"DAVE kaya ba ayaw mong pakasalan ang anak ko, dahil may girlfriend ka na?" Natigil sa ere ang paginom sana ni Davidson ng red wine. Napatingin siya sa kanyang seryosong ninong Salvador. Nasa iisang table sila. Sa lahat ng bisita at mga shareholders ay ang ninong niya lang talaga ang pinakikihalubiluhan niya. "What? Cassidy is not my girlfriend, ninong. She's just…she's just a little sister to me," napabuntong-hininga siya saka humalukipkip. Nahilot niya ang sentido niya. Lahat nalang talaga ng mga unexpected plan ni Cassidy ay nagpapasakit ng ulo niya. "Why is she acting like one?" pagpilit pa rin nito na ‘gf’ niya si Cassidy. "I don't know, ninong. At bakit ba natin siya pinag-uusapan?" "Tama ka, bakit nga ba natin siya pinag-uusapan?" dume-kwatro ito ng upo. "Kamusta na pala ang paghahanap mo sa anak ko? May ideya ka na ba kung nasaan siya?" Muli ay napatingin siya sa ninong niya."Sadly, hindi ko pa siya nahahanap. Nag-hire pa 'ko ng mga investigato
"M-MR. Montevella, na-nagpapahangin lang po ako e-este kami," hindi niya malaman kung ba't nagkakanda-utal siya, sabay tingin kay Alexander. Daig niya pa yung babaeng nahuling may kabit kung magpaliwanag. Tumayo na din ang lalake at inilahad ang palad kay Davidson para makipag-kamay. "Happy birthday, Mr. Montevella" Parang si Keirah na lang ang nahiya sa inasal ng Boss. Tiningnan lang kasi ito ni Davidson at hindi nakipag-kamay pabalik kay Alexander. Sa disappointment, binawi na lamang ni Alexander ang palad. "Salamat," yun na nga lang ang sinabi ni Davidson, labas pa sa ilong. "Can I borrow her?" seryoso pang dugtong nito. Nagkasalubong ang paningin ng dalawang lalake. Parehong ayaw magpatinag sa nagsisimulang tensyon sa paligid. "You see, we're talking. You're a little bit rude, Mr. Montevella," seryoso na din si Alexander. "Am I?" "Is she not allowed to have fun?" "Is being with your company fun?" Napangiwi si Keirah. Parehong ayaw may sumuko
“KEIRAH! Oh my Gosh, I missed you so much giiirl!!” Kung hindi nakahawak si Keirah sa pintuan ay baka nabuwal na siya ng sunggaban siya ng yakap ni Eunice. Nang makabalik ito galing sa bakasyon, agad siyang kinulit ng kaibigan para ibigay niya ang address nila ni Melanie dito. Wala ng nagawa ang dalaga kundi pagbigyan si Eunice. “Wait, Is this where you lived?” ang tinutukoy ay ang bahay ni Melanie. “Yeah, why?” “Nothing. It’s just better than your old apartment” “Ahh,” tumango-tango siya. “Oo naman.” Niyaya niya ito sa loob, natutulog pa si Melanie kaya sinabihan niya itong huwag masyadong maingay. “Who’s Melanie?” nakangusong tanong ni Eunice. “My co-worker. Siya din ang nagpatira sa akin dito” “Oh, girl I’m so sorry if palagi akong wala sa tabi mo. Pinilit lang naman ako ni Daddy na sumama ng Boracay eh,” makungkot ito habang nagpapaliwanag. “Hoy, okay lang yon, ano ka ba?” ngumiti si Keirah para hindi nito mapansin na nagtatampo talaga siya dito. “O eh, kamusta ka
"Manong, can I ask-ahm pwede ho ba magtanong? Saan po ba dito ang sakayan papuntang"- dinukot niya ang sketch na may address sa bag- "Ahm, Sta. Maria, Bulacan?" "Ah, pa-Bulacan ba kamo? Diyan sa SM North, may mga sakayan diyan papuntang Bulacan. Green na bus, ineng," nakamuwestra ang kamay na sagot ng tricycle driver na napag-tanungan ni Keirah. Nagpalinga-linga siya. Tatawid pa pala siya ng footbridge. Hay, masakit na ang paa niya. Napakainit pa. Mali naman kasi ang binabaan sa kanya ng taxi. Nalulukot na ang itsura niya. Pawis na pawis na din siya, habang binabaybay ang footbridge para makarating sa kabilang dulo. Nakahinga siya ng maluwag nang marating niya ang sakayan. Pasimple niyang sinulyapan ang SM. Namimiss niya na mag-shopping. ‘Hayaan mo na Keirah, laban lang’ pag-aalo niya sa sarili. Ganoon na nga. Kailangan niya lang lumaban. Kailangan niya pang malagpasan 'tong init ng araw. "Oh Miss, saan ka bababa?" tanong ng konduktor sa kanya. "Sta. Ma
