Share

Chapter 35

Nasa backstage ako, kasama ang ibang P.A. at talents ng lapitan ako ni Belle. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ito ang babaeng ka- love triangle ni Jhoanna kay Drake.

Bakit ikaw ang napiling P.A ni Drake? hindi lalaki ang kinuha niya?" magaspang ang tanong niya sa akin, kaya hindi ko na siya pinansin. "Hoy, ganyan ka ba kabastos para hindi sagutin ang simpleng tanong ko?"

Hinarap ko siya, at kung paano niya ako tiningnan, ganun ko rin siya tiningnan, "Maganda ako, kaya kinuha niya ako. Isa pa, CPA ako, ikaw? ano bang natapos mo?"

Nagkatawanan ang mga kasamahan nila. Balitang balita doon na may attitude talaga ang Belle na ito. Marami na siyang pinuna at kinutya, ngunit hindi lumalaban, subalit nagkamali siya sa akin, baka ibalibag ko pa siya.

"Bastos ka pala," ngmisi siya at humalukipkip.

"Depende sa kausap. Kung bastos ako sayo, malamang, bastos ka rin sakin," nakangiti kong sagot sa kanya, saka ko siya tinalikuran.

"Hey!" hinatak niya ang braso ko, "wala pang bumastos sakin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status