"Bahay natin ito?" masayang masaya kami ni Bettina, ng makita ang aming bagong bahay. "Oo, tig isa na kayo ng kwarto ni Bettina," sabi ni tita Bernadeth sa amin, "sige na, mamili na kayo ng kwarto niyo, pero ang masters, siyempre, sa amin ng daddt niyo." "Woooh," tumakbo kami paakyat ng mga kwarto. "Ito ang sa akin," sabi ni Bettina na pinili ang kwarto sa sulok. "Sigurado ka na ba diyan?" tanong ko sa kanya, "baka kapag nakapili na ako ng room, saka mo sasabihing ayaw mo diyan." "Ito na ang sakin, promise ate. Mommy, ito ang sakin," itinuro pa niya kina tita ang napili niya. "Nagcheck ka ba ng buong room?" tanong ni tita Bettina sa kanya. "Nope, pero dito na ako talaga," humiga siya sa kama. "Ikaw, anak, nakapili ka na ba?" tanong ni daddy sa akin. "Titingnan ko pa po yung dalawa," sagot ko sa kanya. Una kong tiningnan ang isang kwarto, na mas maliit sa kwartong napili ni Bettina. Maganda din iyon. Kulay powder pink ang pader. Pero mas nagustuhan ko ang cool na hi
"Drake!!!" ang daming fans na kumapit kay Draje upang magpapicture. Naiwan na lang ako sa tabi. Ayokong maissue sa lalaking ito.Tumunog ang aking cellphone, si Tita Bernadeth."Kumusta ka na Justine? nasa Baguio ka?" tanong niya sa akin."Oho, bakit ho?""Wala naman. Maganda nga yang minsan, nakakapagrelax ka. Sino ang kasama mo?""Kaibigan ko lang ho.""Sige, mag enjoy ka lang. Pagbalik mo na lang tayo mag kwentuhan, may trabaho na kasi ako," masaya niyang balita sa akin."Talaga ho?" masaya kong sabi sa kanya, "congrats ho tita!""Naku, dapat nga, matagal ko ng ginawa. Naisip ko kasi, na hindi habang buhay, magkakasama tayo, lalo na, at hindi naman ako ang totoo mong mommy," maramdamin niyang wika sa akin."Tita, kayo ang mommy ko, okay ho ba? kahit kailan, hindi ko kayo itinuring na iba. Mahal ko kayo," sabi ko sa kanya."Saka, nahirapan akong mag move on sa daddy mo, kaya hindi ako agad nakabangon, pero ngayon, tatayo tayo ng magkakasama."Naluha ako sa sinabi niya. Talagang maba
Sinabihan ako ni Drake, na wag magpahalata kay tita Bernadeth na may alam ako sa ginagawa nitong pag ispiya sa akin. Sinamahan ako ni Drake na umuwi sa aming bahay. Ipinakilala ko siya kay tita, wala doon si Bettina. "Kaibigan ko lang ho siya tita, si Drake Sanchez," pakilala ko sa kanya. "Naku, tingnan mo nga naman ay may dumalaw na artista sa bahay natin, Justine. Kumusta ka hijo?" nakipagkamay si tita kay Drake. "Ayos naman ho ako," ngumiti si Drake sa kanya ,"totoo ho pala na maganda talaga kayo." "Naku, at ibinenta ako agad ng batang ito," parang nagblush pa si tita Bernadeth, "maganda naman kaming lahat dito sa bahay." "Tita, sabi niyo, may trabaho na kayo?" tanong ko sa kanya. "Oo, tinanggap ako ni don Ernesto maging manager ng restaurant niya, nagulat nga ako sa alok niya eh." ngumiti si tita Bernadeth, nagkatinginan naman kami ni Drake. "Tita, may restaurant din ho kami, gusto niyo, ilagay ko kayo doon as manager?" suhestiyon ni Drake. "Nakakahiya naman hijo kay don
Drake: "Sakay Janella!" sigaw ko sa aking nobya. "Drake, please, wag mo na silang patulan.." pagtutol niya sa akin. "Oh, mayabang na Sanchez, ano? kakasa ka ba? wala ka pala eh, duwag!" pinagtatawanan ako nina Andrei. "Baka Andres de saya," wika ng kasama nito. Pinaharok ko ang aking kotse, "oh, ano pang itinatanga tanga niyo diyan? game na!" sigaw ko sa kanila. Hindi ko alam, na ang kotse ko pala ay siniraan nila ng preno. Nalaman ko na lang iyon, noong nakasakay na kami at mabilis ang takbo. Sinasabayan kami nina Andrei. "Mamamatay ka ng mayabang ka! hahaha" sigaw niya sa akin. May nadaanan kaming dalawang tao sa gilid ng kalsada, nagtatalo sila. Biglang itinulak nung babae, ang maedad ng lalaki, dahilan upang ma out of balance siya. Nakita ko pa ang gulat sa mata ng babae nung mabilis akong nakaiwas, subalit hindi na nakaiwas ang lalaki, pagdaan nina Andrei. Nasapul nila ang lalaking itinulak ng babaeng iyon. Nagtama pa ang mata namin nung babae, kaya sigurado ako
