Share

Chapter 7

"Nasaan na yun?" nabuklat ko na ang bag ko, pero wala ang pera doon. Tatanghaliin na ako sa klase ko. Pang share ko sa thesis ang sampung libo doon! Nabayaran ko na ang bahay, nagtira lang ako ng gagamitin ko sa school!

Bumaba ako, upang tanungin ang aking kapatid at madrasta. Pagbaba ko, nag-a-unboxing ng mga online shopping ang mga ito.

"Oh, gising ka na pala. May pagkain diyan sa lamesa, kumain ka na," hindi man lang ako nililingon ng aking madrasta.

Binuklat ko ang nakatakip na pagkain, Grab?

"Saan kayo kumuha ng pambili nito?" nakakunot kong taning sa kanila.

"Nagkita ako ng pera sa bag--" nagulat ang madrasta ko sa aking tinig.

"Ano? pera sa bag ko? tita naman, pang thesis ko yun!" mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya.

"Kailangan kasi ng kapatid mo ng mga bagong damit, mag o-audition kasi siya sa pag aartista," sagot niya sa akin. "may screening siya bukas."

"Pero kailangan ko yun!" napaiyak ako sa sama ng loob. Madalas nila itong ginagawa sa akin. Kaya ang sakit sa loob ko, na parang ginagawa na lang nila aking taga trabaho, at sila ay pensiyonada!

"Ate, bakit naman ganyan ka kay mommy?" saway sa akin ni Bettina, "kapag naging artista ako, hindi ka na magtatrabaho sa bar. Mag aaral ka na lang."

"Kailangan ko kasi ang perang iyon ngayon. Inilaan ko yun para sa thesis ko. Isa pa, bakit ka mag aartista? nag aaral ka hindi ba? nangako tayo kay daddy na magtatapos tayo!"

"Gusto ko nga sana, kaso, nahihirapan ka na, isa pa, may nag alok sa akin ng malaking halaga para sa screening na ito." sagot sa akin ng aking kapatid. "Kung pumayag kang magpakasal kay don Ernesto, eh di sana, hindi ko na ito kailangang gawin."

"Bettina, wag mong pagsalitaan ng ganyan ang ate mo, tama lang naman siguro na hindi niya iyon tinanggap, dahil nga, hindi naman tayo mahalaga sa kanya. Hindi niya ako kaano ano, ikaw naman, step sister niya lang. Kaya wag nating pipilitin ang ate mo sa mga gusto niyang gawin," ito na naman si tita Bernadeth, nangungunsensiya na naman. "Sana, kasama na lang tayong namatay ng daddy mo, para hindi tayo naghihirap ng ganito."

Spoiled sa daddy ko ang mga ito. Malakas siyang kumita dahil isa siyang inhenyero. Subalit, naaksidente ang daddy ko, isang gabi na papauwi siya, dahil sa mga walang magawa sa buhay na nagkakarera. Naflat ang kotse namin kaya siya ay bumaba upang tingnan ang gulong.

Sa bilis ng sasakyan, tumilapon si daddy ng ilang metro. Yun ang kwento nina tita Bernadeth sa akin. Sa ospital ko na nakita ang daddy. Inabot pa ng ilang buwan ang pagkakalagak niya doon. Bago siya malagutan ng hininga, ibinilin niya sa akin ang kanyang asawa at anak nito. Lumaki kaming magkapatid ni Bettina, ngunit hindi ko siya totoong kapatid. Anak siya ng aking madrasta.

Naibenta namin ang mga naipundar ng daddy, maipagamot lang siya. Naremata na ang aming bahay dahil hindi ko mabayaran sa banko ang aming pagkakautang. Yung ibang pera, ipinang upa namin ng bahay.

Naibenta namin ang marami naming ari arian. Madami namang tumulong sa amin kaya naipalibing namin si daddy ng maayos.

Maswerte na lang ako, at natanggap agad ako sa bar na pinapasukan ko ngayon. Tatlong taon na rin ako doon. Subalit ang life style ng mga kasama ko, ang medyo nahihirapan ako.

"Paano na ang thesis ko.." umiyak na ako ng malakas. Nilapitan ako ni tita Bernadeth,.

"Gusto mo ba, kausapin ko si Ernesto na pautangin tayo?" alok niya sa akin.

"Oo nga ate, tutulungan ko si mommy na kumbinsihin siya." pagsegunda ni Bettina.

Napakaimposible talagang kausap ng dalawang ito.

"Bakit niyo kasi kinuha yan, hindi naman yan sa inyo?" paninita niya sa mga ito.

"Aba, Justine!" lumayo si tita Bernadeth sa akin na nagdadabog, "pinagdadamutan mo na ata kami ngayon? tandaan mo, nangako ka sa daddy mo na hindi mo kami pababayaan!"

"Oo nga naman ate, pero parang hindi mo na ata kayang tuparin iyon," lumapit si Bettina sa mommy nito, "mom, siguro, pabigat na tayo kay ate, baka, nahihirapan na siya sa atin."

"Oo nga anak. Baka, kailangan na nating magkusang umalis sa poder niya. Hindi ko akalaing ito ang igaganti mo sa akin, sa mahigit sampung taon na pag aalaga ko sayo?" pagdadrama nito.

Malambing siya sa akin. Napapagalitan niya rin ako. Masasabi ko namang maswerte ako sa kanya, noon. Pero parang ngayon, hindi ko na ata kakayanin ang mag inang ito. Napakamot na lang ako sa aking noo.

"Baka naman may natira pa sa inyo?" tanong ko sa kanila, "kahit pang allowance ko man lang ng tatlong araw?"

"Ito.." iniabot sa akin ni tita ang limang daang piso.

"Ito na lang po?" gulat kong tanong sa kanya.

"Meron pa naman, kaso, mamamasahe pa kami papuntang network. Wala pa kaming pangkain, kaya yan na lang muna." sagot ni tita.

Kinuha ko na lang ang pera, saka ako nagpaalam, "aakyat na ho ako."

"Sige lang, hindi ka ba kakain?" biglang nag iba ang mood ng aking tita.

"Hindi na ho, malilate na ako," umakyat na ako sa kwarto ko upang magbihis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status