Share

Chapter 48

Huminga ako ng malalim, bago ko binuksan ang seradura ng unit ni Drake. Mukhang wala pa siya doon. Pumunta ako sa closet ko, at tiningnan ang mga damit na ibinigay niya sa akin.

Ayon kay Janella, mahilig si Drake sa plain at stripe color, lalo na ang combination ng gray at white. Yung mga examples na ipinakita niya sa akin,ang siyang nasa loob ng aking closet.

(Nagkataon lang kaya?) sabi ko sa aking sarili. Nagcheck ako ng buong closet na iyon, halos wala na akong orihinal na pag aari.

Nagtingin ako sa kanyang lagayan ng gamit, nagbuklat buklat ako doon. Natagpuan ko ang isang phone. Binuksan ko iyon, mukha ni Janella ang wall paper!

Binuksan ko ang photos noon. Mga larawan nilang magkasama, kuha sa mga lugar kung saan ako dinadala ni Drake. Pati ang mga damit namin, magkatulad!

May mga screenshot pa doon, kung paano sila magmahalan. Biglang may kumirot sa aking puso. Nasasaktan ako. Sakit na para akong ginawang panakip butas.

Minabuti ko ng itago iyon, at baka madatnan pa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status