Bakit parang nababasa niya ang iniisip ko?
Napakurap-kurap ako.
Hindi kaya alien siya?
O baka naman isang maligno?
Gumapang ang kilabot sa kaibuturan ko.
Naprapraning akong nag-angat ng tingin at tinitigan ang tulog na tulog na si Oryrius.Payapang-payapa ang hitsura nito habang nakapikit. Makinis ang balat nito na lalong nakadagdag sa kanyang kagandahang lalaki. Mahaba ang malantik nitong pilikmata. Sana all na lang sa kanya. Matangos din ang ilong nitong tila perpekto ang pagkahulma. Mamula-mula rin ang labi nitong sa unang tingin ay 'di maikakailang napakalambot. Kahit saan yatang anggulo ay napakagwapo nito.
Ilang minuto ko pa siyang tinitigan.
Infairness, kahit isang libong taon ko yata siyang titigan, parang hindi nakakaumay ang kagwapuhan niya. Sana all na lang ulit sa kanya.
Napailing na lamang ako.
Malabo. Masyadong malabo ang iniisip ko.
Sa gwapo ng lalaking ito, imposible namang alien siya. At lalong imposible na maligno siya.Buntong-hininga na lamang akong bumalik sa pagkakahiga.Bakit ko ba kasi naisip 'yon? Para naman akong ewan eh. Baka nagkataon lang. Baka kasi sobrang obvious lang ako at medyo nakahalata siya.
Muli na lamang akong napabuntong-hininga.Kailangan ko na talagang matulog. Mukhang kulang lang sa pahinga ang utak ko kaya kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko.Pinanatag ko ang aking loob. Ilang sandali lamang ay naramdaman ko na ang paghila sa'kin ng antok. Hinayaan ko namang hilain ako.
Hindi ko alam kung nananaginip lang ako pero parang naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na tela hanggang sa aking balikat na tila ba nagdulot sa akin ng comfort. Hindi ko tuloy naiwasan ang pagsilay ng munting ngiti sa aking labi.
Ilang sandali lamang ay naramdaman ko ang pagpulupot ng matigas na bagay sa aking beywang. Pakiramdam ko ay niyakap ako ng kung sinuman na siyang nagbigay sa'kin ng kapanatagan. Dinala ako ng kapayapaang aking nadarama sa mahimbing na pagtulog.
Nang magising ako kinabukasan ay parang punong-puno ako ng enerhiya. Why not? Ang sarap kaya ng tulog ko sa buong magdamag.Nang dumako ang tingin ko sa aking tabi ay wala na roon si Oryrius Delacorte. Nang igala ko ang aking paningin ay natuklasan kong maliwanag na ang paligid. Patunay ang pagtagos ng liwanag ng araw sa nakabukas na bintana. Mukhang wala rin sa loob si Oryrius dahil hindi ko naramdaman ang presensiya niya sa loob ng silid.
Mabuti na rin iyon para hindi masira ang very beautiful morning ko.
Nag-inat ako upang tuluyang magising ang aking dugo. Matapos iyon ay tuluyan na akong bumaba sa kama.
Hindi ko mawari ngunit tila hinihila ang aking paang tunguhin ang nakabukas na bintana.
Malaki iyon, tila makaluma ang estilo. May rehas itong malilit na bakal. Gayunpaman ay mukhang alagang-alaga ang kabahayan dahil na-preserved ang magandang disenyo nito.Nang sumilip ako sa nakabukas na bintana ay namangha ako sa aking nakita. Bumungad sa'king mga mata ang makapal na kagubatan. Kayganda sa paningin ang tila nakahilerang matatayog na puno. Napakasarap sa eyes ang maberdeng kulay ng paligid.
Mayroong tila daan na patungo sa gubat na natataniman ng Bermuda grass. Ang magkabilang gilid ng tila daan ay lalong pinaganda ng mamumukadkad na iba't-ibang kulay ng bulaklak. Malawak iyon, sa tantiya ko ay nasa one fourth hectare. Kay-pretty talaga sa mata ang mga namumukadkad na bulaklak.
Tila kaysarap baybayin ang tila daan sa gitna nito.Tila berdeng carpet na nakalatag ang tanim nitong Bermuda grass.
