[32.1]
“May itatanong ako sa iyo, Ash,” seryosong sabi ko sa kanya.
Her forehead creased because of what I said. Tumikhim si Myra kaya nagtatakang tumingin si Ash sa kanya. Sana lang talaga ay bigyan niya ako ng matinong sagot sa mga itatanong ko sa kanya.
Tumingin ako kay Myra at mukhang nakuha naman niya ang nais kong ipahiwatig.
“A-alis lang ako…” Myra then excused herself and leave Ash and I in the living room.
Hinabol ko ng tingin ang kaibigang paalis at nang sa wakas ay kaming dalawa na lamang ng pinsan ko ang naiwan ay hinarap ko siya.
“I heard…” Now, I am hesitating but it’s now or never. This is for my own sake and curiosity is killing me right now about what I heard from her conversation with her boyfriend. Sa lahat ng lugar kung saan puwede silang mag-usap ay sa cr pa talaga? Kung ibang tao lang ang nakarinig sa kanila kanina ay iisiping may ginawa silang kababalaghan. Joke.<
[32.2]Hindi ko akalaing ganoon ang tunay na ikinamatay ng mga magulang ko. Hindi ko makapaniwala pero alam kong totoo iyong mga salitang lumabas sa bibig ng pinsan ko. Kaya pala… Kaya pala hindi ko na sila nakita at nakilala dahil matapos akong ipanganak ay namatay sila sanhi ng pakikipaglaban para sa mga bampira.“B-bakit… bakit sinabi ni tita Rina na… na namatay sa aksidente ang mga magulang ko?” Puno ng pagtataka ang boses ko. “Dapat ay sinabi na lang ni tita sa akin ang totoo.” Maiintindihan ko naman kung pinagtapat sa akin ni tita Rina iyong totoo dahil malaki na rin naman ako.Dahan-dahang umiling si Ashley habang nasa malayo pa rin ang tingin.“Sinabi niya iyon dahil gusto ka niyang protektahan. She told me everything just in case dahil pakiramdam niya ay susuggurin ang bahay natin anumang oras. Gusto kang protektahan ni mommy dahil alam niyang darating ang panahon na kukunin ka ng mga lobo.&rdquo
[33.1]“Nakauwi na si Prince,” sabi ni Mike. Akala ko naman hindi uuwi ngayon ang lalaking ‘yon. Psh. Saan na naman ba kasi galing ‘yong lalaking ‘yon? Bigla-bigla na lang umaalis nang hindi nagpapaalam. Parang wala siyang kasama sa dorm ah!Gusto ko sanang dito na lang muna matulog ngayon at bukas na lang ako ulit sa gabi uuwi sa dorm ng prinsepe para naman makasama ko rin sina Myra at Ash kaso mukhang hindi yata mangyayari ngayon ang gusto ko. Hindi bale na, marami pa namang next time.Siniko naman ako ng lalaking katabi ko, “Wow, pinasundo ka talaga ni Prince?” Mangha niyang sabi sa akin. I shrugged saka pasimpleng sumimangot. Kainis naman e!Talagang may Prince iyong pangalan niya e, ‘no? Talagang kina-career ang pagiging prinsepe niya?“Next time na lang tayo mag-asaran, Bry,” sabi ko sa kanya at tumango naman siya sa akin.I give Bryan and the two girls a tight hug and bid my
[33.2]“Hindi mo na sana ako hinintay mahal ng prinsepe,” sabi ko sa kanya.Hindi man lang ito nagsalita at malamig lang na nakatingin sa akin. Hay, wala talaga akong mapapala sa lalaking ‘to.He’s weird.“Saan ka pumunta?” Nagtataka kong tanong sa kanya.“The mansion.”Tumingin ako sa kanya na may pagtataka. Mansion? Psh Hindi man lang nagpapaalam na aalis. I mentally rolled my eyes.Ano namang ginawa niya roon? Binisita niya ba mga magulang niya? If he is a prince… then of course there should a king and queen.Hindi na ako muling nagsalita at nagtanong pa baka sabihin niya na naman masyadon akong maraming tanong. Tss. Halos labing limang minuto kaming tahimik at nakaupo lang. Ramdam ko siyang nakatingin sa akin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin at inabala ang mata pagtingin ng isang painting sa pader.Muling naglakbay ang isip ko at naalala ang mga si
[34.1]Tatlong gabi na ang nakalipas simula nang malaman ko ang totoo kong pagkatao. Kung sino nga ba ako. Kung ano ang totoong ikinamatay ng mga magulang na hindi ko na nasilayan dahil sa pakikipaglaban kasama ng mga bampira. Somehow, I didn’t even felt mad to the werewolves. Dahil alam ko at sigurado ako na may dahilan kung bakit nangyari iyon. Everything that happens has it’s reason. Maybe it happened to make me stronger to survive in this world that I am living right now.It is been three days since I asked the prince about that mate thing. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko mula sa pinsan ko at sa prinsepe. Hanggang ngayon ay tila niyayanig pa rin ang katawan ko mula sa mga nalaman ko noong gabing iyon. Para talagang bomba iyong mga nalaman ko e.Pilit kong kinumbinse ‘yong sarili ko at tinanong kung nanaginip ba ako dahil lagi akong kulang sa tulog nitong mga nakaraang gabi pero kahit anong pagtatanong at p
