JUSTINE: Namangha ako sa samahan ng magpipinsang Sanchez. Yung akala kong suplado silang lahat, may mga lighter side pala. "Tutulungan natin si Justine, dahil anak siya ng aking kaibigan," panimula ni Frank. "Ano ba ang gagawin natin, tito?" tanong ni Cris, siya ang detective na Sanchez. "Alamin mo, kung sino ang madrasta ni Justine ay ibinebenta siya kay Ernesto. Ikaw naman Marcus, Dixon, Luis, alamin ninyo ang mga agenda niya, at si Devon ang bahalang mag search, tungkol sa mga negosyo ng matandang iyon Tutal, ang mga pinili nyong propesyon ay ganyan, pakinabangan natin," sabi ni Frank sa mga ito. "Eh si kuya Drake, tito?" tanong ni Devon. "Hindi na siya pwedeng makialam dito, dahil alam na ni Ernesto na tinutulungan niya si Justine. "Patayin na lang natin ang matandang yun, salot naman sa lipunan yun," suhestiyon ni Devon, "walang puwang sa mundo ang mga ganoong uri ng nilalang!" "Relax, hijo.. hindi na niya mababaliktad ang mundo, kapag kumilos na tayo. Alam ba ng mga kapa
DRAKE: "Ang dali naman nitong ipinapatrabaho mo sakin, Drake!" napapalatak si kuya Cris, "hindi yung Bernadeth ang spy ni Ernesto, kundi yung Bettina!" Nagulat ako sa sinabi ni kuya Cris. Hindi ang madrasta kundi ang itinuring na kapatid? "Pa-paano?" naguguluhan ako habang kausap ko siya. "Matapos naming mag usap kahapon ni tito, sinubaybayan ko na yung mag ina. Naghanap ako ng files nila, at nalaman ko, na ampon pala si Bettina. Anak siya ng kapatid ni Bernadeth. Walang kakayahang mag anak si Bernadeth kaya inampon niya si Bettina. Si Bettina, ay naging biktima ni Ernesto. Pinangakuang magiging artista, kapag pumayag sa kagustuhan niya. Buti hindi ibinenta sa casa si Bettina. Ang problema ngayon, parang napapraning ang kapatid ni Justine. Hindi na ata nakayanan ang pambababoy sa kanya ni Ernesto." "Bakit isusumbong ni Bettina si Justine kay Ernesto? ang alam ko, close silang magkapatid?" nagtataka kong tanong. "Pinangakuan ng malaking halaga ni Ernesto si Bettina, para makuh
"Bakit dito? nasaan ba si tita Bernadeth?" tanong ko kay Bettina. "Andiyan siya sa taas, nagtatago kasi kami kay Don Ernesto," aligagang sagot niya sa akin. "Akala ko ba, may sakit siya?" nagtataka man ako sa ikinikilos niya, mas lamang na nag aalala ako kay tita Bernadeth. "Basta dalian mo, ate, baka makita pa tayo ng mga tauhan ni don Ernesto! nasa 3rd floor siya, bilis!" pagsasabi niya sa akin. Agad naming inakyat ang lugar kung saan naroroon si tita Bernadeth. "Tita!!! tita!!" tawag ko dito. "Nasaan siya." "Nandiyan lang, baka nagtatago," tugon niya sa akin. "Nasa---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, ng maramdaman ko ang matigas na bagay na humampas sa aking punong tenga.************Sumisigid sa sentido ko, ang sakit na aking nadarama, buhat sa pagkakapalo ng matigas na bagay sa aking punong tenga. Tamdam ko pa, na may likidong naagos doin, marahil ay dugo.Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, nakita ko si Bettina at naulinigan na may kinakausap sa telepon
Biglang pinaputok ni Bettina ang baril. Nagtaguan ang mga tauhan ni don Ernesto pati ang matanda. Biglang naubos ang bala niya. "Ate, takbo!" utos ni Bettina sa akin. "Hahaha wala ng bala! habulin niyo!" utos ni don Ernesto. Nagmamadali silang humanap ng matataguan. Alam ni Bettina ang pasikot sikot sa lugar na iyon. Biglang may humila sa kanila sa kabilang sulok. "Aaaah!! wag po!!" tinakpan ng mga ito ang kanilang bibig. "Sssshh" saway nito sa kanila. "Ma-Marcus?" nagulat pa ako ng makilala ito. Kasama nito si Luis na hawak naman si Bettina. "Wag kayong maingay.. may mga kasamahan na kaming nakaabang sa mga yan.." bulong ni Luis. "Mukhang nahihirapan silang umakyat. Mahihirapan tayong makaalis nito.." sabi ni Marcus sa amin. "Kailangang madistract natin sila, dahi malaan sa hindi, patay tayong lahat, kapag umabot sila dito sa kwartong ito. Hindi naman namin kayo maiiwan, at baka magalit pa sa amin si lover boy." "Sinong lover boy?" napakunot ang aking noo pagtata
