Share

Chapter 21.1

[21.1]

Nang bumalik ako sa loob ng kusina ay naabutan kong nagkakatuwaan sila. Mabuti na lamang ay hindi ko na sila naabutang umiinom ng dugo. Nagpaalam ako sa kanilang tatlo na pupunta lamang sa unibersidad upang puntahan ang kaibigan ko sa dorm, mabuti na lamang ay agad na pumayag ang mga ito. Gusto ko rin naman kasing maliwaliw. Alam kong wala kaming usapan ni Nykee at ito pa lang ang unang beses na pupuntahan ko siya ngunit ayaw ko namang mamatay ng maaga sa boredom sa bahay ni Myra. Maa-out of place lamang ako kung hindi ako aalis roon dahil nga nalaman ko nang kalahating bampira pala ang nag-iisa kong pinsan. Mabuti pa kung kasama ko si Nykee ay magkakasundo kami dahil nga sinabi niyang walang halong dugong bampira ang dugong nananalaytay sa katawan niya.

Ngunit dahil hindi ko nga pala alam kung saan ang room ni Nykee ay hindi ko alam kung saan na ang direksyon ko. Nasapo ko na lamang ang noo ko dahil lagi yata akong maliligaw rito sa unibersidad kung hindi ko mu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status