Someday pupunta ako diyan at magpapa-picture. Then gagawin kong profile picture.
Ngunit ang paghangang aking nadarama ay unti-unting napalitan ng pagkunot ng noo.
Natagpuan ng aking mata ang isang hayop na binabaybay ang daanan.Hindi ko tuloy naiwasan ang mapakunot-noo at pakatitigan iyon ng husto.
Kung 'di ako nagkakamali ay malaking aso ang nakikita ko. Kulay puti ang balahibo nito.
Napailing na lamang ako at saka napahalukipkip.
Salbaheng may-ari ng asong 'yan! Bakit nila hinahayaan ang aso sa garden? Baka mamaya ay sirain pa nito ang mga tanim. Or worst baka mag-poo poo pa roon ang lintek.
"Hoy, doggie! Alis diyan! Chupe! Sinisira mo ang view!" Malakas kong turan.
Ngunit nang ma-realize ko ang ginawa ko ay parang gusto kong tuktukan ang sarili ko.
Nag-effort pa akong magsalita samantalang napakalayo naman ng aso. Imposibleng marinig niya ako. At higit sa lahat ay imposible ring maintindihan niya ako.
Unang araw ko pa lang dito sa mansiyon ni Oryrius pero mukhang sa mental hospital na ang soon to be hantungan ko.
Nang ibalik ko ang tingin ko sa kinaroonan ng malaking aso ay nagtayuan ang mga balahibo ko. Nakaangat ang ulo nito at tila ba natingin sa kinaroonan ko. Napakalayo niya sa'kin ngunit tila ramdam ko ang kanyang titig.
Napakurap-kurap ako.
Napra-praning na naman yata ako.
Nang muli kong ibalik ang tingin ko sa garden ay wala na roon ang aso.
"Huh? Nasa'n na 'yon?" Nagkandahaba ang leeg ko.
"What are you looking for?" Anang barotinong tinig na siyang nagpatalon nang husto sa aking puso.
"Ay! Takte!" Napakislot ako at napahawak sa aking dibdib.
Nasa mukha ko pa rin ang gulat nang lumingon ako sa pinagmulan ng tinig.
Bumungad sa'kin ang walang kangiti-ngiting mukha ni Oryrius Delacorte. Kapansin-pansin sa gwapong mukha nito ang butil ng pawis. Nang bumaba ang aking tingin ay nanuyo ang aking lalamunan.
Yummy!
Tumambad sa paningin ko ang matipunong katawan ng lintek. Dumadaloy roon ang pawis na tila ba lalong nagpa-hot sa kanyang hitsura.
Kaysarap namang pa-breakfast ang nasa harap ko.Yummylicious pandesal!
"Mate."
Tila bumalik ako sa reyalidad dahil sa pagtawag ni Oryrius.
Upang huwag niyang mahalata ang kabalbalang tumatakbo sa isip ko ay kaagad akong ngumiwi na para bang nadidiri.
"Kaya pala may naamoy akong maasim na parang nabubulok na suka kasi pawis na pawis ka. Maglinis ka nga ng katawan, ang bantot mo! Umaalingasaw ang putok mo."
Umarko naman ang kilay nito.
"Really?"
"Oo. As in, grabe! Yuck! So kadiri. At magdamit ka nga, ang laswa ng hitsura mo. Para namang kaakit-akit 'yang payatot mong katawan. Wala ka namang ka-muscle muscle."
Nailing naman ito sa tinuran ko.
"What a liar!"
"Liar ka diyan. Truth na truth kaya sinasabi ko sa'yo. Kahit tumingin ka pa sa salamin."
"Your eyes don't say so. I can see in your eyes how much you're fantasizing me." Wala itong kangiti-ngiti habang titig na titig sa'kin.
"Huh! Kapal mo! Kahit pa siguro tanggalin mo 'yang pajama mo at mag-brief ka lang sa harap ko, wala ka pa ring epek sa' kin. Asa ka namang maglalaway ako sa'yo!"
