Share

Chapter 12.1

Nang hilain niya ang aking kamay ay nagpatianod na lamang ako. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawang mahila ang maleta ko.

Hindi na rin ako nagtangkang balikan dahil baka makasagabal pa iyon sa amin.

Nagawa ko pang lingunin ang pinagmumulan namin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko o namamalikmata lang ulit ako. Nakita ko ang dalawang higanteng hayop na nagpapambuno. Kitang-kita ko rin kung paano marahas na kinagat ng isa sa kanila ang leeg ng isa.

Hindi ko lang sigurado kung anong klaseng hayop ang mga iyon. Four-legged animals ang mga iyon at mabalahibo. Hindi ko mawari kung leon ba o malaking aso lang.

Bukod sa dalawa ay mayroon pang isa na nakahandusay, hindi na gumagalaw at tila wala nang buhay.

Kumabog ang aking dibdib nang mapunta ang tingin ng isa sa mga hayop sa akin. Malayo na kami ngunit tila naabot ng titig nito ang kinaroroonan namin.

Labis na nanindig ang balahibo ko nang makita ko ang namumulang mata nito.

Nahihintakutan akong nagbawi ng tingin.
amvernheart

Hello everyone. Thank you so much po sa pagbabasa. Next chapter is a BS chapter po. Maikli lang po dahil 'yon lang talaga ang ganap sa susunod na chapter. If you are not comfortable with r18 content, you can skip the next part and proceed immediately to chapter 13. That's all. Thank you so much po.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status