Share

Chapter 5

"Ito na po ang order niyo mga sir!" si sir Gab talaga ang bida bida pag aasikaso sa mga Sanchez, Iwanan ko kaya siya?

"Ito ba ang waiter natin?" tanong ni Cris kay Drake.

"Manager yan dito, yan ang waitress natin, si Justine," itinuro pa ako ng mokong na ito.

"Babae?" gulat na gulat sila sa sinabi ni Drake sa kanila.

"Oo, mukha namang kargador yang si Justine, saka sanay siya sa trabahong ito, kaya siya ang kinuha ko," mayabang pang sabi ni Drake sa mga pinsan.

"Gabriel?" paniniguro niya si sir Gab.

"Natatandaan mo pa ako?" kilig na kilig ang manager ko, na akala mo, binubulate sa pwet.

"Oo, magkaklase tayo nung elementary," wala man lang kangiti ngiti sa labi ng lalaki.

"Oo, ak---" hindi na naituloy ni sir Gab ang sinasabi ng magsalita si Dixon.

"Ano? kwentuhan na lang to? hindi naman pala ikaw ang waiter namin, doon ka na sa lugar mo!" sita nito kay sir, "Hoy, ikaw, buksan mo na yang mga alak at ng makapag umpisa na kami, tatanga tanga ka riyan!"

"O--opo sir," nataranta ako bigla. Kita ko pa sa sulok ng aking mga mata, ang pagngisi ni Drake.

"Ah, sige, mauuna na ko, Justine, bahala ka na sa kanila," paalam ni sir sa akin, malamang, napahiya siya sa ginawa ni Dixon. Bigla akong naging robot. Ni ayaw ko silang tingnan.

"Bakit mo naman binastos yung tao, Dixon?" tanong ni Cris.

"Hindi ko siya binastos, kung wala siyang business dito, anong gagawin niya dito?" kinuha niya ang binuksan kong alak,"hoy, siguraduhin mong hindi mawawala ang lamig diyan ha."

"Opo sir," sagot ko na lang sa kanya.

"Bakit nga ba babae ang waiter natin?" tanong ni Luis kay Drake.

"Gusto ko lang," sagot niya sa pinsan, "saka, magaling daw yan, eh di susubukan."

Pagod na pagod ako sa mga ito. Walang ginawa kundi mag utos, lalo na ang Drake na ito. Kahit mga walang kwentang bagay, ipinapagawa sakin, gaya ngayon.

"Bakit ko tatanungin? bakit hindi na lang ikaw?" tanggi ko sa kanya. Gusto niyang malaman ang pangalan ng isang babae sa gitna, pero gusto niya, ako pa ang magtatanong.

"Babayaran kita, para sumunod sa inuutos ko, hindi para sagut sagutin ako!" nahintakutan ako sa kanya, medyo lasing na silang magpipinsan, at nag uumpisa ng magalit si Dixon. Panay ang mura nito. Akala ko, matapang na ang Drake na ito, mas kakaiba pala ang iba niyang pinsan! Mga mukhang papatay ng wala sa oras!

"Wag mo ng utusan ang babaeng yan, at baka crush ka niyan kaya ayaw kang sundin," si Cris iyon, na nakikipagtawanan na sa ibang mga kasama.

"Maaari nga," si Marcus naman iyon, na kahit nagbibiro, hindi man lang nito makuhang ngumiti.

"Punyemas!! nasaan na si Devon!" inis na sabi ni Dixon.

Bigla akong nalungkot at na stress. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang mga taong ito hanggang mamaya.

"Ikuha mo nga kaming kape!" utos ni Drake sa akin. Hindi ako agad nakakilos, kaya sinigawan niya ako, "bilisan mo!!"

"O--opo-- si-sige," natataranta na ako sa kanila. Akala ko, mataray ako, at kaya ko ang kahit na sino, ngunit mukhang nabaliktad na ang mundo namin ni Drake, parang hindi ko na siya kayang barahin, lalo pa ngayon na kasama niya ang nga pinsan niyang puro abnormal!

