Share

Chapter 2

Niyaya ako ng mga pinsan ko na mag bar hopping. Kararating lang ni Kuya Cris mula sa ibang bansa. Isa siya sa tinitingala kong tao, dahil sa kanyang tatag ng loob. Na kahit ulila na siya, nakayanan niya pa rin ang lahat ng bagay ng nag iisa siya. Naiwan siya sa America noong magdecide na kaming mag uwian ng Pilipinas para mag settle ng aming mga career.

Hindi pa sila dumarating kaya naglaro muna ako ng ML. Buti pinayagan ako ni Mira na maghappy happy at magsaya, masyado na akong burn out sa trabaho. Halos patayin ko na ang sarili ko sa mga taong lumipas.

"Deserve ko naman to" bulong ko sa sarili.

Pagtaas ko ng aking paa, may dumaan sa harapan ko, at huli na para bawiin ko ang aking gagawin, napatid ko na siya sa paa. May dala siyang tray na may laman. Nadapa siya ng tuluyan.

"Ano ba yan Miss! are you blind?," agad ko siyang dinaluhan para pulutin ang mga bumagsak na bote.

"Justine! anong nangyari?" malamang, manager iyon, "hindi ka na naman nag iingat! Sir, pasen-- Drake Sanchez? Oh my God Drake! fan mo ko," masaya nitong bati sa akin.

Nginitian ko siya,, "mukhang hindi pa kumakain itong waitress nyo, gutom ata."

Lumingon si Justine sa akin, na- schocked ako! masama ang tingin niya, pero para akong namesmerized ng kanyang ganda! Sanay akong makakita ng magagandang babae sa paligid ko, pero iba ang nararamdaman ko sa babaeng ito, na hindi ko na naramdaman, simula noong mawala si Janella.

"Sorry po sir Gab.. tinakid kasi ako ng lalaking yan!" sita niya sa akin, bagobtuluyang tumayo.

"Justine! ano ka ba? nakakahiya ang attitude mo! hindi mo ba siya kilala? artista siya!" saway sa babae ni Gab.

Nag hahagod ako ng buhok, at pahawak hawak pa ako sa aking ilong. Malamang, bigla akong sambahin ng babaeng ito, at magkandarapa pa ito sa pagpapapicture sa akin.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, ng ilang ulit, saka siya ngumisi, "kaya naman pala mayabang! kasi sikat! Wala akong paki, kahit anak ka pa ng presidente ng Pilipinas! Matuto ka ngang maging humble, kung sino ka man, libre na nga lang, hindi mo pa magawa, tse!" saka niya ako tinalikuran at tuluyang iniwan.

"Naku, pasensiya na kayo sa kanya sir, at may mens ata kaya ganun," napapahiyang sabi ni Gab.

"Baka galing sa bundok, kaya hindi niya ako kilala," kahit napahiya ako, kailangan kong bumawi. Walang bumabastos sakin kahit sino, pero ang babaeng ito, napakalakas ng loob!

"May hinihintay po ba kayo sir? dadalhan ko na lang po kayo ng complementary drinks dahil sa abala, wait lang po," tumalikod na siya sa akin.

Natawa ako bigla ng maalala ko si Justine. Malupit tumingin. Akala mo mangangain ng tao! Minabuti ko na lang na maupo ulit, bakit naman kasi ang tagal ng mga pinsan ko. Kaya ayaw kong nagsasabi sila ng oras eh, simula noong magpalit kami ng mga career, parang nahawa na kami sa pagka Filipino time ng iba. Usapan namin, alas sais, late na nga ako dumating, mas late pa pala sila.

Maya maya pa, lumapit sa akin si Justine, ang waitress na nadapa kanina. May dala itong tray na may drinks na nakalagay.

"Oh, ito na, Sir!" padabog niyang inilagay sa harapan ko ang baso ng inumin na dala niya, "sabi ni sir Gab, para daw sayo yang complementary drinks na yan! ang dami daming pera, umaasa sa libre," sabi pa niya sa akin.

"Bakit ka ba nagagalit? inaano ba kita?" tanong ko sa kanya.

"Bulag ka ba? pinatid mo ako, hindi ba? tapos parang naging kasalanan ko pa? ikaw pa ngayon ang bibigyan namin ng libreng drinks? dapat kasi, ang mga tangang gaya mo, nagpaprivate room no!" inis na irap niya sa akin.

"Bakit? sasamahan mo ba ako sa private room?" sabay kindat ko sa kanya.

"Bastos!" inapakan niya ako sa paa, na halos pabagsak ang kanyang ginawa.

"Ah.. ouch!" daing ko. Pesteng babae ito, papatayin pa ata ang aking kuko!

"Justine!!" narinig ko na naman ang boses ni Gab.

"Si-sir," napatungo si Justine, habang ako naman ay lihim na napangiti.

"Anong ginagawa mo? kitang kita ko kung paano mo inapakan ang paa ni Drake! paano kung mamatay ang kuko niyan?" pinandidilatan niya si Justine.

"Eh, ka- kasi sir-" nagkakandautal ito pagsasalita.

(Hahaha ano ka ngayon! akala mo ha) sabi ko sa sarili ko.

"Magsorry ka kay Drake!" utos ni Gab kay Justine.

"Si-sir-- pe--pero,"

"Anong pero? bawal yang ginagawa mo," sita pa ni Gab sa kanya.

Tumingin siya sa akin. Namumuo ang luha niya sa kanyang mga mata, saka nagsalita "sorry po sir," yumukod pa siya.

"Hindi, okay lang yun. Wala yun Gab," tinapik ko pa sa balikat si Gab, "nauunawaan ko naman siya, baka pagod na rin."

"Naku, kahit pagod, hindi pwede ang ganyan. Trabaho niya yan eh. Ganito na lang Drake, may kasama ka pa ba?" tanong niya sa akin.

"Yung mga pinsan ko, hinihintay ko lang,"nginitian ko pa siya. Sayang ang taong ito, napakagwapo pa naman.

"Yung mga Sanchez?" nanlalaki ang mata niya, "OMG, mukhang magkikita ako ng over flowing na kagwapuhan ngayong gabi!"

"Hindi naman," kunwari, nagpakumbaba pa ako.

"Magbi VIP table ba kayo?" tanong pa niya.

"Oo sana eh," sagot ko sa kanya.

"Good! para makabawi si Justine, exclusive waitress nyo siya ngayon," wika niya sa akin.

"Sir?" gulantang na gulantang si Justine, "ba-bakit ako sir?"

"Sino bang may atraso sa kanya? hindi ba ikaw?" sagot ni Gab.

Tiningnan na naman ako ng masama ni Justine, pakiramdam ko, gigil na gigil siya. Lalo pa siyang naasar, nong kindatan ko siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status