Share

2

Amira's Point Of View

NAGISING AKO sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Nadismaya ako dahil buong akala ko ay panaginip lang lahat. Buong akala ko, pagka-gising ko ay babalik na sa dati ang mga bagay bagay pero hindi pala.

Tinignan ko ang aking palapulsuan dahil kanina pa masakit ang mga ito. Pulang pula, may mga tuyong dugo, at mayroong mga sugat. Hindi ko mapigilang huwag maawa sa aking sarili dahil sa dinaranas ko ngayon. Sobrang nahihirapan na ako. Parang kahit anong oras ay susuko na ako dahil sa bigat ng pakiramdam ko.

Natigil ako sa pagsipat ng sugat ko nang bigla kong maramdaman ang pagkulo ng tyan ko dahil sa gutom.

Ikalawang araw ko na rito pero hindi pa ako nakakakain. Alam kong ako rin lang ang may kasalanan dahil hindi ko tinatanggap ang pagkaing ibinibigay niya sa 'kin.

Nang marinig ko na tumunog at nakita kong gumalaw ang doorknob ay agad akong umatras at itinaklob ang buo kong katawan gamit ang kumot.

Hindi nga ako nagkakamali. Ang lalaking halimaw ang iniluwa ng pinto na may dala-dalang plato na naglalaman ng bacon, egg, hotdog at fried rice.

Mas lalo kong naramdaman ang pagkulo ng aking tyan nang makita't maamoy ko ang niluto niya.

"Eat," aniya pagkatapos niyang ilapag ang plato sa matigas kong higaan.

I wet my lowerlip using ny tongue because I'm tempted to eat the foods in front of me. Dahan-dahan kong kinuha ang kutsara't tinidor pagkatapos ay sinubo ang kanin at ulam. Hinayaan ko lang siyang panoorin ako sa pagkain ko without minding his thoughts towards me.

Nang matapos kong kainin ang pagkain ay agad kong ininom ang tubig at inubos 'yon. "S-salamat," turan ko pagkatapos kong ayusin ang plato't kubyertos.

"I only have one rule; never disobey me." Seryosong sabi niya pagkatapos ay yumuko at bahagyang ginulo ang aking buhok bago kinuha ang pinagkainan ko.

Nang maisara niya ang pintuan ay agad akong tumayo at sumilip sa bintana. Ganu'n na lang ang gulat ko nang makita kong puro puno ang nasa paligid.

Anong klaseng lugar 'to?

Sumilip ako sa kabilang bintana at ganu'n pa rin ang nakita ko. Puro puno, damo, halaman at mga paru-paro ang nasa paligid.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanginig ang buo kong katawan. Muli kong naisip ang pag-sigaw ko noong nakaraang gabi. Maaaring wala talagang nakarinig sa 'kin no'ng gabing 'yon dahil nasa liblib na lugar kami.

Inihilamos ko ang aking dalawang kamay sa aking mukha pagkatapos ay sumigaw dahil sa inis habang marahang sinasabunutan ang aking sarili.

Kasabay ng mga 'yon ang pagbagsak ng mga luha ko dahil sa frustration na nararamdaman ko. Dali dali akong pumunta sa pintuan at kinalabog ito. Agad naman iyong binuksan ng estrangherong halimaw na lalaki dahilan para sampalin ko ito nang malakas.

"Pakawalan mo ko rito, hay*p ka!" I shouted in anger.

"How dare you!" Aniya at hinawakan ako sa aking buhok pagkatapos ay kinaladkad ako sa loob ng kwarto.

Sobrang sakit ng ulo ko. Kasalukuyan niya akong hawak-hawak sa aking buhok habang hinihila ako papasok sa kwarto. Umiiyak akong humawak sa kaniyang kamay upang kahit papaano ay mapunta sa kaniya ang aking bigat at hindi maging masakit ang pagkakahila niya sa buhok ko.

Nang bitawan niya ang buhok ko ay sunod niyang ginawa ang pagsuntok sa aking tyan bagay na siyang ikinapilipit ko dahil sa sobrang sakit.

"I already told you. You obey me and you will not be hurt," turan niya pagkatapos ay hinawakan ako sa aking panga.

"Do you understand?" He uttered. I remained silent and didn't bother to say any word. 

"Do you understand?!" May diin sa bawat salita n aniya habang mahigpit ang pagkkahawak niya sa aking panga.

Dahan-dahan akong tumango at nagsalita, "N-naiintindihan ko," halos mautal na wika ko dahil sa sobrang pag-iyak.

Agad niya akong binitawan at tinulak sa matigas kong higaan. Ang hapdi ng buo kong ulo at nanghihina kong itinakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig. Nang maka-labas siya sa kwarto ay puro iyak lang ang ginawa ko hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ko.

Gulat akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan na siyang naging dahilan ng pagyakap ko sa aking katawan dahil sa takot kong masuntok niya na naman ako sa aking tyan.

"Clean yourself and get dressed up," aniya at ibinigay sa akin ang damit na susuotin ko dahilan para dali dali ko itong kuhanin.

Agad naman siyang lumabas ng kwarto ana nagbigay sa akin ng pagkakataon upang pumasok sa CR dito sa kwartong pinagkukulungan sa akin at naligo't nagbihis.

Nang matapos akong gawin ang nga kailangan kong gawin ay humiga ako sa matigas kong higaan at umiiyak na niyakap ang unan.

Gusto ko lang naman ngp komportableng buhay. Pero bakit ganito ang pinaparanas sa akin ng mundo? Bakit puro sakit at paghihirap ang nararamdaman at nararanasan ko?

I came back to my senses when the man who kidnapped me entered my room and guided me outside my room. Umiiyak kong iginala ang aking mga mata at humihikbing sumunod kung saan man niya ako nais ipunta.

Nagulat na lang ako nang iharap niya ako sa isang kwarto na hindi ko alam kung ano ang laman. Nanginginig ako sa takot at ganu'n na lang ang lakas ng tibok ng puso ko dahilan para humugot ako ng isangp malalim na hininga.

"A-anong gagawin mo sa 'kin?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko.

He looked at me using his poker face before he speaks, "Your new room. Feel at home," aniya at lumabas ba sa kwarto. 

Agad naman akong pumasok at ngumuti ng mapakla. Hindi ko alam kung bakit niya sa 'kin 'to ginagawa gayong hindi ko naman kasalanan kung bakit namatay ang kapatid niya. Wala akong alam! Isang malaking pagkakamali ang pagkulong niya sa 'kin dito dahil ako ang nagdurusa sa pagkakamaling ginawa ng iba.

Ilang beses ko sinubukang tumakas pero kahit anong layo na ang marating ko ay nahahanap niya pa rin ako. Tila kabisado niya na ang pasikot-sikot sa gubat na 'to at wala akongp ibang magawa kun'di ang malayang i-suko ang sarili ko sa kaniya dahil kahit anong pagtakas ang gawin ko ay hindi ako nagwawagi.

"I'm a mess." Wika ko at tumawa nang mapakla nang makita ko ang aking buong katawan sa isang malaking salamin.

Marahil ito na ang kapalaran ko. Ang magdusa at mamuhay na puno ng sugat at pasa sa lahat ng katawan ko.

to be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status