NATULALA si Clyde sa pagkabigla sa pag-alok sa kan'ya ni Callie na magtanan. Ilang segundo niya munang tinitigan ito upang tiyakin kung seryoso ba ito sa mga sinabi.Mula naman sa kinauupuan ni Callie, kitang-kita niya sa mukha ni Clyde ang kaba at dinig niya rin ang malakas na kabog nang dibdib nito. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Hera kahapon ay nabuo ang kaniyang desisyon na lisanin na lamang ang Duncan Mills at iwanan ang mga taong naging parte ng kaniyang buhay roon upang hindi na madamay ang mga ito sa gulo sa pagitan nila ni Althaia.Tinawanan niya na lamang si Clyde upang pahinahunin ang nararamdaman nito."I was just joking," bawi niya sa nauna niyang sinabi.Nakahinga naman nang maluwag si Clyde at natawa na lang din. "You got me there for a second."Ngumiti si Callie at matamang tinitigan si Clyde. "Pero kung totoo iyong sinabi ko... Papayag ka ba?"Tumawa si Clyde at sumandal sa upuan sabay pinagkrus ang mga braso. "Hindi mo gagawin iyon, Callie. Alam ko kung gaano kataas
NANG hindi datnan ni Hera si Callie sa DM University ay tinawagan niya si Mercy upang alamin kung nasaan ito. Nang sabihin sa kaniya ni Mercy na pumasok na raw ito sa paaralan ay may hinuha na siyang pinagtataguan siya nito dahil hindi niya maamoy o maramdaman ang presensya nito sa kahit saang parte ng unibersidad. Kahit ilang beses niya ring tawagan ito ay hindi siya nito sinasagot kaya naman ang sunod niya nang pinuntahan ay si Clyde na kasalukuyang nasa duty nito.Patago niya lamang na sinubaybayan si Clyde subalit sa ilang oras na pagsubaybay niya sa mga kilos nito ay napagtanto niya na wala itong alam sa kinaroroonan ngayon ni Callie.Inabot na siya ng gabi sa kalilibot sa mga lugar na sa tingin niya ay posibleng puntahan ni Callie subalit nabigo pa rin siyang makita ito. Hindi niya na mapigilang mainis kay Callie dahil sa oras na naaaksaya nila na sana ay ginugol na nila sa paghahanda sa pagharap kina Althaia at sa pack nito.Sinubukan niya ulit na tawagan si Callie subalit katul
UMALINGAWNGAW ang pagkabasag ng mga kasangkapan sa loob ng tahanan ng mga Gomez nang walang kahirap-hirap na ibinalibag ni Henry si Hera sa malaking estante. Napatili naman si Mercy habang nakatakip ang mga kamay sa tainga. Sa tabi naman nito ay si Simeon na duguan na ang mukha matapos suntukin ng isa sa mga kasama ni Henry nang ilang beses. Nakaluhod ito at hawak ng dalawang taong-lobo sa magkabilang balikat. Sa isang gilid naman ng salas ay nakabulagta ang isang taong-lobo na wala ng buhay dahil sa binaril ito kanina ni Simeon nang nagtangka itong sugurin si Hera.Pagkabagsak, dumura ng dugo si Hera nang malasahan niya ang sarili niyang dugo nang tumama ang kaniyang mukha sa estante. Tanggal ang isa niyang ngipin sa gilid sa lakas ng impact nang pagtama niya sa estante. Matalim ang mga titig na nilingon niya si Henry. Hindi pa rin maalis-alis ang ngisi nito sa labi habang nakatitig sa kanilang tatlo.Dinampot ni Henry ang basag na picture frame sa sahig. Tumawa siya nang makitang fa
HIGIT na bumilis ang pagtakbo ni Callie nang abot tanaw niya na ang kanilang bahay. Matapos marinig ang sinabi ni Hera tungkol kay Henry ay hindi na siya nag-atubili na bumalik sa kanila. Natitiyak niyang hindi nagsisinungaling ang kaibigan dahil narinig niya ang lahat sa cell phone nang kausap niya ang kaniyang Papa Simeon kanina. Narinig niya ang boses ni Henry.Naroroon ang takot kay Callie. Hindi pa siya handa na muling makaharap ang mga kalahi na nagtangka sa buhay niya noon. Ngunit sa kabila ng nararamdaman, mas nangingibabaw sa kaniya ang takot na mapahamak ang kaniyang mga mahal sa buhay. Kinuha na nila ang lahat sa kaniya, hindi na siya makapapayag na pati ang mga inosenteng sina Mercy at Simeon ay kunin nila sa kaniya.Isang malakas na pagsabog ang nagpatigil sa kaniyang paghakbang. Napasigaw at napaiyak siya nang makitang sumabog ang kanilang bahay at nagsimula nang masunog.Nagsibukasan na rin ang mga ilaw ng mga kalapit na bahay dahil sa nangyaring pagsabog. Marahil ay nag
