"Sino bang baliw ang naglagay sayo nito?" pinuntahan ko si Kuya Cris na noon ay paalis na sana sa kanyang misyon, "mukhang ang laki ng galit sayo?" "Si Justine," maiksi kong sagot sa kanya. "Justine? you mean, yung waitress?" naguguluhan niyang tanong sa akin, "bakit ka naman niya lalagyan ng bubble gum sa ulo?" idinampi dampi niya sa aking buhok ang yelo, unti unting tumitigas ang bubble gum, at unti unting natatanggal. "Yun nga! tapang na tapang. Wala pang babaeng gumanito sa akin, even Janella!" inis kong sabi sa kanya. "Here!" iniabot niya sa akin ang bubble gum. Naghugas siya ng kamay, bago isinuot ang polo, "inabala mo ako ng dahil sa bubble gum? kahit kailan Drake, isip bata ka talaga!" napapailing niyang sabi sa akin, "subukan mo kayang lumapit kay Marcus minsan? or kay Dixon? wala ka ng ibang inabala kundi kami ni kuya Luis!" "Si Marcus? parang robot yun eh, walang pakiramdam, si Dixon naman, parang laging makikipag away. Si Devon naman, hindi pa rin nagpapakita sa a
JUSTINE:"Oh? bakit para kang natuklaw ng ahas?" tanong sa akin ni sir Gab. "Okay ka lang ba? natawag ang madrasta mo dito kanina, hinahanap ka.""May nangyari kasing hindi maganda sir, muntik na kong makidnap," sumbong ko sa kanya."Ha? nino?" nagulat siya sa sinabi ko, "hindi ka naman mayaman, makikidnap ka?""Yung matandang gustong magpakasal sakin, si Don Ernesto?""Ha? naku..Yung mayaman na yun? mag iingat ka. Ang hirap pa naman isumbong sa pulis yun, kaya nun baliktarin ang batas," sagot ni sir Gab sa akin."Ganoon ba siya kayaman?" sa totoo lang, hindi ko naman kilala yung matandang yun, hindi kasi ako tsismosang tao."Mayaman talaga yun, as in! Buti hindi ka natuluyan, may tumulong ba sayo?""Si Drake.""Drake? as in? DFrake Sanchez, ganun?" paninigurado niya sa akin."Uhuh..""Paano naman kayo nagkita ng lalaking iyon?" tanong sa akin ni sir."Napadaan siya doon, kaya nakakuha ako ng tiyempo na makatakas sa humihila sakin. Kilala siya nung driver, natakot sila noong malaman k
DRAKE: Napansin ko, ang sasakyan na nagtangkang kumidnap kay Justine. Nakaabang sila sa labas. Kawawa naman ang babaeng ito, kung mapupunta kay Ernesto! Kaya minabuti kong pumasok sa bar, at kausapin si Justine. Kaagad ko namang nakita si Gab. "Drake, napasyal ka ulit? nasaan ang mga pinsan mo?" tanong niya sa akin. "Gusto ko lang sanang kausapin si Justine." Nangunot ang kanyang noo sa sinabi ko, "Si Justine? bakit naman?" "Basta, mahalaga lang ang pakay ko. Palabasin mo muna siya saglit." "Oh-eh -eh sige," nagtataka marahil si Gab, dahil hindi naman kami close ni Justine. Hindi malayong pumunta si Ernesto dito, makuha lang ang gusto niya. At ang mga tao dito ay walang magagawa sa matandang iyon. Tinititigan ko ang paa ng lamesa, ng makita ko ang pares ng sapatos na nasa harapan ko, si Justine. "Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin. "Kailangan mong makaalis sa lugar na ito," tumayo ako sa harapan niya. "At bakit naman?" nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin
JUSTINE: "Ernesto? si Don Ernesto ba?" paglilinaw ni Frank, ang tatay ni Drake. "Yes, daddy, siya nga," sagot ng lalaki, kinuha ang isang basong juice saka iniabot sa akin. "Gago talaga yun!" napailing si Frank sa sinabi ng anak. "Honey, your mouth.." malumanay na saway dito ng asawang si Leona. "Sorry honey, nadala lang ako," ibinaba ng matanda ang hawak na tasa, "anong olano mong gawin ngayon dito kay-- ano ngang pangalan mo hija?" "Justine ho," mahina kong sagot. "Pardon?" umupo ng maayos ang daddy ni Drake, nakakunot ang noo at bahagyang inilapit ang ulo. "Ayaw ni daddy ng mahina ang boses," bulong sa akin ni Drake. "Ako ho si Justine," malakas ang aking tinig ng sagutin ko ang katanungan ng matanda. "Justine what? Justine Bieber?" malagong ang boses ng tatay niya, at alam ko na, kung kanino nagmana si Drake. "Felipe ho, Justine Felipe," sagot ko sa matanda. Kinakabahan ako sa kanya, oarang anybtime, palalayasin niya ako. "Eh, bakit dito mo iniuwi ang batan
