Share

Chapter 6

Nangatal ang buo kong katawan. Dahan dahan akong naupo pag alis ni Drake. Binilang ko ang pera na inilagay niya sa lamesa, nasa thirty thousand iyon. Hindi man lang nila naubos ang inumin. Napailing ako, Iba talagang mag ubos ng pera ang mayayaman!

Doon ko naisipang kunin ang pera na isinuksok niya sa aking cleavage, halos magkasing dami. Napahinga ako ng marahas, kasya sa thesis at bahay.

"Sana wag na siyang bumalik!" muli kong isinuksok ang tip sa akun ni Drake sa aking bra, "Deserve ko to. Deserve mo yan Justine, kabayaran yan sa pambabastos niya sa akin!"

"Hoy, ano yan, lutang ka?" tinig iyon ni Trina. "Nasaan na sila?"

"Umalis na," sagot ko.

"Ang bayad?" nag aalala siya dahil kung ang customer namin ay nag 1,2,3, deduction iyon sa sahod namin.

"Yan ang bayad," itinuro ko ang pera sa kanya.

Kinuha niya ito, saka binilang, "Trenta mil? iba talaga ang mayayaman!" sabi niya. Natawa naman ako, dahil pareho kami ng iniisip.

"Yung tira daw diyan, tip natin," sabi niya sa kaibigan.

"Ha? di ba, solo mo dapat?" nagtataka niyang tanong sa akin.

"Binigyan niya na ako, sapat sa upa sa bahay at thesis ko," sagot ko sa kanya.

"Baka naman ipaalam mo na naman yan sa madrasta mo. Ubos na naman yan! Sabihin mo, wag siyang maluho! wala na yung dati nyong buhay!" pangaral sa akin ni Trina, "layasan mo na kasi, kung tutuusin, wala ka namang responsibilidad sa kanya. Bata pa siya, bakit hindi siya magtrabaho? try niya rin maging masipag! Ang arte niya pa sa pagkain. Tapos yung kapatid mo, akala mo, prinsesa!"

"Hayaan mo na, nangako ako kay daddy na hindi ko pababayaan ang mag ina niya. Saka, kinakaya ko pa naman."

"Kinakaya? hoy, Justine, ang mga bayani, binabaril sa luneta! wag kang magpakamartir sa mag inang iyon. Tingnan mo nga, sa halip na magworking student yung kapatid mo, naghihintay na lang ng iaabot mo!"

Hindi na lang ako nagsalita, alam naman ni Trina ang buhay ko. Napilitan na nga lang siyang magtrabaho upang samahan ako, na kung tutuusin, hindi naman nito kailangan.

Maaari akong magtrabaho sa kumpanya ng mga kaibigan ng daddy ko,pero ayaw ko. Ayokong magkautang na loob sa mga taong iyon, dahil baka abusuhin sila ni tita Bernadeth.

Naiwan na nga ako ni Trina sa pag aaral. Isang taon na siyang tapos. Pero hindi muna siya sumunod sa mga magulang niya upang masamahan ako. Thesis na lang naman ang kulang ko. Sasama ako kay Trina sa ibang bansa, para masuportahan ko ng maayos sina tita Bernadeth.

**********

Sabay na kaming umuwi ni Trina, sakay kami sa kanyang motor. Pero may sinabi siya sa akin, na nagpalungkot sa akin ng husto, matapos niya akong ihatid.

"Friend, kailangan ko ng sumunod sa Canada. Maiexpire na kasi yung petition sakin. Maganda na rin yun, para makasunod ka sa akin ng walang aberya. Magsisettle na ako dun, at ng makuha agad kita," sabi niya sa akin, "niremind lang ako ni mommy kanina, tapos, sabi nga niya, mas okay na mauna ako, para hindi ka mahirapan."

"Ha? uiwan mo na ko?" malungkot kong tanong sa kanya.

"Kailangan na kasi, basta, sumunid ka agad," nginitian niya ako.

Niyakap ko siya, "kailan ka aalis?"

"Bukas na sana."

"Ano???!" halos mabingi siya sa akin, "bukas agad? bakit naman nagmamadali ka ata?"

"Nakalimutan ko kasing banggitin sayo na may ticket na ako, isang taon lang naman siguro, makakasunod ka na agad. Maghihintay ako sayo dun," mangiyak ngiyak niyang paliwanag.

"Anong oras ka aalis?" malungkot ang aking tinig.

"Mga alas otso ng gabi. Mag iingat ka lagi, mag videokol tayong madalas," nag iyakan na kaming dalawa.

"Ke gaganda mga tomboy.." narinig naming sabi ng matandang dumaan. Natawa naman kami ni Trina.

"Mamimiss kita.." sabi niya sa akin.

"Lalo na ako, mamimiss kita," niyakap ko ulit siya.

Ganito ang naramdaman ko, noong iwan kami ng tatay ko, at sumama na siya kay San Pedro para magderby sa langit.

"Magmessage ka lang sa akin lagi. Basta, sabay nating lalakbayin ang mundo. Kung hindi naman kailangan, ayaw kitang iwanan, pero hindi maaari, opportunity na ang kumakatok sa akin" paliwanag niya sa akin.

"Okay lang yun, friend. Susunod ako, wag kang mag alala.." sagot ko sa kanya. Matagal kaming nagyakap, saka siya tuluyang umalis.

Pagpasok ko sa gate ng bahay, parang may mga bisita. Binuksan ko ang pinto, may mga nag iinuman sa loob. Mukhang may party!

"Yan na pala ang aking panganay!" nilapitan ako ni tita Bernadeth, "ito yung ikinukwento ko sa inyo na anak ni Damian. Mabait ang batang ito."

"Ah, siya ba? naku, siguradong magiging mabuting asawa sa--" hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin niya, dahil inunahan ko na siya.

"Asawa? sino hong mag aasawa?" tanong ko sa kanila.

"Kasi, Justine, si Mr. Lagamayo, ay isang mayamang businessman. Gusto na daw niyang mag asawa, at nakita niya ang picture mo--" hindi ko na pinatapos pagsasalita si tita Bernadeth.

"Hindi ho ako mag aasawa! ayoko ho!" saka padabog ko silang iniwan.

"Justine!! Justine! bumaba ka dito!" tawag ng aking madrasta sa akin. Ngunit hindi ko na siya pinansin. Umakyat na lang ako sa aking kwarto at naglock! Hindi ako papayag na patakbuhin nila ang aking buhay! Hindi na ako kumain at nagbihis, natulog na ako ng tuluyan ng may sama ng loob.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status