NAKAHIGA na sa kama si Clyde at nagpapahinga. Pumihit siya patagilid upang tingnan ang digital clock na nakapatong sa kaniyang bedside table. Pasado alas diyes na ng gabi. Sunod na dumako ang kaniyang mga mata sa larawan nila ni Callie na nakapatong din doon sa bedside table. Sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng lungkot habang nakatitig sa nakangiting mukha nito."I miss you, my Callie," bulong niya pagkatapos, niyakap ang katabing unan habang nakatingin pa rin sa larawan.Sinubukan niya ng ipikit ang mga mata, nagbabakasakali na dalawin na siya ng antok subalit hindi iyon nangyari. Dahil sa hindi makatulog, naupo na lang siya at tumingin sa nakabukas na bintana. Alam niya na hindi siya makakatulog hangga't hindi niya nakikita si Callie.Kumurba ang isang pilyong ngisi sa mga labi ni Clyde nang bigla siyang may naisip na ideya. Umalis na siya sa kama at kaagad na dinampot ang susi ng kaniyang kotse. Pupuntahan niya si Callie.Abot tainga ang ngiti niya habang minaman
"MAMAYA na ang libing nila," walang kabuhay-buhay na sabi ni Marcus kay Callie habang nakaupo sa siksik na sulok ng kubo na pansamantala niyang tinuluyan sa gitna ng talahiban noong naglaban sila ni Esteban. Doon niya muna pansamantalang dinala si Callie ngayong wala pa silang nahahanap na lugar na pagtataguan.Sa isa pang sulok, tahimik din na nakaupo si Callie, malayo ang tingin habang yakap-yakap ang mga binti.Limang araw na ang nakararaan matapos ang trahedyang nangyari sa kanila. Limang araw na rin silang nasa ganoong sitwasyon.Nilingon ni Marcus si Callie at napansing namumutla na ito, marahil ay dahil iyon sa ilang araw nitong hindi pagkain. Kahit kasi anong pilit niya rito na kumain ay ni minsan hindi siya nito pinakinggan. Mukhang sineseryoso talaga nito ang sinabi na gusto na lang nitong mamatay.Ganoon din naman ang nararamdaman ni Marcus. Nang mamatay si Hera ay may bahagi sa pagkatao niya na kasama rin nitong namatay. At dahil doon ay hindi niya na rin alam kung paano i
"NARINIG niyo na ang balita? May tagarito raw sa university na nabiktima ng taong-lobo."Napahinto sa pagbabasa si Aimen nang marinig ang pinag-uusapan ng mga kaklase. Pasimple niyang nilingon ang nagsasalita subalit nang mapansin siya nitong nakatingin sa kanila ay sinamaan siya nito nang tingin. Binalik niya na lamang ang tingin sa librong hawak at nagpanggap na nagbabasa pa rin habang nakikinig sa usapan ng mga ito."Baka naman fake news 'yan! Hello? Nasa siyudad kaya tayo. Paano namang makakarating dito ang mga taong-lobo?" narinig ni Aimen na tugon ng kausap do'n sa unang nagsalita. "At saka wala naman akong napapanood o kaya naririnig sa balita." "Totoo ang sinasabi ko! Sundalo ang kuya ko sa WW-Force. He was supposedly on leave yesterday but he was summoned back to his camp because of this issue. Sabi nga raw ay ilang araw na nangyari iyon pero hindi lang inilabas sa media para hindi mag-panic ang mga tao.""Fine, if you insist," tumatawang tugon ng kausap niyong babae, halata
"HENRY nga pala, pare."Ilang segundo munang nakakunot na tinitigan ni Clyde ang nakalahad na kamay ni Henry bago ito kinamayan."Clyde," matamlay niyang tugon saka ibinaling sa ibang direksyon ang tingin. Wala siya sa kondisyon para maghanap ng bagong kaibigan lalo pa't nagluluksa pa rin siya ngayon."I'm new in this town and I'm impressed! Napaka masayahin at welcoming ng mga residente rito. Tama nga sila, maganda ang lugar na 'to.""Well, I hope you enjoy your stay here," tugon niya sabay inom ng beer."Maganda ngunit may itinatagong misteryo," dagdag ni Henry kasabay ng pagngiti niyang may kabuluhan.Napaisip man sa sinabi ni Henry, hindi na lamang iyon tinugunan ni Clyde para hindi na humaba pa ang kanilang pag-uusap."I saw you earlier..." biglang sabi ni Henry dahilan para mapalingon ulit sa kaniya si Clyde, "sa sementeryo."Tumango si Clyde at ipinagpalagay na lang na isa si Henry sa mga nakipaglibing."Kamag-anak ka ba ng mga Gomez?" tanong niya.Nakangiting ikinibit ni Henry