Share

Chapter 21

Sinabihan ako ni Drake, na wag magpahalata kay tita Bernadeth na may alam ako sa ginagawa nitong pag ispiya sa akin.

Sinamahan ako ni Drake na umuwi sa aming bahay. Ipinakilala ko siya kay tita, wala doon si Bettina.

"Kaibigan ko lang ho siya tita, si Drake Sanchez," pakilala ko sa kanya.

"Naku, tingnan mo nga naman ay may dumalaw na artista sa bahay natin, Justine. Kumusta ka hijo?" nakipagkamay si tita kay Drake.

"Ayos naman ho ako," ngumiti si Drake sa kanya ,"totoo ho pala na maganda talaga kayo."

"Naku, at ibinenta ako agad ng batang ito," parang nagblush pa si tita Bernadeth, "maganda naman kaming lahat dito sa bahay."

"Tita, sabi niyo, may trabaho na kayo?" tanong ko sa kanya.

"Oo, tinanggap ako ni don Ernesto maging manager ng restaurant niya, nagulat nga ako sa alok niya eh." ngumiti si tita Bernadeth, nagkatinginan naman kami ni Drake.

"Tita, may restaurant din ho kami, gusto niyo, ilagay ko kayo doon as manager?" suhestiyon ni Drake.

"Nakakahiya naman hijo kay don
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status