Share

Chapter 28

DRAKE:

"Ang dali naman nitong ipinapatrabaho mo sakin, Drake!" napapalatak si kuya Cris, "hindi yung Bernadeth ang spy ni Ernesto, kundi yung Bettina!"

Nagulat ako sa sinabi ni kuya Cris. Hindi ang madrasta kundi ang itinuring na kapatid?

"Pa-paano?" naguguluhan ako habang kausap ko siya.

"Matapos naming mag usap kahapon ni tito, sinubaybayan ko na yung mag ina. Naghanap ako ng files nila, at nalaman ko, na ampon pala si Bettina. Anak siya ng kapatid ni Bernadeth. Walang kakayahang mag anak si Bernadeth kaya inampon niya si Bettina.

Si Bettina, ay naging biktima ni Ernesto. Pinangakuang magiging artista, kapag pumayag sa kagustuhan niya. Buti hindi ibinenta sa casa si Bettina.

Ang problema ngayon, parang napapraning ang kapatid ni Justine. Hindi na ata nakayanan ang pambababoy sa kanya ni Ernesto."

"Bakit isusumbong ni Bettina si Justine kay Ernesto? ang alam ko, close silang magkapatid?" nagtataka kong tanong.

"Pinangakuan ng malaking halaga ni Ernesto si Bettina, para makuh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status