Share

Chapter 31

"MAGIGING katulad ba natin siya?" usisa ni Marcus kay Calista habang tinitingnan ang nakaumbok na nitong tiyan. Sa tuwing tinitingnan niya ang buntis na kaibigan ay hindi pa rin siya makapaniwala na halos magsisiyam na buwan na pala ang lumipas. Pakiramdam niya kasi ay kahapon lang nangyari ang lahat dahil sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang sakit ng pagkawala ng minamahal niyang si Hera.

"She will become a half-breed..." Tiningnan siya ni Calista, nakapatong ang isang palad nito sa tiyan. Nakaupo ito sa tabi ng bintana at sinusulyapan ang bilog na buwan. "Magiging katulad mo siya since you are also not a naturally born werewolf. Hera turned you."

Napakunot-noo si Marcus. "Ganoon ba iyon?"

Nagkibit-balikat si Calista. "Siguro?"

"Wala bang naging kaso noon sa inyo na katulad nang sa iyo?"

"There was. We have these neighbors before. Mag-asawa sila. Iyong babae ay isang normal na tao samantalang taong-lobo naman iyong lalaki..." Bahagyang inayos ni Calista ang pagkakaupo dahil nararamdam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status