Share

Chapter 75: wish

Napakaraming tao sa amusement park lalo na ang mga nakaupo sa dike at nanonood ng paghampas ng alon sa tabing-dagat.

Pero sa mga tao na yun, ay hindi maiwasan na pagtinginan sila ng mga ito. O baka kay Davidson lang nakatingin ang mga ito. Lalo na ang mga kababaihan.

Bakit kasi ang gwapo-gwapo ng lalakeng ito ngayon?

“I think they’re looking at you,” pabulong niyang wika sa binata.

“Huh? Baka nag-gwapuhan lang,” bira nito na kinangiti niya.

“Ang yabang!”

“Hahaha.”

Naghanap sila ng matatambayan pero okupado naman ang buong gilid ng dike kaya naglakad-lakad na lang sila.

Sayang, hindi nila naabutan ang sunset. Gabi na kasi eh.

Namilog ang mga mata ni Keirah ng masulyapan niya ang nagtitinda ng customized cotton candy. “Doon tayo!”

Walang nagawa si Davidson ng hilahin niya ito.

“Kuya, magkano?”

“Thirty lang, miss,” sagot ni manong. “Anong gusto niyong shape?”

“Hmm gusto ko po yung bear. Dalawa,” mag-aabot na sana siya ng bayad ngunit nag-abot na agad si Davidson ng bills dito.

“Wait
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status