[34.2]“Ang chismosa mo. Tigil-tigilan mo pagiging marites!” baling ko sa kanya pero inikutan lang niya ako ng mata saka kinurot iyong tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.Maya-maya pa ay dumating na iyong guro na magtuturo para sa unang klase namin at halos kasunod lang din nito ay si Jason na pasipol-sipol pa na akala mo hindi late ng isang minuto. Pasalamat siya at magkasunod lang sila nung teacher. Pasipol-sipol pa ang peg. Umupo naman siya sa bakanteng upuan na nasa tabi lang ni Evan at nasa harap lang ni Nykee. Hindi ko na rin siya kinulit dahil nga magsisimula na ‘yong klase.The classes went smoothly. Sinubukan ko namang makinig sa discussions at tinitiis iyong antok ko. Palagi akong humihikab sa klase habang nagtuturo iyong magandang guro sa harap. Bakit nga ba ako kulang sa tulog nitong mga nakaraan?“You look pale,” Nykee commented nang sa wakas ay natapos iyong klase. Narito kaming apat ngayon sa bench ku
[35.1]Pagkatapos naming kumain ay agad rin kaming pumasok para sa mga natitirang subject. Kung kanina ay mas inaantok ako, ngayon yata ay tila parang mas lumala lang. Maya’t-maya akong pasimpleng humihikab sa kalagitnaan ng klase dahil baka mahuli ako ng nagtuturo sa harapan at mapagalitan pa ako. Pero pabor naman sa akin kung mahuhuli ako ng teacher tapos ay palalabasin sa klase niya. Dahil siguro sa pagiging busog ko kaya mas inaantok ako ngayon pero survived naman.Natapos ang lahat ng klase para sa gabing iyon at nagtagumpay naman akong hindi makatulog sa klase. Parang gusto kong matulog ng straight twelve hours mamaya pagkauwi sa dorm! Sobra pa ko sa hindi natulog ng limang araw! I really felt exhausted.Naglalabasan pa iyong mga kaklase namin kaya pumikit muna ako saglit habang nanatili pa ring nakaupo ngunit maya-maya lang ay mayroong kumalabit sa akin kaya iminulat ko rin ang mga mata ko.Naabutan ko ang mga matang malamig na nakatingin sa
[35.2]Inaya ako ni Nykee na sumunod roon sa dalawa at doon na lang kami magpapalipas ng natitira pang oras. Well, ayaw pa rin naman kasi naming umuwi. Kanina ay gusto ko ng umuwi sa dorm para makatulog pero sa tingin ko ay naibsan naman yata iyong antok ko sa ginawang pag-idlip ko kanina.Nang makaratin kami sa library ay nadatnan namin ay hindi gaano karaming estudyante na abalang magbasa at ang iba naman ay pasimpleng nasubsob sa mesa at wari ko ay natutulog. Buti na lang at hindi sila nakikita ng librarian dahil kung hindi at tiyak na mapapagalitan sila.Agad naming nilibot ng paningin ang lugar nang makapasok kami sa loob ng library para hanapin ang dalawang lalaking kasama namin kanina. Naglakad kami patungo sa dating puwesto namin at hindi nga kami nagkamali ni Nykee dahil naroon ang dalawang lalaki.Pinauna ko ng maglakad patungo sa dalawa si Nykee samantalang ako ay ini-scan pa ang isang shelf na nasa tapat ko hindi kalayuan sa dalawang lalaki up
[36.1]Masyadong nakakabigla iyong nangyari. Ang awkward din dahil hindi ko alam kung gaano katagal na kami nakatitig sa mata ng isa’t-isa ng prinsepe. Napaamang ang labi ko. Kumurap ako nang may marinig akong tumikhim kaya napabalik ako sa reyalidad.Bago lang nag-sink in sa akin na nakaupo pala ako sa kandungan ng prinsepe at nakahawak ang isang kamay niya sa isang kamay ko at ang isang kamay niya ay nasa baywang ko. Nahihiyang napayuko na lamang ako at hindi makatingin sa prinsepe at sa mga kaibigan ko na naroon. Sa mga oras na ito ay nais ko na lamang na bumuka ang lupa at lamunin ako dahil sa kahihiyan.Napaiwas ako ng tingin saka mabilis na tumayo bago tumikhim. Nakagat ko na lamang ang pang ibabang labi. Nakakahiya ka Nathalia!“Are you okay, Thalia?” A familiar voice asked.Napatingin naman ako sa tabi ko at si Kian pala iyong nagtanong. Tipid na ngiti ang ibinigay ko sa kanya at saka mabilis na tumango. Humingi ako ng pau