Share

Chapter 31.2

[31.2]

Pinagmasdan ko ang bawat estudyanteng dumadaan. Nagkalat sa iba’t-ibang bahagi ng campus ang mga estudyante dahil tapos na ang klase. Ang iba ay nasa cafeteria para kumain.

“Kamusta ka naman doon sa dorm ng prinsepe?” Biglang tanong ni Nykee.

Nagkibit-balikat ako sa tanong niya, “Ayos lang naman. Para kaming hangin sa isa’t-isa.” Maliban na lang noong isang gabi na dinukot niya ako mula sa inyo.

Buwesit talaga! Bakit ba naalala ko na naman ‘yon?

“Hindi ka naman pinapahirapan?”

Umiling ako sa kanya dahil iyon naman ang totoo. Ang boring nga e. Wala naman siya gaanong pinapagawa sa akin para mahirapan ako. Tamang sunod lang sa kanya kahit saan siya pumunta iyong ginagawa ko. Ewan ko ba. Noong hindi pa naman ako sa dorm niya tumutuloy ay hindi naman kami magkaklase tapos nung doon na ako tumuloy sa dorm niya ay pumapasok siya sa klase ko. Nagpalipat ba siya?

Hinarap ko si Nykee

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status