Share

Mr. Arrogant (Series 3: Drake Sanchez)
Mr. Arrogant (Series 3: Drake Sanchez)
Author: Sapphire Dyace

Chapter 1

"Hoy! Drake Sanchez! puro ka yabang at kagwapuhan lang ang alam mong gawin sa buhay! bakit hindi ka lumaban ng karera sakin ha!" sigaw ni Andrew, dati kong kaibigan.

"Kapag inggit, pumikit na lang. Kaya hindi ka sumisikat, masyado kang mayabang!" sigaw ko sa kanya. Mayabang talaga ang isang to, kaya hindi sumikat sikat.

"Woooo, ang sabihin mo, duwag ka lang! wag kang maraming sinasabi diyan, ano mga par? eh duwag pala tong Sanchez na to eh! magaling ka lang kapag kasama mo ang mga pinsan mong pulpol na kagaya mo! pa marine marine pa kayo, mga duwag naman!" pang aasar pa niya sa akin.

"Janella, sakay!" sabi ko sa girlfriend ko.

"Wag mo na lang kasi silang patulan Drake," awat sa akin ni Janella, "baka mapahamak lang tayo."

"I said, get in!" bulyaw ko sa kanya. Nagmamadali naman siyang pumasok, "sige, game! ang matatalo, sa impiyerno ang bagsak!"

"Yun oh.. talagang lalaban na siya, let's go!!" sumakay na si Andrew sa kotse niya, kasama ang girlfriend nito.

Pinapainit ko na ang sasakyan, ng hawakan ako ni Janella.

"Drake, please, tama na.. baka mapahamak pa tayo!" awat niya sakin.

"Fasten your seat belt. Ipapakita lang natin sa hayop na yan, kung bakit hindi siya sumisikat." sagot ko kay Janella.

Ngunit sana, nakinig na lang ako sa kanya, dahil sa bilis ng takbo namin, nawalan ng preno ang sasakyang minamaneho ko.

"Ano yabang, mamamatay ka na!!!" sigaw sa akin ni Andrew.

"Hayop ka!!" sigaw ko sa kanya.

"Draaaake!!!!" huling tinig ni Janella na narinig ko, doon na nagdilim ang aking paningin.

NAPABALIKWAS ako ng bangon. Butil butil ang aking pawis, hapong hapo ako. Napanaginipan ko na naman ang madilim na nakaraan na iyon. Ano bang petsa na? Ah, oo nga pala, ikatatlong anibersaryo na ng pagpanaw ni Janella.

Hanggang ngayon, galit pa rin sa akin ang pamilya nila, dahil hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon, na masilip ang babaeng pinakamamahal ko, at ang anak namin na noon ay limang buwang gulang pa lamang sa kanyang sinapupunan.

Kung nakinig lang sana ako sa kanya, na wag ng patulan si Andrew, hindi sana kami nagkahiwalay habang buhay! Subalit pinairal ko, ang katigasan ng aking ulo. Hindi ako nakinig sa kanya. Naging mayabang ako.

Minabuti ko na lang tumayo, para maligo. Alas kwatro na naman din, may taping pa ako para sa commercial. Ayoko ng pinaghihintay ang production, dahil naniniwala akong professional ako dapat.

Binuksan ko lahat ng ilaw sa aking kwarto. Bumungad sa akin, ang larawan namin ni Janella na nasa head board ko. Ipinapinta ko talaga ang larawan namin para lagi ko siyang naaalala.

Binaybay ko naman ang walk in closet, bago ako makarating sa banyo. Nagising ang diwa ko, ng malamig na lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower.

Napatingala ako, at napausal na lamang ng "sana, kasama pa kita ngayon.. hindi kita kayang limutin."

Hindi mahahalata ang luha na umaagos sa aking pisngi,, kasabay ng tubig na nagmumula sa shower.

Ang ilang taong pagkawala ni Janella, ay hindi man lang naibsan ang aking pangungulila sa kanya. Ang sabi ng mga kuya ko, (pinsan) nagiguilty daw ako, kasi sinisisi ko ang aking sarili sa pgkawala niya. Tama naman sila.

Lagi ko pang naaalala ang mga nakaraan naming dalawa ni Janella. Sobrang mahal ko siya.

***********

"Siya ang-- ang magiging P.A ko?" tanong ko kay Mira, ang aking manager.

"Oo, bakit?" tanong niya sa akin.

Hindi ako makapaniwalang ang babaeng madalas kong pinapantasya sa aming school noong high school, ay nasa harapan ko na! Matagal kong iniisip kung paano ito makakausap sa hindi mayabang na paraan. Tanging sa kanya lang tumitiklop ang aking dila.

"Ba--bakit siya?" tanong ko kay Mira, upang maitago ang aking kilig.

"Accountant yan. Maganda na yung ang P.A mo na rin ang mag aayos ng pera at taxes mo. Hindi ko na kasi magawa yan. Kaya lahat kayo, inihahanap ko ng sariling P.A na may degree ng accountancy! bakit, ayaw mo ba?" tanong niya sa akin, "gusto mo ipalit ko na---"

"Hindi na, okay na yan sakin!" sagot ko kay Mira. Baka ilipat pa kasi nito si Janella sa iba. Nakita ko rin kung paano umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko.

"Sir, salamat po," yumuko pa siya ng paulit- ulit.

"Ayoko lang ng walang alam ha! ayoko ng mabagal, ayoko ng tatanga tanga. Sa set kasi, mabilisan ang kilos, gets mo?" tanong ko sa kanya, pero ang totoo, ang puso ko ay parang hinahampas na tambol na.

"Yes sir! naorient na po ako ni Mam Mira." sagot niya sa akin.

"Iiwanan ko muna kayo, at tatawagin ko yung isang nakuha ko para kay Joanna," paalam sa amin ni Mira.

"Sir, ano pong gagawin ko?" tanong niya sa akin. May dala siyang backpack at trolley.

"Gamit mo ba yan?" itinuro ko ang dala dala niya.

"Opo sir, bakit po?" tanong niya sa akin.

"Wag paharang harang yan sa dadaanan ko ha, sisipain ko yan!" banta ko kay Janella.

"Sorry, sir, sorry po.." sagot niya na hinila ang mga gamit sa gilid.

"Dapat mapapagkatiwalaan ka, ayoko ng malilikot ang kamay. May driver naman ako, pero marunong ka bang magdrive?" tanong ko sa kanya.

"Yes sir. May sasakyan akong sarili," sagot ni Janella sa akin. Sunod siya ng sunod kahit saan ako magpunta.

"Janella, pwede ba? mag stay ka.lang diyan, hayaan mo na lang ako ang magpaikot ikot, naiintindihan mo ba?" kunwari ay galit ako sa kanya, subalit ang totoo, kabadong kabado ako, lalo na kapag titingnan ko siya.

(Ang ganda niya, pa rin. Siya pa rin ang dating Janella na natatanaw ko sa malayo. Siya pa rin iyong kiming babae na pangiti ngiti lang.)

Lihim akong napangiti, (sa dinami dami ng babaeng nakilala ko, sayo rin pala ang bagsak ko. Ilang taon akong sumubok umibig sa iba, subalit bitbit mo talaga ang aking puso.)

Napatingin ako sa kanya, inililibot niya ang mga mata sa kabuuan ng aking dressing room. Tinitingnan niya ang mga gamit sa vanity mirror.

"Janella.." naibuka na lang ng aking labi.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
oh may Janella, hehehe
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status