Share

6

Amira's Point Of View

"Mama!" Sigaw ni Nala nang makarating ako sa bahay ni Eryl. 

Kasalukuyang naglalaro si Nala sa bakod ni Eryl habang si Eryl naman ay abala sa pag-iihaw ng ulam. Nakangiti ko namang sinalubong ang mahigpit na yakap ni Nala. 

"I missed you, Mama," malambing na aniya. 

Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi ni Nala. Malambing si Nala at talagang napaka-bait na bata. Siya 'yong tipo ng tao na masarap maging kaibigan o kamag-anak dahil hangga't kaya niyang umintindi, magmahal, at magpatawad ay gagawin niya. Kung tutuusin ay nakikita ko ang sarili ko sa kaniya, bagay na ikinakatakot ko. Ikinakatakot dahil maaari rin siyang maabuso at mapagsamantalahan. 

"Ilang oras lang tayong nagkahiwalay, ah?" Nakangiting turan ko pagkatapos ay hinalikan siya sa kaniyang pisngi bago ako naglakad papalapit kay Eryl. 

"Hello, Amira! Kumusta ang trabaho?" Nakangiting ani Eryl habang pinapay-payan ang iniihaw niya upang mas lumakas ang silab. 

Ngumiti naman ako at agad na nag-kwento sa kaniya. Eryl is like my best friend. Sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan niya ako ng kaibigan na katulad niya. 

Natigilan ako sa pagkukwento nang biglang nagsalita si Eryl dahilan para manlaki ang aking mga mata. "Don't tell me nagugustuhan mo na 'yong Kieth na 'yon, ha?" Aniya. 

Agad naman akong nagprotesta sa pamamagitan ng pag-iling at saglit na tinignan si Nala na kasalukuyang naglalaro bago ako nagsalita, "Hindi ah! Isa lang siyang mabuting kaibigan." Nakangiting turan ko nang maibalik ko ang paningin ko sa kaniya. 

"Kaibigan o ka-ibigan?" Panunukso niya. 

Tila may mga kabayong nagtakbuhan sa aking dibdib nang muli niya akong tuksuhin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Lumunok ako ng ilang beses bago ako muling nagsalita, "Kuntento na ako sa anak ko, Eryl. Siya lang sapat na," nakangiting wika ko. 

Sandali pa kaming nag-usap bago ako nakapag-paalam kay Eryl. "Salamat ulit, ha?" I thanked her while holding her hand. 

Eryl gently shook her head then spoke, "No, I should be the one thanking you. For trusting me as I take care of Nala. She brought so much happiness into my life, Amira. Thank you," maluha-luhang ani Eryl. 

Agad ko siyang niyakap at muling nagpasalamat bago kami umalis ni Nala. Saglit lang na pag-aantay ang ginawa namin ni Nala bago kami nakasakay ng tricycle palabas sa village kung saan naka-tira si Eryl. 

Muli akong napa-isip sa sinabi ni Eryl. Nagugustuhan ko na nga ba siya? Hindi. Mali. Dapat unahin ko ang anak ko bago ang sarili ko. Marahil ay huma-hanga ako kay Kieth pero dapat ay prayoridad ko ang anak ko bago ang ibang tao. 

Nang makababa kami sa tricycle ay dali dali akong pumara ang jeep. Huminto naman ito agad dahilan para alalayan ko si Nala na umakyat. 

"Mama, kumusta po ang work mo?" Tanong niya. 

Nakisuyo naman ako sa katabi ko upang ibigay sa driver ang bayad namin. Nang ibigay niya 'yon ay agad akong nagpasalamat sa kaniya dahilan para ngitian niya ako ng tipid. 

Kuhang kuha ni Nala ang mukha ng kanyang ama. Ilang taon na magmula nang mangyari ang bagay na dahilan ng muntik kong pagsuko sa buhay. Para sa 'kin, napatawad ko na siya. Sa katunayan ay nagpapasalamat ako sa kaniya dahil siya ang naging instrumento para magkaroon ako ng Nala sa buhay ko. 

Ngumiti ako kay Nala at nilagay ang buhok niyang nililipad sa likod ng kanyang tainga. "Ayos naman po, baby. Medyo napagod ako sa work kaya maaga tayong matutulog, ha?"  Nakangiting turan ko. 