Nagmamadali akong nagtungo sa kusina. Kinompronta na ako ni Trina, "Friend, anong nangyayari sayo? bakit aligaga ka?"

"Yung mga bruho, humihingi ng kape," hindi ko na siya nilingon. Minamadali ko na ang ginagawa ko. Hindi ko na ito nilagyan ng asukal.

"Go, friend, kaya mo yan!!" pangmomotivate sa akin ni Trina, "kapag pumalag pa rin, gahasain mo!"

"Baliw!" hindi ko na siya mahampas dahil may dala akong tray.

Paglapit ko sa mga "Bruho" si Drake na lang ang naroroon. May kausap siya sa phone. Sumimangot pa ang lalaki nung makita ako.

Ibinaba ni Drake ang cellphone, indikasyon na tapos na siya sa pakikipag usap. Humalukipkip siya, habang tinitingnan ako.

"Umalis na ang mga iinom niyan, bakit ang tagal mo?" reklamo niya sa akin, na animo, kasalanan ko na nagsialisan ang mga pinsan niya.

"Kita mo ba kung gaano kasikip ang dinaanan ko, makarating lang dito?" sagot ko sa kanya.

Biglang hinawakan ni Drake ang aking mukha, pinisil niya ang aking mga pisngi, "ikaw, ayusin mo yang pananalita mo sakin ha! kapag ganitong badtrip ako, ayusin mo yang mga isinasagot mo!" saka niya binitawan ang aking pisngi, na bahagya niya pa akong itinulak.

Napatuon ang aking mga kamay, sa malambot na upuan, pinipigilan ko ang aking galit. Saka ko siya tiningnan ng masama, ngunit mas masama ang tingin na ipinukol niya sa akin, para akong napapaso!

"Inumin mo yang mga kape!" utos niya sa akin.

"Babayaran ko na lang yan!" sagot ko naman sa kanya. "Ipapainom mo yan sakin? sa daming yan? ikaw kaya ang umubos niyan!"

"Ano?" hinaklit niya ang aking braso, "anong sinabi mo?" napakalapit ng kanyang mukha sa mukha ko, "eh kung halikan kaya kita?"

"Subuk--" bigla akong nangatog ng ilapat niya sa labi ko, ang amoy alak niyang labi.

Paaaak!!!

Nabiling ang kanyang mukha sa sampal na pinakawalan ko, "bastos kang talaga!"

Dahan dahan niya akong nilingon, bakat ang aking palad sa kanyang pisngi, "no one, dare.. to slap me!" lalo niya pang hinigpitan ang kapit sa braso ko.

Bigla niya akong hinila, pakandong sa kanya. Niyakap ako ng matigas niyang braso, habang ang kanyang isang kamay ay kumabig sa aking ulo. Marahas niya akong hinalikan sa labi.

Kahit anong panlalaban ang gawin ko, hindi ko na siya mapigilan. Nanlambot na lang ako sa pambabastos niya sa akin.

Maya maya pa, naramdaman kong tumigil siya, may kinuha sa bulsa, at ipinasok sa aking cleavage.

"Tip ko sayo, salamat sa halik.. maswerte ka, may pupuntahan pa ako, kung wala, sa kama ka sana nakalatag ngayon," bulong niya sakin.

Pabigla akong tumayo mula sa kanyang kandungan. Ni hindi ko na siya matingnan sa mata. Nakayuko na lang ako.

Nag iwan siya ng bayad sa nay tray ng kape, "yung sukli, tip ko na lang sa iba mong kasama," hinawi niya pa ang aking buhok at isinabit sa tainga ko. Hiyang hiya ako sa kanya, "bye, Justine."

Hindi ko na nakuhang lingunin si Drake hanggang sa makaalis na siya. Naiwan akong tulala pa rin, hawak ang labing pinagsamantalahan ng lalaki.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status