Share

Chapter 53

DRAKE:

"Bakit nakita ko pa siya? sana hindi ko na lang siya nakita!" napasalampak ako sa sofa, at iniunat ang aking mga braso sa sandalan niyon. "Bakit pa siya bumalik!"

"Sir? may kailangan pa ho ba kayo? aalis na po ako?" paalam ni Bruno sa akin. Sa kabilang unit siya namamalagi, dahil ayoko ng may kasama dito sa unit ko, dahil dito natutulog minsan si Jhoanna.

"Sige, wala na, maaari ka na munang umalis, tatawagan na lang kita kapag may kailangan ako," yumuko ako. Narito pa nga pala siya, akala ko, nag iisa ako.

"Sige sir.." sagot niya sa akin, 'tinotoyo na naman.' bulong pa niya.

Paglabas ni Bruno, napabuntunghininga na lang ako. Bigla akong naguluhan.

"Ano ba kasi ang ginagawa ni Justine dito? Hindi na lang siya nanahimik sa malayo.." kinuha ko ang aking phone. Noon ko pa lang napansin ang message ni Jhoanna.

'Babe.. look oh, napaka gwapong bata,' nagpasa pa ito ng picture sa akin, kasama ang isang batang nakangiti.

"Ang gwapo naman niyan," reply ko sa kanya.

'Anak ng CEO ng hospit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status