Share

Chapter 27

"MAMAYA na ang libing nila," walang kabuhay-buhay na sabi ni Marcus kay Callie habang nakaupo sa siksik na sulok ng kubo na pansamantala niyang tinuluyan sa gitna ng talahiban noong naglaban sila ni Esteban. Doon niya muna pansamantalang dinala si Callie ngayong wala pa silang nahahanap na lugar na pagtataguan.

Sa isa pang sulok, tahimik din na nakaupo si Callie, malayo ang tingin habang yakap-yakap ang mga binti.

Limang araw na ang nakararaan matapos ang trahedyang nangyari sa kanila. Limang araw na rin silang nasa ganoong sitwasyon.

Nilingon ni Marcus si Callie at napansing namumutla na ito, marahil ay dahil iyon sa ilang araw nitong hindi pagkain. Kahit kasi anong pilit niya rito na kumain ay ni minsan hindi siya nito pinakinggan. Mukhang sineseryoso talaga nito ang sinabi na gusto na lang nitong mamatay.

Ganoon din naman ang nararamdaman ni Marcus. Nang mamatay si Hera ay may bahagi sa pagkatao niya na kasama rin nitong namatay. At dahil doon ay hindi niya na rin alam kung paano i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status