Maaga akong nagising kinabukasan. Alas singko. Sumilip ako sa pinto, natanaw ko ang magulang ni Drake na nagkakape na sa lamesa. Nagulat pa ako, ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Drake. Bagong ligo na ito. "Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya sa akin. "Wala naman, naulinigan ko lang na parang may nag uusap," pagdadahilan ko sa kanya. Nangunot ang noo niya, "paano mo sila mauulinigan, ang layo ng lanai dito," sagot niya sa akin. "Bakit-- bakit ang aga niyong gumising?" paglilihis ko sa usapan. Baka magalit pa siya sa akin eh. "Military time, bakit? kumakain na kami dito ng alas sais," sagot niya sa akin, "kaya ikaw, maligo ka na at magbihis. Walang bisi bisita dito sa amin." Nagmamadali akong bumalik sa kwarto, saka naligo. Binilisan ko lang at baka mainip sa akin ang mag anak. Pagbaba ko, kumakain na sila. "Oh, hija, bakit ang aga mong bumaba?" magiliw na tanong sa akin ng kanyang mommy. "Ah, hindi na po ako makatulog," kimi kong sagot. "Ipapahatid kita sa driver
DRAKE: Nasa backstage pa ako. Hindi pa naman kami tinatawag sa labas. Naalala ko pa ang sinabi ng daddy sa akin, bago ako umalis sa bahay.. "I know you young man, hindi ka mag aaksaya ng panahon, na tulungan ang isang tao, kung hindi ka interesado sa kanya, tulad ng ginawa mo kay Janella. What's your point of helping that poor girl? Kilala natin si Ernesto, hindi siya papayag na hindi niya makuha ang gusto niya." wika niya sa akin, habang humihigop siya ng kanyang kape, "Now, tell me, anong dahilan?" "Dad," tiim ko siyang tiningnan, "gusto ko lang makatulong.." "She's a nice girl," sabi naman ng mommy ko, "alam kong mabait ang batang yun." "Mabait naman si Arnold," susog pa ni daddy. "Paano niyo naman nalaman na mabait siya? Kakakilala lang namin ni Justine," napakunot ang aking noo. "Sabi ng kuya Cris mo," sagot ng mommy ko. "Kuya Cris? hindi niya naman--" "Ipinacheck na namin siya kay Cris kagabi, Drake. Baka kasi mamaya, madamay pa tayo kay Ernesto tapos hindi nam
"Kahit busy, napagbigyan niya tayo ngayong araw, ang nag iisang heathrob na tinitilian hindi lang ng mga teens, pati mga moms!! Mr. Drake Sanchez!!!!" pakilala ng aming host kay Drake. Lumabas ito at kumaway kaway sa lahat ng naroroon. Hindi ko siya tinitingnan. Ayokong isipin ng iba, na magkakilala kami. "Kumusta kayong lahat?!!" sigaw niya, na halis magpasabog ng aking tenga sa lakas ng tili ng mga tao sa paligid. "It's an honor to be here, pangarap ko talagang maging judge ng mga ganitong palabas, lagi kasi akong host." nagtawanan ang mga audience. "Well, Drake, ano naman ba ang criteria ng mananalo para sayo?" tanong ng host sa lalaki. "Yung beauty, na lahat naman sila ay meron, magkakatalo na lang sa attitude at intelligence," masayang sagot niya. "Ngayon, mag umpisa na tayo, thank you Mr. Drake Sanchez. And now, ito na, ang ating mga nag gagandahang dilag!" Anim kaming lahat, at ako ay pang number 5. Isa isa kaming lumalapit kay Drake. Nung turn ko na, tiningnan niya a
Napangiwi ako, kung saan kami dinala ng date na sinasabi ni Drake! Baguio! Sa laki ng Manila, sa Baguio pa talaga niya ako isinama!"Bakit dito?" tanong ko sa kanya. Malamig sa lugar na ito. Nakikita ko ang kapal ng fog sa dinadaanan namin."Dito lasi, hindi tsismoso ang mga tao. Isa pa, common dito ang nakapanlamig, kaya hindi nila ako makikilala," sagot niya sa akin, "baka isipin pa nila, wala akong standard sa babae, dahil ikaw ang kasama ko."Napaikot na naman niya ang mata ko. Alam na alam ng lalaking ito, kung kailan ako mabubwesit! "Alam mo, ang gwapo mo talaga," may gigil sa aking tinig."Thanks, alam ko naman," nakatuon pa rin ang kanyang mata sa daan.May kasama kaming isang driver, ang kanyang P.A, at isang camera man. Nauna na sa amin ang manager niya para ayusin ang aming pagdating."Bakit kasi may paganito pa. Pwede namang wala na lang," napasandal ako sa upuan, "baka mamaya, kung ano pa ang gawin mo sa akin diyan!""Alam mo, ikaw nga ang pinaka less ang ganda sa mga kas