"Opo!" Aniya. 

Madalas kasi ay nanonood kami ng palabas sa TV t'wing uuwi kami sa bahay. Ayon na ang tinuturing namin na bonding namin dahil hindi naman kami makapunta ng mall kasi wala kaming pera. Mahirap naman na pumunta sa mall na nakatunganga lang lalo na't kasama ko ang anak ko. Gusto ko kasi makain, ma-experience at malaman niya ang mga bagay o 'di kaya'y mga pagkain na hindi ko pa nasusubukan noon. 

Gano'n naman madalas na hiling naming mga magulang para sa aming anak. Ang masubukan ng mga anak namin ang mga bagay na hindi pa namin nasusubukan noon. 

Natigil ako sa pag-iisip ng maraming bagay nang makarating na kami sa tapat ng aming bahay. Agad akong pumara sa driver at muling inalalayan si Nala sa pagbaba. 

Nauna si Nala na pumunta sa bahay namin kaya agad niya namang binuksan ang gate. Nang makapasok kami ay bumungad sa amin si Bujiji, ang pusa na inaalagaan ni Nala na kung saan ay napulot namin sa basurahan. 

"Hello,Bujiji! Na-miss mo ba si Ate Nala?" Ani Nala sa pusa pagkatapos ay umupo at nakipag-laro kay Bujiji. 

Ayaw sanang iwan ni Nala mag-isa si Bujiji pero hindi naman 'yon maaari dahil walang magbabantay sa kaniya. Minsan pa ngang umiyak si Nala at talagang nagtampo ng sobra dahil ayaw niyang iwanan ang alaga niyang pusa. 

"Kumain ka na ba, anak?" Tanong ko kay Nala. 

"Opo, Mama!" Sagot niya pabalik. 

"Hindi na ako magluluto ha?" Wika ko. 

Hindi na sumagot pa si Nala dahil abala siya sa pakikipag-laro kay Bujiji. Marahil ay wala kasi siyang kapatid kaya gano'n na lang ang pagmamahal na mayroon siya kay Bujiji. Noong una ay ayaw ko pang kunin niya si Bujiji. Pero tila ba nakatadhana na maging parte siya ng pamilya namin nang may sinabi sa akin si Nala na talagang pumasok sa puso't isip ko. 

"Mama, may buhay pa rin siya. Ang pinag-kaiba lang natin sa kaniya ay nakakapagsalita tayo pero siya ay hindi. Kaya please, kunin na natin siya."

Tila ba nabuhusan ako ng malamig na tubig nang sabihin niya sa 'kin ang mga salitang 'yon. 

Saglit lang na oras ang lumipas bago kami nagdesisyon na matulog ni Nala. "Let's pray muna bago mag-sleep, anak." Nakangiting wika ko nang makahiga kami sa kama. 

"Ako po ang magle-lead ng prayer natin, Mama." Turan ni Nala habang naka-tingin sa 'kin at naka-ngiting hinawakan ang mga kamay ko gamit ang maliliit niyang kamay. 

"Lord, thank you po sa mga biyaya na ipinagkakaloob mo po sa amin ni Mama. Gabayan niyo po kami sa mga desisyong aming gagawin. Sana po, Lord, kung nasaan 'man si Papa ngayon ay masaya at ligtas siya. Heto po ang aming dalangin sa pangalan ni Hesus, amen." 

Hindi ko mapigilang huwag lumuha nang malaman ko ang nasa damdamin ni Nala. Mabuti na lang at nakapatay ang ilaw dahilan para hindi niya ako makitang umiiyak. Ang sinabi ko kasi kay Nala ay iniwan kami ng Papa niya. Dahil siguro sa galit kaya ayon ang nasabi ko sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo pero masyado pa siyang bata para malaman ang gano'ng bagay. Sensitibo masyado ang uspin kaya hinayaan ko na lang na gano'n ang malaman niya. 

"Good night, Mama!" Aniya at nauna nang mahiga. 

"G-good night, baby," wika ko bago humiga at nagsimula nang matulog. 

to be continued... 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status