Third-person's Point of View Dumaan ang dalawang araw at naging abala nang husto si Elyana sa pagsasaayos ng mga kakailanganing papremyo sa kanilang first-ever Christmas party na tinawag pa ni Daldalita na “Pabulous Night.” Required na magsuot sila ng magara dahil na rin sa hiling nila. Minsan lang daw kasi mangyari kaya lubos-lubusin na anila kaya sinang-ayunan na ni Elyana. Kung saan daw sila masaya, go lang daw siya. Nakapamili na siya ng mga regalo na palihim pa niyang ginawa lalo na ang para sa mga kasambahay na kailangan niya pang maghanap at mag-contact ng iba’t-ibang mga tao para sa courier at ang set ng date kung kailan ipadadala. Bumili na rin siya ng para sa kaniyang matalik na kaibigan na isang fashionable na bag mula sa isang mamahaling brand na tiyak siyang magugustuhan nito. Mayroon din ang buong pamilya ng Martincu at maging si Florentin ay mayroon na rin. Ang sa mga magulang niya ay hindi naman maaring ibalot pero ang susi maari dahil isang yate ang regalo niya s
"Fancy meeting you here, Mr.Generoso," bati ni Diane na binatang kaniyang nilapitan.Halos hindi siya makilala ng binata dahil sa labi nitong namumutok sa kapulahan at tila ba kinagat ng isang malaking langgam. Animo’y suction ang nguso nito na hindi naman ganoon nang huli niya itong makita na kasama si Finn. Hindi pa iyon katagalan.Naalala niyang ipinakilala pa sa kaniya na isa raw kaibigan kahit parang linta kung makakapit ang babae at nang araw na iyon ay isa ring grandiyosong event at kasama pa ni Finn ang kaniya pang asawa noong si Elyana.Pinsadahan niya ito ng tingin. Sa itsura ng babae, hindi niya maiwasan na mag-isip ng katut’wang bagay, “Kapag dinikit ko kaya siya sa salamin, didikit kaya ang nguso niya?” tanong niya sa isip at kulang na lamang ay sundan ng malutong na halakhak. Naiinis siya sa kaharap, alam niyang mapang-asar siyang tao pero nang mga oras na iyon ay pinipigilan niya ang kaniyang bibig na magsalita ng anuman na maaaring ikagagalit ni Diane. Gusto niya lang
Maingay sa loob ng bakuran ng mga Begum dahil sa lakas ng tugtogin na nanggagaling mula sa mga naglalakihang mga speaker na ipinalabas ng ama ni Elyana mula sa Entertainment room nila. May malaking flat screen TV at pares na mikropono na halos pag-agawan ng mga kasambahay para maka-score sa sinet-up na videoke. Lahat kasi ng maka-pe-perfect score ay may isang libong piso na makukuha mula sa kanilang mga amo kaya ganadong-ganado ang mga ito at todo birit ng mga paborito nilang mga kanta. Isang catering service ang naghanda ng pagkain para sa kanila kaya hindi gaanong napagod sa maghapon ang mga kasambahay at matataas pa ang mga energy kahit palalim na ang gabi. Matataas ang mga energy dahil isang oras na lamang at papatak na ang alas dose at magbibigayan na ng regalo. Walang gustong matulog. Lahat sila ay naroon at nakiki-party. Maging ang dalawang guwardiya ay naroon kaya walang bantay sa gate nang may dumating at bumusina. Halos limang minuto na siyang naroon bago niya naisip t
Nang parehong oras ng pagbibigayan ng regalo sa Pilipinas, isang namumutok sa galit naman na si Finn ang sakay ng isang private plane pabalik sa England. Tinapos niya ang event dahil wala naman siyang ibang pagpipilian dahil sa sama ng panahon. Bumalik agad siya sa England upang hanapin si Diane na hindi niya pa rin matawagan ang numero kahit ilang ulit niyang sinubukan.Una niyang pinuntahan ang tahanan ng magulang nito ngunit wala raw ito roon ayon mismo sa tagasilbi ng ama nitong doktor. Sunod niyang tinungo ang kaniyang condo unit at nadatnan niya ang roon at saktong paglabas pa lamang ito ng pinto.“F-Finn…” sambit ni Diane nang kaniya itong natanaw. Kinabahan siya agad nang makita ang tila galit na ekspresyon sa kaniyang mukha malayo pa lamang. Sa kaba ay nahulog ang susi ng kaniyang sasakyan. Yumuko siya upang kunin at sa kaniyang pagtindig ay malapit na si Finn sa kaniya. Alam na niya ang dahilan ng papunta ni Finn roon ngunit nagpanggap siyang walang alam sa bagay na ‘yon.N