"Are you sure?" Mataman niya akong tinitigan. Hindi nito inalis ang tingin niya sa'kin kahit nang kumilos ang kamay nito patungo sa garter ng suot niyang pajama. Hindi ko tuloy naiwasan ang panlalaki ng aking mga mata.
"Hoy! Ano ba! Maghulos-dili ka! Huwag ka ngang rated-SPG sa harap ko! Ang aga-aga para molestyahin mo ang inosenteng utak ko."
Hindi naman ito nagpatinag. Kumilos ang kamay nito upang ibaba ang suot niyang pajama.
Napatakip na lamang ako ng mga mata gamit ang aking palad. Hindi ko rin napigilan ang impit na mapatili." Jusmiyo! Huwag ngayon, 'di pa ready ang aking innocent eyes! "
Maya-maya lamang ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa.
Natigilan ako.
Tumatawa si Oryrius?
Marahan kong ibinaba ang mga palad kong nakatakip sa aking mga mata.
Nang tumambad siya sa sa'king paningin ay mayroon na itong suot na puting V-neck shirt.
Luh, saan galing 'yong T-shirt?
Nang magtama ang aming mga mata ay unti-unting napalitan ang ngiti niya ng isang ngisi.
"Ang lakas mo kaninang mang-asar, ikaw rin naman pala ito matatalo."
Pinanditan ko siya ng mata.
Hindi ko yata matatanggap na sinabi niyang talo ako."Huh! Feeling mo lang."
"Since you're fantasizing my hottie body, you need to know something."
Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig.
Ang kapal din talaga ng mukha ng damuhong 'to.Akmang aalma na sana ako kaso muli siyang nagsalita."I am very sorry but we can't have the honeymoon, right now. But don't worry, the right and best time will come."
Tila tumaas ang presyon ko sa narinig.
"Hoy! Sino bang nagbigay ng idea sa'yo na gusto ko ng honeymoon, huh? Ang kapal---" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay naputol iyon nang muli siyang magsalita.
"Masyado lang akong busy ngayon. But don't worry, kung gusto mo ng abs ko pwede mo namang hawakan anytime."
Lalo akong naasar sa narinig.
"Takte! Ang kapal kapal talaga ng face mo!"
Gumuhit naman ang mapang-asar na ngiti sa labi nito."Pero mamayang gabi na lang. I'm really in a hurry. While I'm out, Helper Sabel will tour you around."
Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Puno ito ng kumpiyansang lumakad patungo sa pintuan ng silid.Nakakuyom na lamang ako ng kamao.
"Kita mo lang, mamaya ka sa'kin, lintek ka!" Nanggagalaiting turan ko habang nakatingin sa pinto kasasarado lang.
Nangyari nga ang sinabi ni Oryrius. Ilang minuto lang matapos itong makaalis ay kumatok sa silid ang isang babaeng nakasuot ng kulay bluegreen na unipormeng pangkatulong. Nasa thirties ang edad nito. Neat bun ang estilo ng buhok nitong itim na itim. Sakto lang ang kaputian nito. Hugis almond ang mata nitong tila busog sa eyebags. Medyo malapad ang ilong nitong hindi gano'n katangos at makipot ang labi nito. Simpleng-simple ang postura at tila ba kay bait ang hitsura. Nang magtama ang aming mga mata ay sandali siyang yumukod bilang tanda ng paggalang. "Magandang umaga po, Lady. Ako po si Sabel."Sinuklian ko siya ng ngiti.
"Hello po."
"Nakahanda na po ang agahan, Lady Lora. Saan niyo po gustong kumain?"
Tila namang sumindi ang bombilya sa aking utak.
"Pwede po ba doon sa part na nakikita ko ang garden?""Masusunod, Lady. May iba ka pa bang request?"
"Wala na po." Magiliw ko siyang nginitian.
Infairness! Sobra kong na-enjoy ang unang agahan ko sa mansiyon ni Oryrius. Nag-set up sila ng mesa sa likod ng bahay kung saan tanaw ko ang hardin. Medyo nailang lang ako ng konti dahil habang kumakain ako ay tumambay sa gilid ng parihabang mesa si helper Sabel. Medyo shy pa naman ako kapag ganitong may nanonood sa'kin na kumakain.Ilang ulit ko siyang niyayang sabayan ako pero mukhang shy type din siya. Sa huli ay hindi ko na lamang siya pinilit.