Nakahinto lang ang sasakyan sa gilid. Hindi pa rin kami umaalis. Iyak kasi ng iyak si Justine, nag aalala sa kanyang kaligtasan, at the same time, masama ang loob. Wala pa mang ebidensiya, pero may hinuha na kami na ang tita Bernadeth niya ang nagsasabi sa matandang Ernesto kung saan siya naroroon. Pati ang insidente sa Baguio ay dito rin namin iniuugnay.Labis ang kanyang paghagulhol. Wala naman akong magawa kundi hagudin ang kanyang likod."Tahan na, Justine.. tahan na.." wika ko sa kanya. "Wala pa naman tayong katibayan na siya nga, pero hindi mo ba nahahalata? Nalalaman ng mga taong naghahanap sayo kung nasaan ka..""A-ang hi-hindi ko la--lang na-man matanggap.. ay.. itinuring ko siyang ina, tapos, ngayon, parang ibinebenta na niya ako.." sa pagitan ng paghikbi ay sagot niya sa akin, "ano bang ginawa kong mali sa kanya, at parang ito ang isinusukli niya sa akin, samantalang minahal ko siya ng higit pa sa ipinakita niyang pagmamahal sa akin..""Mabuti pa, magkunwari ka na lang na w
JUSTINE:Hawak ko ang aking sentido. Ang sakit ng aking ulo. Napabalikwas ako ng maalaala ko kung ano ang huling natatandaan ko kagabi.Matutulog pa lang sana ako, hindi pa kalaliman ang aking pagkakapikit, ng may maamoy akong nakakasulasok na amoy, na nagmumula sa tuwalyang inilagay sa aking ilong. Hindi ko na matandaan ang huling nangyari.Iginala ko ang aking mga mata. Nasa familiar na kwarto ako. "Si Drake ang kumidnap sakin?" nakakunot ang aking noo, at medyo nahihilo pa ako pagtayo. May nakahandang gamit sa gilid ng aking higaan. Mga damit. Pumasok ako sa banyo, upang maligo. Iniisip kong mabuti, kung bakit ako napunta dito. Bigla kong kinapa ang aking katawan, at ang aking maselang parte, hindi naman masakit.Pagkatapos kong maligo, naisipan kong lumabas ng kwarto. Nakita ko ang orasang malaki sa dingding. Alas diyes ng umaga! Narinig kong may kausap ang magulang ni Drake. Dahan dahan akong bumaba, at pumunta sa sulok."Tumawag nga sa akin kagabi si Drake, tito, hindi kaya masy
Natulala na ako, habang nagbabasa ng script. Naiisip ko pa rin si Justine.(Bakit ba nagugulo ang isipan ko ng dahil sa babaeng iyon? Bakit parang connected kami sa isa't -isa?)Hindi ko man lang narinig na tinatawag ako ng aming director."Drake.. ikaw na.." siniko ako ni Jhoanna. "Kanina ka pa tulala.. ano bang nangyayari sayo?""Ah-- wala naman, ako na ba?" tanong ko sa kanya."Oo, kanina pa tumataas ang boses ni direct, nagpaparinig na nga," bulong niya sa akin. Tumayo ako at nilapitan ko si Direct. Niyakap yakap ko siya mula sa likuran. Alam ko ang kanyang kahinaan, isang lambing lang, pwede na."Sorry direct, masama kasi ang pakiramdam ko." sabi ko sa kanya.Huminga siya ng malalim, "sana, sinabi mo, para hindi na muna natin ito itinuloy.""Direct, ayoko namang masira tayo sa ating management. Nakakapahinga naman ako eh. Ayokong mabansagan na unprofessional." sagot ko."Ikaw talaga, nag iisang kakilala ko na takot na takot malate. Kung reasonable naman kasi, walang problema." t
Hatinggabi na ako nakarating ng bahay. Mukhang tulog na ang lahat. Pagpasok ko ng pinto, nagulat pa ako, ng madatnan kong nakaupo sa sofa ang aking daddy. "Diyos ama!!" napahawak ako sa aking dibdib, "good evening, sir!" sumaludo ako sa kanya. "Good evening, bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa akin habang humihigop ng kape. "May mall show ako ngayon, bakit gising pa kayo?" naupo ako sa katapatan niyang upuan. "Nakausap ko na ang mga pinsan mo, kailangang madaliin ang lahat, aalis si Marcus at may misyon pa siya." kwento niya sa akin, "it's already 00:30, so mamaya sila babalik." "Naikwento niyo ang problema?" "Oo, and willing silang imbestigahan si don Ernesto." Napatango tango ako sa sinabi niya, "magkalinawan nga tayo?" "About what?" "Bakit ganun na lang ang concern mo kay Justine? hindi mo naman siya kaibigan?" "Sir--" "Call me daddy! tatay mo ako Drake, at hindi mo boss." "Sanay naman kami na sir ang tawag sa inyo ah," "Kailan mo ako tatawaging daddy? kap