“HIJA, bukas ka na umuwi at gabi na” Tumanaw sa labas si Keirah. Tama nga si Yaya Lucing, madilim na sa labas. Tiningnan niya ang oras sa wristwatch na suot. Alas-syete na ng gabi. Sa dami ng dokumento, inabot na siya ng gabi kakahintay sa Boss niya. Kaya ganun na nga lang ang gagawin niya, bukas na siya uuwi. “Ahm, may malapit po bang Inn dito?” tanong niya sa matanda. “Eh, bakit magi-Inn ka pa? Maraming guest room dito, gagastos ka pa,” ani yaya Lucing habang ginigiya siya sa kusina. “Nagluto ako ng tinolang manok at sinaing na isda, kumain muna tayo” Napangiti si Keirah, tulad ng yaya Lolly niya mabait din pala itong yaya ng Boss niya. Siguro kapag nagkita ang dalawang ito ay magkaka-sundo kaagad. “Sige po, kung okay lang. Pero hindi naman po ako nagugutom,” pagsisinungaling ng dalaga pero ayaw makisama ng sikmura niya dahil kumulo iyon sa harap ng matanda. Napangiwi siya. “Ah, hehe. Nagugutom na po talaga ako” “Oh siya, halika na ipagsasandok kita habang
“I’M sorry, I’m just worried” Habang nakasubsob ang mukha ni Keirah sa dibdib ng binata ay hindi niya mapigilan ang mga luha na tumulo. Inaamin niya sa sarili na iyakin talaga siya. Ultimo maliliit na bagay ay iniiyakan niya. Tulad nito, kaunting sagutan lang umiiyak na siya. “S-sir?” she can’t stop her sobbing. “Sir?” “O-oh,” bahagya siya nitong tinulak palayo, parang ngayon lang nito napagtanto ang pagyakap sa kanya. Pinunasan ng dalaga ang mga luha sa pisngi. Humihikbi-hikbi pa rin siya habang inaayos ang sarili. “Uuwi na po ako,” matuwid niyang sabi. Ayaw niya na din pati na maka-istorbo. “Hija, ang sabi ng doktor kailangan mo daw muna magpahinga. Saka ka na lumuwas kapag talagang okay ka na,” ani yaya Lucing. Kararating lang nito. Tiningnan ni Keirah ang matanda. “Pero manang-” “Just do what the doctor said,” putol ni Davidson sa kanya. Wala ng nagawa si Keirah. Nakakahiya naman kung tututol pa siya eh si yaya Lucing na ang nakiusap sa kanya. H
"KEIRAH. Hoy Keirah, bakit ba tulala ka dyan?" "H-ha?" inalis ni Keirah ang kamay mula sa pangangalumbaba. "Ang sabi ko, bakit ka tulala diyan?" tumabi si Melanie sa kanya. Nasa cafeteria sila ng Montevella Corp. at kumakain ng lunch. "Kakainin mo pa ba yan?" turo nito sa mga pagkaing inorder niya pero hindi niya pa ginagalaw. Umismid siya. "Oo naman 'no. Nagugutom din ako," pinilit niyang maging kaswal ang boses saka inumpisahang kumain. "Are you sure, you're okay?" paninigurado ni Melanie. "Oo" Pero sa loob ni Keirah, nagtatanong ang isip niya. Paano siya magiging okay?! Aber? Nahalikan siya ng isang Davidson Montevella. At ang worst pa, tumugon siya! (Flashback) "Avoid me. And don't make me wanna do this" Hindi pa man siya nakakapag-salita, lumapat na ang mga labi ni Davidson sa labi niya. Nanlalaki ang mga mata ni Keirah sa paghalik sa kanya ni Davidson. Akmang itutulak niya ito, ngunit nang lumapat ang mga kamay niya sa dibdib ng lalake ay para siyang
"ALING TESS! Tao po!" sigaw ni Melanie sa labas ng bahay ng Landlady. Maya-maya'y bumukas naman ang pinto. Lumabas doon ang matabang babaeng kulot, walang iba kundi si Aling Tess. "Bakit, ineng? Ang sarap ng tulog ko eh," pagsusungit pa nito. Tumawa lang si Melanie. "Pasensya ka na po. Eh magbabayad po kasi ako ng upa. Ayaw mo ba? Hahaha." "Upa? Hindi ba sinabi sayo ng kaibigan mo?" nakakunot ang noo na tanong ni Aling Tess. "Ang alin po?" nagtaka siya sa sinabi nito. "Hays, buti na lang talaga kahit papaano ay mabait ako. Kung iba lang, baka hinayaan ka na magbayad kahit bayad naman na." "Bayad na? Paano nangyari yun eh ngayon ang bayaran ng upa sa inyo?" "Oo, binayaran na ng kaibigan mo ang upa ninyo. Sabi niya pa nga huwag ko na daw sabihin sayo, eh paano ko naman ba gagawin yun?" kwento pa ni Aling Tess. 'Ano bang sinasabi niya? Teka? Binayaran ni Keirah ang upa?' Nagsimula ng macurious si Melanie sa mga nangyayari. "Bigatin yata ang kaibigan mo, Melanie eh. Biruin mo,