Matapos ang agahan ay naligo ako at nagbihis. Napili kong isuot ang kulay dilaw na floral dress na hanggang bukong-bukong ko ang haba. May maliit iyong manggas at hapit sa'kin ang pang-itaas na bahagi ng damit. Tinernuhan ko iyon ng flat sandal.
Matapos iyon ay kaagad naming nilibot ang mansion ni Oryrius.
Speaking of the mansion, hindi lang yata masiyon ang tirahan ni Oryrius Delacorte kundi palasyo na. Tila lumang disenyo ang bahay. Sa labas ay bricks na kulay pula ang disenyo. Ang mga bintana ay gawa sa salamin na pwedeng buksan ngunit safe naman dahil may rehas. Gayupaman ay elegante pa ring tignan ang paligid. Nangingibabaw sa loob ang kombinasyon ng kulay wood brown, puti at gold na kulay.
Sa gitnang bahagi ng bahay ay tila mayroong tower. Apat na palapag iyon ngunit hindi na namin inakyat dahil ongoing raw ang renovation sa ikatlo at ikaapat na palapag. Mayroon ding wings ang mansion. Nilibot namin iyon. Malawak ang kitchen, gano'n din ang sala at maraming kwarto ang bahay. Gandang-ganda ako sa disenyo ng bahay kaya lang sa tahimik ng bahay ay hindi ko naiwasan ang matakot.
Malay ko ba kasi kung may ligaw na kaluluwa sa paligid.
Na-enjoy ko pa rin naman ang tour kahit tipid magsalita si helper Sabel. Kung 'di ako magtatanong ay mukhang wala siyang balak magsalita.
"Para sa saan po 'yang pintong 'yan?" Hindi naiwasang magtanong nang makita ko ang malaking pintuan. Bukas iyon kaya naman nakikita ko mula sa kinaroroonan namin ang mahabang pasilyo."Papunta po 'yan sa west wing, Lady."
Akmang yayain ko na siya patungo roon nang muli siyang magsalita." Bawal pong pumunta diyan, Lady."
"Bakit po?" Hindi ko naitago ang pagtataka sa aking mukha.
"Bilin po ni master, Lady."
"Bakit nga po? Ano po bang meron sa west wing? Bakit po bawal pumunta roon?"
"Kasi po--," tumigil ito sa pagsasalita na tila ba nag-aalangan sa kanyang sasabihin.
"Sabihin niyo po sa'kin, please."
"Kasi Lady, diyan po ang kwarto ng mga dating asawa ni master."
Lalo tuloy akong naging curious sa narinig.
"You mean? Hindi sila natutulog sa kwarto ni Rius?""Hindi po, ma'am. May sarili po silang kwarto."
Hindi ko naiwasan ang mapakunot-noo.
Bakit kailangan separate sila ng kwarto?At bakit sa akin, hindi?Lalong kumabog ang puso ko.
Anong ibig sabihin no’n?
Naguguluhan ako. Ba't naman gano'n? Bakit sa kwarto niya ako nag-i-stay samantalang may sarili palang kwarto ang mga dati niyang asawa? Anong pwedeng dahilan niya? I spent minute thinking about the posible reason. Pero wala eh, wala akong maisip na pwede pang dahilan. O baka naman assuming lang ako. Malay ko lang, baka mamaya o bukas ay sasabihin na niyang may sarili rin akong kwarto. Ganito na lang, kapag hindi niya ako bibigyan ng sarili kong kwarto, doon na ako magdududa. Tama! Maghihintay pa ako ng konti. "Lady?" Untag sa akin ng katulong. Tila rin bumalik ako sa reyalidad dahil sa tinig ni helper Sabel. Noon ko natanto na nasa tapat pa rin kami ng malaking pintuan. "Ayos ka lang ba, Lady?" Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. Nang bumaling ang tingin ko sa kanya ay nakatingin ito sa sa'kin at kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "May problema po ba?" Taranta akong napailing. Kaagad ko ring pinilit ang ngumiti. "Wala po. Ayos lang po ako.
