DAVIDSON POV “Hello Leo?..Sige papunta na ako,” pagkasabi nun, sumulyap ako sa kinaroroonan lang nila Keirah, but unfortunately, wala na ang mga ito. Nakaalis na pala habang kausap ko si Leo sa phone. Nagpalinga-linga pa nga ako sa ibang sulok ng parking, pero wala na talaga sila. Napa-hugot na lang ako ng malalim na hininga. “Talagang iniiwasan mo ‘ko Keirah, huh?” kausap ko sa sarili ko na ako lang ang nakakarinig. Napapadalas naman yata ang pagkikita naming dalawa ngayon. Hays.—- “Where is she?” tanong ko kaagad kay Leo nang makapasok ako ng Bar nito. “Ayun siya, kanina pa yan naglalasing. May problema yata eh.” Sinundan ko ng tingin ang direksyong tinuturo ni Leo. And to my surprise, nakita ko si Cassidy na hawak ang isang bote ng Vodka at kumakanta-kanta pa. Namumula siya at halatang lasing na talaga. Mabilis akong lumapit sa kanya. Pinagtitinginan na rin siya ng ibang mga tao, ngunit iismiran lang nila si Cassidy. Mayayaman naman kasi ang mga nasa Bar
“Sir, may bisita po kayo sa lobby,” binitiwan ni Davidson anv mga documents na pinipirmahan at hinarap si Sandra. “Urgent ba yan? May appointment?” “Wala po, pero gusto niya po kayong maka-usap.” Huminga ng malalim si Davidson. Weekends naman at walang masyadong trabaho. Pero marami siyang pendings na mga dokumento na kailangang trabahuhin. At wala naman pati siyang inaasahang bisita sa araw na ito. “Sir?” pukaw ni Sandra sa lumilipad niyang isipan. “Okay, sige. Bababa na ako,” aniyang napipilitan lang. “But Sir, I can re-sched it naman po-” “It’s okay Sandra. Baka importante naman ang sadya nun,” tumayo na si Davidson at nagpatiuna na ng mag-lakad kay Sandra. Wala ng nagawa ang sekretarya kundi sumunod sa kanya. —--- “Mr. Montevella, maraming-maraming salamat po sa inyo. Pasensya na kung natagalan ang pagpapasalamat ko sa inyo, ha. Magaling na po ang asawa ko, dahil yun sa tulong niyo po.” Namamangha si Davidson habang pinagmamasdan niya ang mag-asaw
“Daddy,” mahinang kinatok ni Keirah ang pintuan ng master’s bedroom para puntahan ang Daddy niya. “May problema ba?” tanong nito pag-bungad sa kanya. “Sabay na po tayo kumain, Dad. Nagluto ako ng paborito mong bulalo,” nakangiting pag-yaya niya dito. “Tara?” Sumilay ang ngiti sa labi ng matanda. Bigla yatang maging sweet itong anak niya. May kailangan kaya ito? “May kailangan ka ‘no?” Kunwaring sinimangutan ni Keirah ang sinabi ng ama. “Wala, Dad. Namimiss lang kita kasabay kumain. Y’know hindi na nga tayo nagkikita eh,” bwelta niya. “Haha oo nga. O siya, tara na. Dapat masarap yan ha.” Nagpatiuna na itong mag-lakad. Pangiti-ngiti siya habang nakasunod dito. Ang totoo niyan nalalapit na ang birthday ng Daddy niya at gusto niya itong surpresahin. Pero wala siyang ideya kung paano magsisimula. “Ano Daddy, masarap ba?” tanong niya nang nasa hapag-kainan na sila. “Hmmm kuhang-kuha mo na ang luto ng Mommy mo ha,” nakangiting wika nito habang ninanamnam ang sabaw ng bu
Ilang linggo na rin ang lumilipas sa buhay ni Davidson. Sa hindi niya malamang dahilan, nabo-bored siya sa buhay niya. Walang ganap. Araw-araw naman siyang abala sa trabaho, pero kulang pa rin ang mga araw niya. At ngayon nga naisipan niyang hindi mag-punta sa Montevella. Naibilin niya na lahat kay Sandra ang mga dapat gawin. Thanks God din at wala rin naman siyang appointment, kaya hinayaan na lang siya ng sekretarya. Uuwi na lang siya ng Bulacan para doon mag-pahinga. Kailangan niya yata ng refreshment. Papalabas pa lang siya sa sala nang makita niya si Alexander sa sala niya. Nag-lalaro na naman ito sa PS5 niya. Wala ba itong ginagawa sa buhay? “Alexander? Anong ginagawa mo dito sa unit ko?” matabang na tanong niya sa kapatid. “Parang hindi ka na nasanay na palagi akong nandito,” sagot nito habang abala pa rin sa pag-lalaro. Umikot na lang ang mga mata ni Davidson. Sa pagkaka-alam niya, Director ito ng Shen Group. Pero bakit hindi ito bumabalik ng China at
