Share

Chapter 6

MATAPOS ang hapunan. Nauna na si Katrina sa kuwarto nila ni Enrico. Hinayaan na muna niyang mag-usap ang maglola. Hindi rin naman siya maka-relate sa usapang negosyo ng dalawa. Mukhang masinsinang usapan kasi.

Kahit halos isang buwan na siyang nakatira sa mansiyon ay hindi pa niya nalibot ang kabuuan niyon. Sa kuwarto pa lang ni Enrico ay lulang-lula na siya. Daig pa ang isang buong bahay na kompleto ang amenities. Maluwang pa kaysa sa kabuuan ng apartment niya ang banyo. Bathtub pa lang ay parang mini swimming pool na ang laki. Napaligiran ng mga salamin. Kitang-kita ang kabuuan ng repleksiyon niya.

Pero hindi muna niya ini-imagine na makakasama niya si Enrico sa pagbabad sa tub. Kahit asawa na niya sa papel si Enrico ay kailangan pa rin niyang kilalanin nang husto ang estrangherong asawa.

"Grabe namang kuwarto ito. Kawawa ang tagalinis dito. Mabuti na lang hindi balahurang tao ang nakatira rito," wika niyang mag-isa habang iginagala ang kabuuan ng banyo.

Katatapos lang niyang mag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status