"Mate." Liningon ko ang pintuan kung saan nagmula ang tinig ni Oryrius. Suot pa rin nito ang suot niyang suit kanina ngunit this time ay wala na ang neck tie nito. Nakabukas na rin ang tatlong butones ng polo nito. Namait ang panlasa ko nang mamasdan ko siya nang husto. Pasado alas-singko na rin, pakiramdam ko nanlalagkit na ako sa pawis samantalang siya mukhang fresh pa rin. Ang unfair din talaga ng life! Muli ko siyang pinasadahan ng tingin. Natatandaan kong umalis siya ng kwarto kaninang umaga na nakasuot lang ng T-shirt at pajama. Hindi ko rin naman siya nakitang pumasok sa walk in wardrobe ng silid. Ang tanong, saan siya nagbihis? Napakurap-kurap ako sa reyalisasyon. Hindi kaya, hindi naman talaga ito ang kwarto niya? Iginala ko ang paningin ko sa loob. Walang masyadong gamit rito na parang walang umuukupa. Baka katulad ng iba niyang asawa ay may sarili rin kong kwarto. At ito 'yon, ito ang para sa akin. Pero muli akong napailing nang sumagi sa isip kong dito r
"Hintayin niyo po ako." Mabilis kong saad. "Po?" Tila 'di makapaniwala si Helper Sabel sa narinig. "Hintayin niyo po ako hanggang sa makalabas ako rito." Muli kong saad habang taranta kong isinusuot ang underwear ko. Wala akong narinig na respond sa kanya kaya lalo kong minadali ang pasusuot ng damit ko. "Ate Sabel?" Muli kong tawag sa kanya habang sinusuot ang bestida ko. "Lady?" Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang tinig niya. Akala ko ay iniwan na niya ako. "Wait lang po saglit." Nang tuluyan kong maisara ang zipper ng bestida ko ay mabilis kong binuksan ang pinto. Kaagad namang bumungad sa'king paningin si Helper Sabel na nakatayo sa labas ng banyo na tila naghihintay. "Nandito na ako." Ginawaran ko siya ng ngiti kahit para akong dinaanan ng delubyo. Ramdam ko ang butil ng pawis sa noo ko at idagdag pang hindi pa ako nakakapagsuklay. Laking pasasalamat ko na hinintay niya ako. Mabuti na 'yong kasama ko siyang lumabas. Baka nandito pa sa loob ng kwarto si Oryri
Chantelle Cordova. Umugong sa isipan ko ang pangalang iyan. Ilang sandali ko pang tinitigan ang naka-imprentang pangalan bago dumako ang tingin ko sa iba pang information na nasa laptop. Infairness, pangalan pa lang, pang malakasan na. At tunog maganda rin. Umayos ako ng upo sa kama habang titig na titig sa laptop na nasa ibabaw ng unan at nakapatong sa kandungan ko. Tahimik kong binasa ang laman ng dokumento. Chantelle Roxas Cordova, or also known as Elle Cordova was born on August 28, 1996. She is a popular singer in the Philippines. She came from a wealthy family and she is the only heiress of Corvoda family. Matapos kong basahin ang article mula sa USB na bigay sa akin ni Lowell Gonzalo ay hindi ko naiwasang mapaisip. Magkaedaran lang pala kami ng Chantelle Cordova na ito. Pitong araw lang ang tanda ko sa kanya. Muli akong tumitig sa screen ng laptop.As I scroll down, narating ko ang mga photos ni Chantelle Cordova. Hugis bigas ang mukha nitong may singkit na mga mata, ma
"Tinatanong pa ba 'yan?" Hindi siya umimik kaya naman muli akong nagsalita. "Ikaw na ang nagsabi sa'kin, kabilang din naman ako sa business industry. Kaya dapat alam ko na ang rason. So dapat, alam mo na rin ang dahilan ko kung bakit kita pinakasalan.” Hindi naman nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Nanatili itong walang kangiti-ngiti at tila hindi kumbinsido "I am still your bestfriend's widow." Nailing na lamang ako. Kung alam lang sana niyang iyon ang pinakaunang rason kung bakit ko siya pinakasalan. "Business is separate from personal matter, Rius. Ano ngayon kung asawa ka ng bestfriend ko? Hindi maaapektuhan no'n ang desisyon ko." Nag-iwas ako ng tingin. Tila humapdi ang puso ko sa binitiwan kong salita. Kahit kailanman ay 'di ko magagawang ipagpalit ang friendship namin ni Ciara sa kayamanan. Kahit pa siguro ang kapalit ay maging pinakamayaman akong tao sa mundo. "Sabi ng Daddy mo, idea raw niya ang kasal. Kaya napaisip lang ako kung tumutol ka ba sa kasal." Na
