Share

Chapter 34

Justine:

Nag unat unat ako. Isa sa pinakamasarap na tulog ko, ay ang nangyari ngayong gabi. Very peaceful. Hindi ako dinalaw ng mga bangungot na gaya ng pagkamatay ng aking kapatid. Magaan ang aking pakiramdam. Subalit, naalala ko, na hindi ko pala kama ang tinulugan ko. At ang malambot na yakap yakap ko ay hindi isang unan! Mainit init ito.

Tao! Bigla akong napabalikwas ng bangon. At dahan dahang nilingon ang aking katabi. Si Drake! Mulat na mulat ito, na parang walang tulog. Bigla kong kinapa ang aking sarili. Baka mamaya, wala na akong suot. Napahinga ako ng malakas at natuwang niyakap ang aking sarili.

"Wag kang ambisyosa diyan, wala akong ginawa sayo!" hindi niya ako tinitingnan habang nagsasalita.

"Ba-bakit hindi mo ako ginising!" may paninisi sa aking tinig, "o kaya, sa higaan ko ikaw natulog?"

Nilingon niya ako at pinukol ng malamig na tingin. Yung tipong magyeyelo ako sa sobrang cold. "Una, ginising? makailang ulit kitang ginising at inilayo sakin, pero pilit kang sumisiksik.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status