“Ready?”“Saan ba kasi tayo pupunta, Alexandros?” Nagtatakang tanong nya dito.Hindi man lang nya natapos ang duty nya sa restaurant ng bigla na lang ito lumapit at sinabing aalis na sala, kasunod nito si Selena na tumango sa sinabi ng kapatid nito. Nauna pa pala ito magpaalam kay Selena kesa magsabi sa kanya. Oo at sinabi nitong may pupuntahan sila kanina pero hindi nya akalain na aalis nga sila.“W-wait.. Is that helicopter!?” Namamanghang tanong nya dito at nauna ng bumaba ng golf cart kung saan ito ang nagmaneho. Narinig naman nya na bahagya tumawa ito.“So.. Sasama ka ba?” nakangiting sabi nito ng pumunta ito sa harapan nya.Napatingin naman sya sa mukha nito. “Seryoso ka ba?”Tumango-tango ito.“A-anong.. Bakit kasi may helicopter? Saan ba kasi tayo pupunta?”“Basta.” Maikling sagot nito at inilahad ang kamay sa harap nya.Tinanggap naman nya ‘yon at naglakad na sila papalapit sa helicopter, napansin nya na may tatak ‘yon na Ruffalo Empire at MMC. So sa kanila din ‘tong helicopt
Bubuksan na sana nya ang pintuan ng kotseng kinasasakyan nya ng bumukas ‘yon, nakita nyang nasa labas si Joe at ito ang nagbukas. Nahihiyang nagpasalamat sya dito, hindi sya sanay na may gumagawa ng mga ganon bagay sa kanya. Kanina nga paglabas nya ng building ng Ruffalo Empire ay nagulat sya ng may biglang pumarada sa harap nya na itim na sedan, hindi sana nya ‘yon papansin pero ng binuksan ni Joe ang pintuan ay wala na syang nagawa kundi ang sumakay.Okay lang naman sa kanya na magcommute pero ayon kila Joe, bilin ni Alexandros na ihahatid sya ng mga ito sa bahay nila at wag hahayaan na mag-isa. Hindi nya alam kung matutuwa ba sya sa nangyayari o maiinis. Gusto nya ang pakiramdam na ganito, na para bang importante syang tao, pero hindi naman sya sanay sa ganito. Mas gusto nya ang simple lang.Napabuntong hininga na lamang sya at lumabas na, safe naman dito sa lugar kung saan sya lumaki, nasa isang subdivision sila nakatira, hindi man yung pang mayaman na subdivision pero makakasigu
“Ate Elaine, kasama ko boss mo.”Bigla naman syang nasamid sa kinakain ng paglingon ay nakita nya si Alexandros sa likod ni Raven, nakangiti pa ito sa kanya!“Arccck.” Tinampal tampal pa nya ang dibdib.“Are you okay, Love?” Inabot nito sa kanya ang basong may laman na tubig. Mabilis itong nakalapit sa kanya at hinimas himas pa ang likod nya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala.Samantalang sila Elliot at Joe naman ay biglang tumayo ng tuwid.“Hey.. Talk to me! Are you okay?” ani ni Alexandros.Tumango tango sya dito ng maubos na nya ang tubig. Pinanlakihan nya ito ng mata, napahawak sya sa noo at pasimpleng sumenyas kay Alexandros gamit ang mata. Mukha naman hindi nito naintindihan ang sinasabi nya.“What? Anong ganon-ganon?” Ginaya pa nito ang ginagawa nyang pagsenyas gamit ang mata.Napapikit sya ng mariin. Ito na nga ba ang sinasabi nya eh, paano na sya magpapalusot kung nandito na ito mismo sa harapan nya? Sa harapan ng pamilya nya.“Elaine.”Bigla naman syang lumingon sa kanyang
“Gusto kita para sa anak ko.” “Po?” Gulat na sabi ni Alexandros na nakatingin sa kanyang ina. Pagkatapos kasi nilang kumain ay nagdesisyon sila na tumambay muna sa veranda sa second floor ng bahay nila. Para naman makapag kwentuhan muna sila. Si Raven at Sabrina ay nasa kabilang dulo nakaupo, nagpapaturo si Sabrina maggitara kay Raven. Habang sya naman ay katabi si Alexandros, nasa tapat naman nila ang kanyang ina na umiinom ng tea. “Sabi ko, gusto kita para kay Elaine ko. Nakikita ko sa mga mata mo kung gaano mo kamahal ang anak ko. Sana lang talaga ay hindi sya masaktan.” May pag-aalalang sabi ng kanyang ina na tumingin din sa kanya. “Ma naman..” Ani nya at ngumuso pa. “Wag po kayong mag-alala Ma’am, hindi ko po sya sasaktan.” Ani ni Alexandros na nakatingin padin ng deretso sa kanyang ina pero hinawakan ang kamay nya. “Tawagin mo na lang ako Mama iho, mukha ka naman mabait na bata. Pero sana nga talaga at hindi masaktan ang Elaine ko. Masyadong mataas ang antas ng pamumuhay
