datnan niya. Nauna kasi ang kaibigan na makauwi sa mansion." You really disappoint me! Hindi ako makapaniwalang magagawa mo akong lokohin ng dahil lang sa lalaking 'yan!" galit na singhal nito sa anak.Nag-aalalang lumapit naman sa kaniya ang Ina at pilit na siyang pinapapasok sa sariling kwarto ngunit hindi siya kumilos. Nanghihina ang tuhod niya sa takot sa matanda at hiyang nararamdaman. Isa pa, ayaw niyang iwan ang kaibigan sa ganoong sitwasyon kasabwat siya kaya kailangan niya ring harapin ang galit ng matanda.Hindi niya manlang nakakitaan ng takot si Athena tila patuloy pa rin itong naninindigan sa isang kasinungalingan.