Share

Chapter 3

Dumating na sa wakas ang aking mga pinsan, after 95 years! Ano ba kasing naisipan ng mga ito at hindi agad nagsidating! Ang siste, hindi pa sabay sabay!

"Kuya Cris," tawag ko sa pinsan ko, na malayo pa lang, nakangiti na sa akin.

"Kanina ka pa?" tanong niya sa akin, nagyakapan kami at nagtapikan ng likod.

"Tinubuan na ko ng ugat," nakanguso kong sabi sa kanya. "Ang usapan natin, alas sais ah."

"Naku, sigurado ako, late ka rin dumating!" ginulo niya ang aking buhok.

"Kuya naman, guluhin mo na ang buhay ko, wag lamang ang buhok ko," umiiwas ako sa kanyang mga kamay.

"May pinagpapacutan ka siguro dito ano?" naupo na kaming dalawa sa aming table. Cubicle iyon na glass, pwedeng isara ang pinto kapag naiingayan sa tugtog, at pwede rin namang hindi.

"Wala no. Alam mo namang si Janella lang ang laman ng puso ko." sagot ko sa kanya.

"Kalimutan mo na si Janella, matagal na siyang wala," sabi niya sa akin.

"Kung ganoon lang kadali kuya, ginawa ko na," mapait akong ngumiti sa kanya, "ikaw! baka may girlfriend ka na."

"Wala pa nga eh."

"Sa gwapo mong yan? walang girlfriend? sa mga misyon mo? wala din?"

"Nililito mo na naman ako," natatawa niyang sabi sa akin, "wag kang mag alala, ibibigay ko sayo yung relong gusto mo."

"Talaga?" gulat na gulat ako. Matagal ko ng inaarbor sa kanya iyon, nag aaral pa lang kami, gusto ko na yun. Ibang klase ang relong yun. Hindi naman sa wala akong pambili, vintage kasi yun. "As in yung relong mga diamond yung pinagdikitan ng number?" para akong batang mabibigyan ng lollipop.

"Oo, iyon nga. Wag mo na lang ipagsasabi na ibibigay ko yun sayo ha? wala na kasi akong mahanapan ng ganoon. Napansin mo ba? hindi ko suot?"

Hinanap ko ito sa kanyang braso, ibang relo ang suot niya, "nasaan?"

"Ipinapalinis ko pa," ngumiti pa siya sa akin.

Makakapagpamisa ka, kapag nakita mong ngumiti ang pinsan kong ito. Marami ang natatakot sa kanya, dahil akala nila, matapang at suplado siya. Pero sa aming lahat, siya ang pinakamatatag

Napalingon kami, dahil malayo pa lang, tanaw na namin si Marcus. Hindi man lang nito pinapansin ang mga babaeng nagpapacute dito. Naglalakad siya na animo ay isang Diyos! Hindi ko alam, kung bakit nasa lahi namin ang pagiging suplado. Gwapo lang naman kami. Hahaaha!

"Mga pinsan," gaya ng ginawa namin kanina ni Kuya Cris, niyakap din namin siya saka tinapik sa likod. "Kayo pa lang?"

Sasagot na sana kami, ng makita naming paparating ang iba pa naming mga pinsan. Sinong mag aakalang sa amin, ako lang ang pumasok sa showbiz?

"Kumusta na kayo?" tanong ni kuya Luis sa amin.

"Okay naman kami, bakit wala si Devon?" tanong ni Marcus.

Susunod daw siya, may inaasikaso lang," naupo na si Dixon sa gilid ko.

"Hindi pa ba kayo umuorder?" tanong ni Kuya Luis, na naupo naman sa tabi ni kuya Cris.

"Tawagan niyo nga si Devon, alam naman niyang baka matagalan ulit, bago tayo makalabas ng sama sama, hindi pa sumabay sa akin," naiiritang sabi ni Dixon. Sa aming lahat, medyo short tempered ito.

"Hayaan mo na, at baka may pinipirmahan pa," saway dito ni kuya Luis. Mabuti at kahit paano ay nakikinig na ito. Dati talaga, parang wala na siyang gustong pakinggan.

"Drake, may waiter ba tayo dito?" tanong ni kuya Cris sa akin, "nasaan siya? dapat, malakas yan, at baka mamaya, mahirapang magdala ng drinks dito yan."

"Wait lang kayo mga buddy, hahanapin ko lang si Gab.." paalam ko sa kanila.

"Siya ang waiter natin?" tanong ni Marcus sa akin.

"Hindi, siya yung manager na nag assign sa atin, " hinanap ng aking mga mata si Gab, at natagpuan ko siyang kausap ang ibang staff. "Gab.." tawag ko ulit sa kanya.

"Narito ka, Drake," maluwang ang ngiti ng baklang si Gab sa kanya, what can I do for you?"

"Nandiyan na yung mga pinsan ko, kailangan na namin ang waiter," sagot ko sa kanya.

"Okay lang ba, na hindi na si Justine ang magserve sa inyo? may gagawin kasi siya eh," pakiusap sakin ni Gab.

"Ah, ganun ba? lilipat na lang siguro kami.. Kasi, baka marami na kayong customer." sagot niya dito.

"Naku, wag naman.. sige- sige- tatawagin ko na lang siya. Baka naman maipagpapaliban nya ang ginagawa niya upang makapagserve sa inyo," malungkot na sabi nito sa akin, pero maya maya, ngumiti na rin siya, "andiyan ba si-- si Marcus?"

"Andiyan naman siya, bakit? crush mo?" biro ko sa kanya.

"Ganun kasi mga bet ko.. mga mysterious type.. alam mo na, yung hindi mo alam ang itinatakbo ng isipan," kilig na kilig niyang sagot sa akin.

"Hahahaha-- sige na, tawagin mo na si Justine," tugon ko na lang sa kanya, baka mapikon pa si Marcus kapag sinabi kong may nagkakacrush sa kanyang beki, sakalin na naman ako nun.

"Ah, oo nga pala.. Justine! Justine!" tawag niya sa babae.

"Bakit sir?" tanong nito, na biglang sumimangot noong makita ako.

"Ikaw pa rin ang Waitress nina Drake," sagot ni Gab dito.

"Hala.. bakit ako?" tanong nito na itinuro pa ang sarili.

"Gusto ko!" maiksi kong sagot sa kanya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status