Sa west wing. Tama! Doon ako dapat magsimula. Kahina-hinalang ipinagbabawal ni Oryrius ang magpapasok roon. Maaaring may itinatago siya roon. Baka nando’n ‘yong mga ebidensiyang hinahanap ko. Kaya kailangan na kailangan ko nang makapasok sa west wing. Pero ang tanong, paano at kailan? Iyan ang mga tanong at isiping bumagabag sa akin pagkagising na pagkagising ko kinabukasan. Katulad nang nakaraang umaga ay nagising akong wala na si Oryrius Delacorte sa tabi ko. Parang naulit lang ang nangyari dahil pagkabangon ko ay dumeretso agad ako sa bintana upang pagmasdan ang mga magagandang bulaklak sa hardin. Ang kaibahan nga lang, wala na 'yong malaking aso. "Lora." Awtomatiko akong napalingon sa pintuan kung saan nagmula ang tinig. Bumungad sa akin si Oryrius na kakapasok lamang ng silid. Presentableng-presentable ang hitsura nito sa suot niyang dark blue three piece suit. "I will be attending an important meeting today and I might go home late." Awtomatikong napataas ang isang kilay
Nanginginig ang kamay kong hinugot ang susi sa bulsa ng suot kong short. Nanuyo ang lalamunan ko nang simulan kong subukan ang susing hawak ko. Lumakas ang kabog ng puso ko nang hindi sumakto ang unang susi na napili ko. Muli pa akong sumubok ng isa pa. Ang isa ay naging dalawa hanggang sa nasundan at muli pang nasundan. "Please naman, makisama ka naman." Butil-butil ang pawis kong nagpalingon-lingon. Sana lang, wala sa mga katulong ang mapadpad dito. Muli pa akong sumubok ng isa pa. Gano'n na lamang ang kabog ng puso ko nang sumakto ang susi. Nanuyo ang lalamunan ko nang pihitin ko iyon. Tila lalo ring lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan ko ang doorknob at pihitin iyon. "Wala na talagang atrasan 'to, self." Lakas loob kong pinihit ang doorknob at tinulak ang pinto. Sa pagbukas ng pinto, tila ba nag-slow motion ang paligid. Bumungad sa akin ang kadiliman at katahimikan. Napalunok na lamang ako. "Kung sino man po ang may-ari ng room na 'to, sorry na po agad. Pasok p
Tumunog ang sikmura ko. Takte naman! Bakit ngayon pa? Alanganin akong napabaling kay Oryrius Delacorte. Nasalo ng aking mga mata ang magandang uri ng mga mata nito. Argh! Nakakahiya! For sure, narinig niya 'yon. "C'mon, let's have our lunch." Nanatili itong walang kangiti-ngiti kasabay ng pagpapatiuna nito sa paglalakad. Tila balewala sa kanya ang narinig niya kaya naman napasunod na lamang ako sa kanya. Naging tahimik ang tanghalian. Sobrang gutom ako kaya nasa pagkain talaga ang atensiyon ko. Tila balewala naman kay Oryrius kahit mukha akong patay gutom. Nahuhuli ko siyang pasulyap-sulyap pero nanatili naman siyang no comment. Bahala siya kung gusto niya akong husgahan sa utak niya. Kahit naman maging bad shot ako sa paningin niya, wala akong pakialam tutal ang ending naman namin ay ang pagiging mortal enemy. Muli akong nagpatuloy sa pagkain. Hinayaan lang niya ako. Hindi katulad kagabi na sweet-sweetan ang peg niya. Ngayon, kahit isang butil ng kanin ay 'di niya magawang ia