Share

Chapter 50

Magkahawak-kamay silang naglalakad sa may dalampasigan, medyo makulimlim ang kalangitan at malalakas ang hampas ng alon. Mukhang uulan din mamaya. Ang kabayo nitong si Spike ang pinasuyo nito sa isang staff ng isla para maibalik sa kwadra ng mga kabayo.

“Galit ka pa?” hindi nya mapigilang itanong sa binata.

Kanina pa kasi ito tahimik simula nung tinanong nya ito kung okay lang naman lahat sa manila. Sumagot lang ito sa kanya, pagkatapos nun ay seryoso na ito. Para bang malalim ang iniisip nito.

“Huy Alexandros!” tawag nya ng pansin dito at huminto sa paglalakad.

“Ha? may sinasabi ka Elaine?” tanong nito sabay tingin sa kanya. Mukhang nakuha na nya ang atensyon nito.

“Sabi ko kung galit ka pa ba?” pag-uulit nya sa tanong kanina.

Umiling ito. “Hindi na.”

“Hmm.. Okay. Okay.” Tumango-tango pa sya.

Gusto sana nya itanong dito kung ano iniisip nito pero wag na lang. Baka makulitan pa sa kanya ito, tsaka hahayaan nya na ang binata ang magkwento sa kanya kung talagang may problema ito.

“Ayos
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status