Share

9

Amira's Point Of View

NAGISING AKO nang ala una y medya ng umaga dahil sa lamig. Sobrang lamig na tila ba nakahiga ako sa yelo.

Agad akong nagtaklob ng kumot subalit nanginginig pa rin ako sa lamig kahit na nakabalot na ang buo kong katawan sa kumot.

"Mama? Ayos ka lang po?"

Hindi ko napansin na nagising ko pala si Nala. Agad ko siyang tinignan at ngumiti ng pagkalawak lawak upang hindi niya mahalata ang panginginig ko dahil sa lamig subalit hindi ako nagwagi.

Hinawakan niya ang aking noo at agad na inalis ang kanyang kamay. "Mama, napaka-init mo!" Kinakabahang aniya.

Agad akong nagsalita at pinakitang ayos lang ako dahilan para matigil ang kaba na kanyang nararamdaman.

"Baby, ayos lang si Mama, okay? Ayos lang ako dahil lagnat lang 'to. Mamaya tatawagan natin si Teacher Eryl para hindi ka mahawa sa 'kin." Kalmadong turan ko.

Ilang oras ang lumipas bago dumating si Eryl. May klase pa siya kaya anong oras na siya nakarating. Naaawa na nga ako kay Nala dahil hindi pa siya kumaka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status