Felicity’s Point of View When I heard na may mga darating na mga bisita, nagplano agad akong umalis. I knew Elyana and her parents would be coming at sa maniwala kayo at sa hindi, I felt so ashamed to face her lately. Nagsimula noong I entered the clinic nang samahan ko siyang magpa-check up tapos I remembered some incidents na accident naman na maituturing pero—ewan ko ba! Basta… kinikilabutan ako kapag naiisip ko ang mga nangyari nang nagdaan. There were thoughts inside my head that made me feel so uncomfortable. It made me doubt myself. Omg na lang talaga! Ginugulo niya ang utak ko. Kaya ayaw ko siyang makita. Wala akong maisip na pwedeng puntahan. Sumagi sa isip ko na magtrabaho na lang pero kakailanganin ko ang sekretarya ko kapag sa opisina ako nagpunta. Ayaw ko namang papasukin siya lalo na’t paskong-pasko mga bhe at baka pumasok ang babaeng iyon na nakabusangot at hingan pa ako ng additional na regalo sa paninira ko ng araw niya. ‘Think Felicity, think!’ bulong ko sa saril
Felicity's Point of View"Hindi kami nag-away. I don't have a problem with her. It's just that—I'm starting to doubt myself lately," usal ko bilang simula. Kinakabahan ako sa totoo lang. I even looked away. Afraid to get judged by everyone around me. Pakiramdam ko hindi ako ang ako lately. There's doubt, questions, hows and whys. Basta magulo mga te."Teka, naguguluhan ako—" Napabaling tuloy ako sa Florentin. Kunot ang noo niya at mukhang nag-iisip matapos marinig ang sagot ko.Akala niya yata siya lang naguguluhan. Kasasabi ko nga lang hindi ba? Ako nga litong-lito na sa sarili ko, siya pa kaya?"Ako man, Florentin...ako man," sarkastikong saad ko sabay ikot ng mata dahilan para mapakamot siya ng ulo. "Okay... let's try to analyze it," wika niya pagkaraan ng ilang saglit. Napaayos pa ng upo at mataman akong tinitigan. "Ano bang nangyari at kailan nagsimula?" dugtong niyang tanong nang komportable na sa pagkakaupo't sandal ng kaniyang likod.Parang ibang tao bigla ang kaharap ko. Se
Elyana's Point of ViewChristmas na christmas pero ang gloomy ng pakiramdam ko. I was expecting to see Felicity pero bigla naman siyang umalis. I tried to blend at pumantay sa mga energy nila, but I couldn't dahil pinag-uusapan nila'y buhay may-asawa at paano magpapalaki ng mga anak nang tama.Super out of place ang pakiramdam ko dahil sa mga paksa nila. Ako lang yata at si tita Eugene na single sa amin na naroon, although siya ay biyuda, ako naman diborsyada kaya parang it's a tie lang.Nakinig na lang ako at pangiti-ngiti. Baka may mapulot akong magandang mga tip that I could use sa future. Natutuwa ako sa mga batang naroon. Dalawa ang babies, anak ni Felix kay Pretzel at anak ni ate Lea na bunso. Mula hapag-kainan at sa garden kung saan nagyaya si tita na tumambay para mapag-usapan ang nalalapit na kasal nina Felix at Pretzel. May kaunti raw mga details na idadagdag at aalisin. Gusto nilang mga malalapit lang sa pamilya ang naroon at iyong mga nakatira sa isla kung saan gaganapin a
Third-person's Point of View"Saan ka na naman pupunta?" Nagitla si Felicity sa biglang pagsulpot ni Felix mula sa kung saan. Nahinto siya sa paglalakad at hinarap ang kakambal na buhat ang kaniyang pamangkin na mana sa ina niyang bungisngisin. Kalalabas lang ni Felix sa comfort room na malapit sa dining area nila. Pinalitan niya lang doon ng diaper ang magdadalawang buwan pa lamang na anak."A-Akyat lang ako... sa kwarto. I-I need to send a...a file to a client kasi...urgent," utal-utal nitong sagot dahilan para mapangisi si Felix.Kilalang-kilala niya kasi ang kakambal at ramdam niya kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi at sa pagkakataong 'yon, bakas ang kasinungalingan sa kaniyang mukha."Sinungaling. Tatakas ka na naman ano?" ani Felix sa kaniya at pinanlakihan ito ng mga mata. "T-Tatakas? B-Bakit ako tatakas? Patawa ka talaga kuya. Haha!" palusot niya at sinundan pa ng pagtawa ngunit kay Felix, wala siyang takas."Halata, Felipe. H'wag ako ang lokohin mo. Mag-alaga ka ng