“Yaya, yung mga balloons, ihilera na po sa garden. Manong Ruben, yung mga lightings at fireworks naihanda na ba?” aligagang-aligaga si Keirah sa pag-hahanda ng surpresa para sa Daddy niya. Kailangan na nilang umuwi, tatlong oras na lang ang natitira at pauwi na ang Daddy niya. Pinagmasdan niya ang kabuuan ng garden. Kumpleto naman na. Maagang dumating ang cater na inupahan niya. Kaya naman maagang nai-handa ang lahat ng pagkain. Walang kaalam-alam ang Daddy niya. Surprise nga eh ‘di ba. Sana magustuhan ito ng Daddy niya. Nag-effort kaya siya. Hindi yan lahat cater. Mayroon din siyang sariling dish. Tulad na lang ng paborito rin nitong Buttered Sugpo at Special Coffee Jelly for desserts. Hays, napaka-simple lang ng gusto ng kanyang ama. Tiningnan niya ang oras sa suot na relong pam-bisig. Quarter to seven na ng gabi. Malamang ay pauwi na ito. At hindi nga siya nagkamali. Narinig niya na ang busina ng kotse ng kanyang ama mula sa garahe. Nae-excite na pinatahi
“Anak, saan ba tayo pupunta? Ang ganda-ganda naman kasi nitong dress na binigay mo sa’kin.” Habang nagmamaneho, panaka-nakang sumusulyap si Davidson sa backseat mula sa front view mirror para tingnan ang ina. Napaka-bata nito sa suot na tunic dress na kulay old rose. Kaya siguro nagustuhan din ito ng Daddy niya ay may angkin din na ganda ang nanay niya. “Birthday party lang, Mom,” si Alexander na ang sumagot sa tanong ng nanay nila. “Mukhang hindi basta-basta ang magbi-birthday ha,” ani Mommy nila habang tumatawa-tawa. Napapailing na lang na napapangiti si Davidson. Hindi naman kasi pwedeng hindi sila dadalo sa 60th birthday ng ninong Salvador niya. Maya-maya pa ay, narating na nila ang gate ng bahay ng mga Benavidez. Agad naman silang pumasok nang mag-auto open ang gate. Habang papasok ng gate ay may kung ano siyang kabang nararamdaman. Parang gusto niyang huwag ng tumuloy. “Dave? Aren’t you getting out?” Namalayan ni Davidson na siya na lang pala ang
Ang akala ni Davidson ay nakaisa na siya ng halik kay Keirah. Ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata. “How dare you! What do you think you’re doing? Wala kang karapatan para halikan ako!” mahina ngunit madidiin ang mga salitang binitawan ni Keirah kay Davidson. Nanginginig ang dalaga sa inis. Hindi na siya ang Keirah dati na marupok at go with the flow. Aba! Nagkakamali ito sa inaakala niya! “I won’t regret it.” Mas lalong nag-tagis ang panga ni Keirah dahil sa halip na mag-sorry si Davidson ay pilyo pa itong ngumiti sa kanya. ‘Argh! Antipatiko!’ parang gusto niya na itong murahin. “Bakit ka ba nagagalit? We used to do that anyway,” nakangiti pa rin ang lalakeng nakatitig sa kanya. “Used. Dati yun. Pero ngayon wala ka ng karapatan!” Alam ni Keirah na namumula na ang mga pisngi niya sa pinaghalong pagka-inis at pagka-hiya. “Why? Do you have a boyfriend? May magagalit ba?” nang-aasar pang tanong ni Davidson. He crossed his arms
Mula ng mangyari ang insidenteng halikan sa mansyon ng mga Benavidez isang linggo ang nakalilipas, ay palagi ng tulala sa trabaho si Keirah. Hindi siya makapag-focus. Lumilipad ang kanyang isipan at alam niya na ang dahilan. Hanggang ngayon ay nalalasap pa rin niya ang matamis na halik ni Davidson. Naiinis na nga siya sa sarili at hindi talaga yun mawala sa isip niya. "Keirah, are you okay? Lately, you're not in your head," napitlag si Keirah sa pangangalumbaba ng sitahin siya ni Mrs. Liu. They were in the middle of meeting but she's absent minded. "I'm sorry, may iniisip lang ako," aniya at binalik ang atensyon sa plates na nakalatag sa mesa. "Please focus, Ms. Benavidez. We have to get it right," ani Stacy, kasama din ito sa meeting. Natural, ito ang Engineer. Nahilot na lamang ni Keirah ang sentido. 'Walanghiyang lalakeng yun!' namumura niya tuloy sa isipan si Davidson. Rumerehistro kasi sa utak niya ang nakakalokong ngiti nito. "So, is this your final decision