Share

Chapter 46

HINDI kaagad siya nakakilos habang yakap ng lalaki ang bewang niya, nanghihina ang buo niyang katawan. Ramdam niya rin ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito at marahan siyang pinaharap, para naman siyang maamong tupa habang napatitig sa nangungusap na mata ng lalaki.

" Please? Don't do this,kailangang kailangan kita, Camilla," anito sa nangungusap na boses.

Nagtatanong ang mga mata niya na nakatitig dito habang pigil ang hininga. Hindi niya ganap na maunawaan kung ano ba ang ibig nitong sabihin. Gusto niya pang marinig ang sasabihin nito ngunit nakatitig lang din ito sa kaniya at bumaba iyon sa kaniyang labi. Matagal sila sa ganoong posisyon nang tila matauhan ito at umiwas na nang tingin ngunit naghihintay pa rin siya sa susunod na sasabihin nito. Napabuntung hininga ito at muling tumitig sa kaniya.

" M-magagalit sa'kin si Athena pag nalaman niyang umalis ka."

Hindi niya alam ngunit nadismaya talaga siya sa narinig, may inaasahan pa ba siyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status