“Hindi ko na ba talaga kayo mapipigilan?” ani ng kanyang ina na may malungkot na tinig habang nakayakap sa kanya. Halos mag alas-nuebe nadin kasi ng gabi, kailangan pa nila bumalik ng MMC dahil may trabaho din sya kinabukasan sa restaurant, habang si Alexandros naman ay may kailangan din asikasuhin dun. Gustuhin man nyang matulog sa kanilang bahay ay hindi aari. Nakakahiya nadin kasi kila Celest at Selena dahil mula ng pumasok sya sa MMC puro absent na lang ata ang ginawa nya. “Pasensya kana Ma, gustuhin ko man ay hindi pwede. Alam mo naman kailangan ko mag trabaho para satin.” Malungkot din nyang sabi habang hinihimas ang likod nito. Bigla naman yumakap sa kanila si Raven at Sabrina. Mas lalo tuloy syang nalungkot. “Mamimiss ka namin Ate Elaine.” Ani ni Raven na nakayakap din sa kanya. “Ako din Ate, pasensya kana at kailangan mo pa magtrabaho sa malayo para lang matustusan mo kami, lalo na ang mga gamot ko.” Naluluhang sabi ni Sabrina. Kumalas naman sya ng yakap sa mga ito at
Naalimpungatan sya ng maramdaman nyang para syang dinuduyan kaya kahit inaantok ay nagmulat sya ng mata. Una nyang nakita ang seryosong mukha ni Alexandros, napalingon sya sa paligid at dun nya napagtanto na buhat-buhat pala sya nito!“Hey sleepy head.” Malambing na sabi ni Alexandros sa kanya kaya napatingin sya dito.“Where are we?” Inaantok na sabi nya dito.“Manila Yacht Port.”“Ohh.. You can put me down, mabigat ako.” Sinubukan nyang bumaba sa bisig nito pero hinigpitan lang nito ang hawak sa kanya.“Just go back to sleep,” hinalikan sya nito sa noo. “I’ll carry you na lang, hindi ka naman mabigat. Tsaka malapit na lang naman tayo sa Yacht.”Naghikab sya at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Inaantok pa talaga sya. Ngayon nya lang naramdaman ang pagod sa maghapon pagttrabaho at byahe papunta manila. Ambango talaga ni Alexandros, nakakaadik ang amoy! Ang sarap panggigilan.Bahagya naman natawa ang binata kaya kahit papikit pikit ay tumingin sya dito.“What?”“Narinig ko ang sina
Halos isang linggo nyang hindi nakikita si Alexandros sa isla. Kadadating lang nila sa isla ng bigla itong nakatanggap ng tawag mula kay Marcus. Kinailangan nito bumalik sa manila dahil bigla raw nagka problema. Gusto sana sya nitong isama ulit pero tumanggi sya, kailangan nya magtrabaho para masustentohan ang pamilya nya. Nung una ay kinukulit sya nito pero sa huli naman ay napapayag din naman nya.Araw-araw ito tumawag sa kanya at nagttext para kamustahin sya. Kahit malayo ito sa kanya ay lagi nitong sinisigurado na okay lang sya. Minsan kahit busy sya sa restaurant bigla na lamang lalapit sa kanya si Selena para ayain kumain sa opisina, ibilin pala sya rito ni Alexandros. Dahil ‘don ay lalo silang naging malapit ni Selena. Lagi din silang tatlo magkakasama nila Olivia. Hindi padin kasi nya nakikita si Celest. Tinanong naman nya si Selena kung asan ito pero hindi din nito alam.“Sino nagluto nitong lunch natin?” tanong ni Olivia habang ngumunguya. Mukhang sarap na sarap ito sa kinak
Lumingon sya para tingnan kung sino ang nagsalita. Dahil tumatama sa mukha nya ang liwanag ng araw ay hindi nya ito maaninag.“Sino ka?”Nakita nyang humakbang ito papalapit sa kanya, nang makalapit ito ay tumingala sya. Kunot noong tinitigan nya ang nakangiting mukha nito. Iniisip nya kung saan nya ito nakita.Mas lalo naman lumapad ang ngiti nito. Gwapo ito katulad ng ibang member ng MMC pero mas gwapo padin si Alexandros nya. Ngayon nya lang ito nakita dito sa isla, siguro ay isa sa mga guest.“You still don’t remember me, Elaine?” Sabi nito na bakas sa boses ang pagka amuse.Mas lalo naman kumunot ang noo nya. Maski ang boses nito ay familiar sa kanya…Nanlaki ang mga mata nya at biglang napatayo mula sa pagkakasalampak nya at tinuro ito gamit ang hintuturo nya.“Ikaw! Yung lalaki sa airport na sinundo ko! Yung pamangkin ng dati kong manager na si Ms Jovie! Halaaaa! Anong ginagawa mo dito!?” Excited nyang sabi dito. Halos hapuin sya sa sinabi nya dahil medyo napalakas ang boses n