Share

Chapter 79: Date?

Hindi nag-tagal at nag-paalam na rin si Eunice. Nagka-patawaran na silang mag-kaibigan at okay na sila. Ang aral lang nun sa kanya, ay dapat inalam niya muna ang buong kwento bago siya nagalit kay Eunice. Hinusgahan niya kasi ito agad at sinabihan ng plastik at peke.

‘Hays, napakasama ko’ naiiling na singhal niya sa sarili.

Paakyat na sana siya ng hagdan ng makarinig ng busina ng sasakyan. Ang Daddy niya yun, kakauwi lang. Palagi na lang busy ang Dad niya at kung umuwi ay ikalawang araw pa. Hindi niya alam ang pinagkakaabalahan nito.

Nagtuloy na siya sa pag-akyat ng hagdan at hindi na hinintay pang makapasok ang Dad niya.

Nang makarating sa kwarto, agad siyang humiga sa kama at tumitig sa kisame. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin talaga siya kung bakit mag-kasama si Davidson at Cassidy.

Bahagya niyang pinilig ang ulo para hindi na mag-isip. Masasaktan lang siya, kapag nag-isip pa nang nag-isip. Wala naman siguro iyong malisya at mag-kaibigan naman ang dalawa.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status