DRAKE:Mabilis na lumipas ang panahon, balik na kami sa aming mga dating buhay. Ako, bilang artista at si Justine bilang isang empleyado ko. Nag offer ako sa kanya ng halaga, na hindi niya matatanggihan, kapalit ni Bruno na aking P.A na nangibang bansa.Ang sahod? 10 thousand a week. Free meal, lodging, travel! Kapag may trabaho ako, kasama ko siya magdamag. Taga ayos ng aking mga gamit, at ng aking pera.Pumunta ako sa bahay ni kuya Cris, dahil ang pakiramdam ko, pinagtataksilan ko, ai Janella dahil sa ginagawa ko. Ayokong aminin sa sarili ko na higit pa sa pagtulong ang kailangan ko kay Justine.Dumating ako sa bahay ni kuya Cris at naupo sa sofa. Ang lungkot na nararamdaman ko, ay nagrereflect sa aking mukha. "Sir, inumin po?" tanong ng kanyang kasambahay."Sige, asan ba si kuya?" tanong ko sa kanya."Nasa labas lang po sir. Juice na lang po ba?""Pwede, salamat.." nakaupo lang ako at nakatulala sa pag alis ng kanyang kasambahay.Maya maya pa, dumating na ang juice, ni hindi na ak
JUSTINE: Tumawag si Drake sa akin, upang ipaalam na hindi siya makakauwi. Nasa hospital daw ang kuya Cris niya. At maaari daw akong mamasyal. Hindi tulad ng driver, ako ay stay in. Kasama namin sa unit niya ang isang kasambahay. Awkward man, subalit sa pull out ako ng kama sa kwarto niya natutulog, at ito ang hindi ko maintindihan. Maaari naman akong tumabi na lang kay Joan sa kwarto, subalit mas pinili niyang dito ako matulog. Ang sabi niya, may mga biglaan daw siyang nilalakad na kasama ako, kaya kailangan, magkasama kami. Hindi naman ako malisyosa, dahil noong nabubuhay pa ang daddy ko, tumatabi din ako sa kanya matulog. Pero hindi ko kaano ano si Drake! Tinawagan ko si tita Bernadeth. "Yes nak, kumusta?" magiliw niyang sagot sa akin. "Tita, gusto mo bang lumabas? magdate naman tayo," aya ko sa kanya. "Naku, naka shift ako ngayon, wala yung TL namin eh, ako ang pumapalit," sagot niya, kahit maedad na, tinanggap siya sa call center company na pinasukan niya. Hindi na ako nagpat
DRAKE:Natatawa ako pagpasok ko ng banyo. Hindi ko akalaing sa loob ng ilang taon, makakakita ulit ako ng katawan ng babae. Buong buo, wala akong makita ni kaunting pangit sa katawan.Nagmumura ang dibdib, na akala mo handang handa upang hampasin ako. Ang balingkinitang katawang iyon, na may maliit na baywang, at malapad na balakang, ang siyang tumitimo sa aking isipan.Mabigla rin ako, sa kinis ng kanyang hinaharap. Mukhang natural na hairless iyon, hindi shinave! Bigla na lang uminit ang aking pakiramdam, at naghumindig ang aking pagkalalaki.Kaagad akong tumapat sa shower. Kailangang maampat ko ang nadarama kong init. Kaya ko itong pigilan, kung wala sa paningin ko ang babae, ngunit kung nasa paligid lang siya, baka maghurumentado ako, kapag hindi ko nairelease ang nadarama kong pagnanasa.Ilang minuto muna akong nagbabad sa shower na malamig ang tubig na lumalabas, saka ko naisipang magsabon ng katawan. Dahan dahan akong nagbanlaw, at sinasaway ko ang aking alaga na huwag magulo,
Justine:Nag unat unat ako. Isa sa pinakamasarap na tulog ko, ay ang nangyari ngayong gabi. Very peaceful. Hindi ako dinalaw ng mga bangungot na gaya ng pagkamatay ng aking kapatid. Magaan ang aking pakiramdam. Subalit, naalala ko, na hindi ko pala kama ang tinulugan ko. At ang malambot na yakap yakap ko ay hindi isang unan! Mainit init ito.Tao! Bigla akong napabalikwas ng bangon. At dahan dahang nilingon ang aking katabi. Si Drake! Mulat na mulat ito, na parang walang tulog. Bigla kong kinapa ang aking sarili. Baka mamaya, wala na akong suot. Napahinga ako ng malakas at natuwang niyakap ang aking sarili."Wag kang ambisyosa diyan, wala akong ginawa sayo!" hindi niya ako tinitingnan habang nagsasalita."Ba-bakit hindi mo ako ginising!" may paninisi sa aking tinig, "o kaya, sa higaan ko ikaw natulog?"Nilingon niya ako at pinukol ng malamig na tingin. Yung tipong magyeyelo ako sa sobrang cold. "Una, ginising? makailang ulit kitang ginising at inilayo sakin, pero pilit kang sumisiksik.