Share

Chapter 13

Maaga akong nagising kinabukasan. Alas singko. Sumilip ako sa pinto, natanaw ko ang magulang ni Drake na nagkakape na sa lamesa. Nagulat pa ako, ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Drake. Bagong ligo na ito.

"Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya sa akin.

"Wala naman, naulinigan ko lang na parang may nag uusap," pagdadahilan ko sa kanya.

Nangunot ang noo niya, "paano mo sila mauulinigan, ang layo ng lanai dito," sagot niya sa akin.

"Bakit-- bakit ang aga niyong gumising?" paglilihis ko sa usapan. Baka magalit pa siya sa akin eh.

"Military time, bakit? kumakain na kami dito ng alas sais," sagot niya sa akin, "kaya ikaw, maligo ka na at magbihis. Walang bisi bisita dito sa amin."

Nagmamadali akong bumalik sa kwarto, saka naligo. Binilisan ko lang at baka mainip sa akin ang mag anak.

Pagbaba ko, kumakain na sila.

"Oh, hija, bakit ang aga mong bumaba?" magiliw na tanong sa akin ng kanyang mommy.

"Ah, hindi na po ako makatulog," kimi kong sagot.

"Ipapahatid kita sa driver
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status