Share

Chapter 25.2

UMALINGAWNGAW ang pagkabasag ng mga kasangkapan sa loob ng tahanan ng mga Gomez nang walang kahirap-hirap na ibinalibag ni Henry si Hera sa malaking estante. Napatili naman si Mercy habang nakatakip ang mga kamay sa tainga. Sa tabi naman nito ay si Simeon na duguan na ang mukha matapos suntukin ng isa sa mga kasama ni Henry nang ilang beses. Nakaluhod ito at hawak ng dalawang taong-lobo sa magkabilang balikat. Sa isang gilid naman ng salas ay nakabulagta ang isang taong-lobo na wala ng buhay dahil sa binaril ito kanina ni Simeon nang nagtangka itong sugurin si Hera.

Pagkabagsak, dumura ng dugo si Hera nang malasahan niya ang sarili niyang dugo nang tumama ang kaniyang mukha sa estante. Tanggal ang isa niyang ngipin sa gilid sa lakas ng impact nang pagtama niya sa estante. Matalim ang mga titig na nilingon niya si Henry. Hindi pa rin maalis-alis ang ngisi nito sa labi habang nakatitig sa kanilang tatlo.

Dinampot ni Henry ang basag na picture frame sa sahig. Tumawa siya nang makitang fa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status